Thursday, September 25, 2014

Steamed Cassava Cake




  Para sa mga Gustong magluto ng Cassava Cake
kaso walang Pugon i mean oven sa inyong kusina,Gagamit tayo ng Steamer.
"opo yung steamer na pinaglulutuan nyo ng PUTO at embutido at ng shumai..etcs

   Kaso nga di lahat ng bahay may Oven Range okay? "kung walang steamer .nganga "
so iluto nyo sa kawali hahahhh "pede ren,,pero sa susunod na yung explain nyan..maryones.."

 Ang lasa syempre masarap den ,tulad ng baked Cassava cake.wag ng magreklamo at magsimula ng magluto hahahh


Mga Sangkap ay naririto po."

4 cups na grated o shredded cassava ( Kailangan ay marunong kayong gumawa nito..Kapag inad ad nyo na ang cassava ,ito ay pipigain at ang Juice ng Cassava ay tinatapon)
isang piga lang naman..gumamit ng katsa o fish net ,o kaya salaan.
2 cups creamy coconut milk
1 canned condensed milk or 1 cup..adjust nyo na lang sa mahilig sa matamis
3 tbsp grated cheese or parmesan powder
1/4 cup sweet macapuno
     Adding eggs is pwede ren..1 or 2 whole egg/Optional( sa allergy sa itlog pwedeng wala)
     adding butter here is also pwede..mined is wala so okay lang




At for toppings..
margarine,macapuno at cheese


Paghahanda at Pagluluto





For Quick Video Tutorial Here.



Magpainit ng steamer ,at lagyan ng mga kalahati ng dami ng tubig..
at ihanda ang mould tray..gumamit ako ng cake tray ( isang plato ang sukat)
sapinan ng dahon ng saging kung mayroon .
   "if wala pahiran ito ng oil or sapinan ng cooking paper na siguradong maaring gamitin sa steamer...
or i suggest ,you can use aluminum tray 


1.In a Bowl ihulog natin ang 4 cups na fresh shredded Cassava..at itabi lang muna sa tabi tabi
 sa hindi nilalangaw ha..hahahh..takpan nyo muna..



2..Again ,in a separate bowl naman, Ibuhos ang 2 cups na Coconut milk,1 canned or 1 cup ng condensed milk at mga 1/4 cup ng matamis na macapuno..Haluin syempre..

3.At ngayon,Paghahaluin naten ang Cassava at Liquid mixture...



4..ibuhos sa mould tray ang batter mixture at lutuin sa steamer ng mga 25 to 30 minutes,
gumamit ng cheese cloth ,ilagay sa ibabaw ng takip or punasan na lang kung sinisipag...

5..after mga 25 minutes ,checkin ito gamit ng matulis na bagay like barbeque stick ,para malaman kung luto na
ang loob..



6.If sure na luto na ang inyong cake, pahiran ng margarine ang ibabaw at budburan ng grated cheese at ng kaunting macapuno ..hayaan muna sa steamer ng mga 5 to ten minutes..then ready to serve.



Eating time na..


.......enjoy..
+Tagalog Kitchen










Thursday, September 18, 2014

Pinoy Cheese Cupcakes

Madali at simpleng cheese cake
  Alam nyo ba!..Lumaki ako na batang panaderya"
at ito halos ang kinakain ko noong ako ay bata pa at sarap na sarap ako diyan sa pagkaing iyan.
na napaisip ako, na ano bang espesyal na sangkap at bakit masarap pa sa pandesal..hahahh"

  Ang lolo ko ay isa sa sikat na pagawaan ng tinapay sa lugar namin..lalo na ang pandesal,bonete at tostado...Tumatambay ako dun para tumunganga minsan sa mga panadero at makikain ng libre,at may ipasalubong den ako sa mga kapatid ko..kaso yung mga reject na hahahh..
business syempre baka maluge naman si lolo.
  At gumagana ang panaderya ng lolo ko araw araw ,mula umaga hanggang madaling araw ,
may naglalako ren ng pandesal at bonete..mga estudyanteng binatilyo ,may ten percent sila sa maibebenta nilang pandesal at ibang tinapay,sukbit nila ang kaing sa likod ..
tumitili sila ng  .....''bonete at pandesal."
 
Ang cheese cupcakes dinideliver lang sa mga store ..eskwelahan at palengke.
.. after school ko tumutulong ako para lang maka libre ng cheesecake,masaya na ko noon..oo naman sosyal na sakin yan hahahhh

At ngayon naalala ko na lang hehehh.
   Ang tagal na yan..teens pa ko hahahh.
Yun nga ,ngayon sarado na ang panaderya ni lolo,yumaon na ren kase.
Simula ng ako ay nag Japan ,wala ng naglakas loob ipagpatuloy ang pag papanaderya sa angkan namin..Eh puro busy na daw sa ibang bagay hehehh,




 Tanda ko pa puro cheesecake lang kinakain ko,buti na lang di ako tumaba noon..hahahh
Ngayon delikado na...ang sarap naman kase ng cheese cake ,dito sa Japan iba ang Cheese cake nila,malabulak sa pagkamamon at sobrang rich..
.
   At ayun namataan ko ang mga sangkap ng ako ay tumutulong..medyo minsan dinadaya ang sangkap para makamura at makatipid..
   Ngayon? may mga ibat ibang version na ang cheese cake ng pinoy...its according to your budget at according sa gusto ng bibig.."ika nga"
  "Pero promise nakakataba ito ."hahahh

Ingredients..Preheat oven to 180 C..at ibake ng 20 minutes..
double the ingredients if wanted more cupcakes
makakagawa siguro ng mga 8 to 9 pieces of cupcakes..

