Sunday, June 15, 2014

Tortang Ampalaya ( Bitter Melon Omelette)




Hi mga Pipol...Anong Ulam nyo ngayon?
Sa mahihilig sa ampalaya at itlog ...Narito ang bagong version ko ng ampalaya with egg..Ang Tortang Ampalaya ,Plate Size..Slice nyo lang na parang cake hehehehh...



Mga Sangkap..
Medium Size Ampalaya,hiwain ayun sa inyong gustong hiwa.but i suggest manipis para di mapait..(lamasin sa asin at pigain kung gustong mawala ang Pait) ako derecho lang..
4 na itlog
Kaunteng hiniwang kamatis
Sibuyas at bawang..
Kaunteng siling pula o paprika( red bell pepper)
Kaunteng binalatang hipon..(can use ground meat if you like)
Soy sauce,oyster sauce,patis,salt and pepper...seasoning is according sa inyong panlasa.
Maaring haluan ng kaunteng cheese para medyo mas espesyal ang lasa.

Tips-maaring maglagay ng kaunteng arina para madaling mabuo .Kung hindi sanay pang gumawa ng purong itlog lang
Cooking oil syempre..
At Kaunteng tubig sa pagpapalambot ng ampalaya




Photo Cooking Tutorial


Paraan ng Pagluluto.
Igisa ang mga Sangkap like bawang ,sibuyas at kamatis..
igisang kasama ang hipon ,timplahan according sa inyong panlasa..(oyster sauce)
at ihalo ang hiniwa hiwang ampalaya.lagyan ng kaunteng tubig para lumambot ng kaunte ang ampalaya...hayaang maluto ng medyo half cooked or lutuin ng ayun sa lambot na gusto sa gulay..



at ihanda ang itlog..magbate ng itlog at ihulog dun ang ginisang ampalaya na may hipon.
iprito sa mainit na kawali na may 5  tbsp na mantika or adjust nyo ang mantika ayun sa laki ng inyong kawali at dami ng lulutuing itlog ..



takpan at lutuin sa medium heat...checkin ang ilalim para di masunog..
kung babaligtarin patayin muna ang apoy..at isalin sa isang plato...at baligtaring pabalik sa kawali
para lutuin naman ang kabila...then sindihan ang kalan..



maaring wag na itong takpan...bantayan ito at kung ready na...ihain na at ilagay sa isang plato na kasya ang tortang ginawa...
enjoy,.....maaring kainin ito ng may ketsup or any chili spicy sauce na type nyo.





Wednesday, June 11, 2014

Mashed Potato Lumpia... (Spring Roll Recipe)



Lumpiang shanghai na Patatas ang filling..
 na nilaga at dinurog hinaluan ng ibang sangkap .binalot sa lumpia wrapper at niluto sa mainit na
mantika...



Mga sangkap..
Kahit ano lang na available sa inyong Kusina...
nilagang patatas at durugin ito
kaunting chicken giniling maaring gumamit ng tuna in canned
kaunting hiniwa ng maliliit na carrots,at green onions 
maaring lagyan ng green peas or mais
paminta ,asin ,garlic powder,toyo patis..according to your taste
can add a little mayonnaise/optional
itlog /raw egg
some cheese kung type pa
chopped cabbage /or some celery 
rice paper/lumpia wrapper
cooking oil

at gumawa ng sariling sawsawan..spicy vinegar or chili hot sauce..

Tips...Or yung mismong salad na Mashed Potato,yun mismo ang lutuing palumpia...
madali lang diba!
enjoy ...pwede ng kutkutin ito
ulam o pulutan..diba happy =.+







 Pagsama samahin lang ang mga sangkap at Balutin sa Lumpia wrapper ..at iprito sa mantika ..



@Luweeh,,,