1 cup cake flour (Salain kung sinisipag)
a pinch of salt
1/2 tsp baking powder
2 tsp coconut powder (para medyo chewy) ewan bakit nga ? hahahhh try nyo..coconut macaroons ang peg..
1/2 cup Parmesan cheese
1/2 cup cream cheese or 100 g ..
1/4 butter
1 cup condensed milk...(1/2 cup lang nilagay ko kase galit ako sa matamis )
2 whole eggs

 Medyo dense or pa muffin ang pagka cake ng cheese cake na kinalakihan ko,,
ngayun iniiba na nila ang ang original na cheesecake..nagiging moist at mamon type na..
basta ba masarap eh..

 Ang cheese cake ng Japan napaka creamy at ma cotton ,yum yum den..




For Quick VIDEO Tutorial...



Paraan..
1,Paghaluin ang dried ingredients...
Cake flour,salt,coconut powder at baking powder....at itabi muna

2.Sa isang bukod na mixing bowl,pagsamahinng mabuti ang butter at cream cheese
Gumamit ng electric blender or pagtyagaang haluin ng tinidor or whisk
then kapag naging creamy na ang hinahalo,

3.Next ihulog ang itlog isa isa at haluin itong mabuti kasama ng cream cheese at butter..

4 At patakan ng 2 o tatlong patak ng vanilla essence or extract.

5.Then ibuhos ang 1 cup na condensed milk .(or adjust according sa inyong panlasa)
Haluing mabuti (or use electric blender) para makuha ang tamang lapot at pino ng batter.

6.At ang huli ay ihalo ang 1/2 cup na Keso na alam nyong malasa..like parmesan cheese or grated cheddar cheese,( select good cheese to make better taste for your cupcakes)

7.Ihanda ang tray na paglulutuan at ilagay ang mga paper cupcake at pahiran ng oil..at lagyan ng batter cake mixture ang bawat mould (wag itong pupunuin ,mga halos kalahati lang ,sa dahilang aalsa ang cake)lutuin ng mga 20 minutes or adjust..

8.Obserbahan habang ito ay nakasalang,..tusukin ng matulis na bagay para malaman kung luto na at ready na itong ihain..enjoy

9.Kapag alam nyong luto na ang mga cupcakes ,hayaan lang muna sa oven ang mga cupcakes ,at pahiran ng egg yolk(optional) ang ibabaw ng cake
at budburan ng grated cheese or parmesan cheese.at hayaan sa oven na  matunaw ang keso ..









Giant doughnut cheese cake? hahahh

enjoy.....

Thursday, September 11, 2014

..Kamote-Que (Sweet Potato Skewers)




Simpleng Meryenda..Madali at Sagana sa Protina..
Medyo May mantika at asukal..so kung Health conscious kayo..
Use Healthy Oil at use Honey instead of Sugar ( ibake or ilaga nyo na lang hehehe)

Sangkap
Kamoteng Sariwa
Asukal
Barbeque stick
Cooking Oil
at kaunting Toasted Sesame seed


1.Balatan at Hiwain ayun sa gustong korte na kayang tuhugin ng stick..
magpainit ng mantika sa paglulutuang kawali o kasirola.

2.Punasan ng Kitchen towel ang hiniwang kamote ng hindi tumalansik ang mantika..

3..Lutuin ng palubog sa mainit na mantika..tantyahin nyo ang init bago ito ilubog..
kung gusto ng more crispy ,double dip fry nyo ito..

4.At habang nakalubog sa mantika ,tingnan ang piraso kung ito ay luto na at budburan ng asukal...
kung di sanay sa pabudbod..tuhugin nyo muna ang kamote na niluto nyo ..at itabi muna ito.

5..Gumawa ng caramel (ito ay kaunting tubig at asukal na pinasama, lutuin sa tamang apoy)..at dun nyo ilubog sa caramelized sugar ang nilutong kamote or drizzle nyo na lang..



Then ready to serve at enjoy.
@luweeh




Tuesday, September 9, 2014

Simpleng Ulam..Ginisang Tuna with Egg Drop

Simple at Madaling Ulam..

Tuna in can ( size kayo ng bahala hehehe) then adjust lang sa seasoning
2 eggs ( binati ng bukod )
sibuyas bawang at kamatis
kaunteng mantika

Igisa ang bawang sibuyas at kamatis ( hiniwa na)
sa mahinang apoy isunod ang Tuna ,buhusan ng kaunting tubig (1/2 cup )para magkaroon ng kaunting sabaw...Pakuluan ..and next ibuhos pabilog sa niluluto ang Itlog na Binati..Haluin ng dahan dahan..at timplahan ng asin paminta or patis..

Serve and enjoy..
Dali diba!



Quick Video Cooking..




Ja ne!
Luweeh...

Monday, September 8, 2014

Pagluluto ng Sampaloc Candy (Tamarind Sweet candy)

Pinoy Tamarind Candies and my version,
Naaalala ko noong ako nasa elementary pa ,kapag oras ng recess masarap magngatngat ng champoy na sampalok .ginawa nyo ren ba? .kahit anong asim banat,
At sa lugar ko naman sa Cavite ,noong kapanuhan ko pa ,hehehe,
Sa lugar namin kakaunte pa ang mga bahay ..ganun na nga sigurado kong organic pa mga halaman ..at di katulad ngayon na halos ganyang ka polluted .
kahit alitaptap o tutubi di mo na nga makita..noon nga kase maraming pang halaman at puno ,malinis ang mga tubigan ,may mga kuhol pa ..ngayun ? ewan ko na lang..at ang mga palayan ngayun .halos ay naging subdivison na..nakakamis ang mga kabataan ano?
at yang puno ng sampalok ,sinsugod naming sungkitin yan at minsan syempre ,namumulot ng bagsak na sampalok..heheh .libre snack +.+
Ginawa nyo ren di ba?




Anyway.ang pag luluto ng sampalok candies ay may ibat ibang klase,at minsan nasa kinalakihan mo o paano itinuro sa yo ng magulang mo or kung itinuro ba sa school nyo..

Sa akin naman,mismong lola ko na inang ng nanay ko ang nakitaan ko ng pagluluto nito..
na syang sinundan na lang ng nanay ko..ewan ko sa iba..

Mga Sangkap

1/2 kilo Sampalok na Hinog....
2 cups muscovado sugar
2 cups na mashed Kamote..(Sweet Potato) para bawas asim..
1 cup na tubig
asukal na puti para dito igulonggulong ang nalutong sampalok jam
asin.
pambalot na cellophane

Hinog na SAMPALOK made in Thailand

MASHED KAMOTE


Maaring paghaluhaluin lahat ng sangkap ,gamit ang kamay ..syempre yung malinis...yan yung nakita ko noong akong bata pa..na ginagawa sa amin..

Yung proseso ko iniba ko lang ngunit ganun den ang resulta...






At marahil madami ang nalutong kong Sampalok candy, ginawa ko na lang siyang sampaloc Jam...

Watch Video cooking Here...

Monday, September 1, 2014

Sesame Seeds Ball (Pinoy Butse)

A chinese Style Recipe...na maari namang iadjust according sa inyong panlasa...
Nakagawa ako ng 8 to10  pieces na sesame balls ..depende ren sa laki ng bola bola na huhulmahin..
Lasa syang doughnut at nakaaadik ang lasa..bagay sa green tea or mainit na kape na walang asukal maliban sa gatas..+,+




Mga Sangkap
Itong Timpla ng sesame seed ball na niluto ko ay isang kaibigang intsik ang nagbigay sa akin ng paraan ng pagluluto nila..
ang kinaugalian ko noong ako ay maliit pa...ay simpleng glutinous rice flour lang at parang palitaw na ipiprito lang na may palamang monggo sa loob..at igugulong sa linga ay may BUTSE ka na...simple diba...pero try ko ang lutong intsik..

Mga Sangkap na Ginamit ko sa Pagluluto ng Sesame Seeds Ball
1 1/2 cup Rice Glutinous Flour...
1/4 coconut milk or fresh milk
1/4 cup Potato Flakes( Lasang doughnut kapag naluto na at di malagkit na parang TIKOY)Optional kung ayaw...
1/2 cup warm water
1 tsp baking powder
Toasted white Sesame seed /kahit mga 1/2 cup
1/2 brown sugar oe adjust according to your taste
Red sweet bean paste or minatamis na beans or monggo
some cake flour or rice flour para sa panghalo sa red beans ..or maari ilagay ng purong monggo or beans salain lamang ang syrup para di mahirap ibalot sa dough wrapper..(Durugin ang monggo kung buo ang busal nito)


(Sa Dough )Can add a pinch of salt na di ko nalagyan at 1 tsp of cooking oil na di ko ren nilagyan..na turo ng intsik kong friends..but yung resulta ay masarap paren lasang doughnut nga po hehehh..




 Make sure you knead them enough ng hindi mag sabog sabog ang inyong dough ..check while adding  liquid..mahirap ibalot ang monggo kung di maganda ang inyong dough..
at para maiwasan ang maging malagkit o tuyot...dagdagan ng kaunting rice flour or liquid habang inoobserbahan ang dough ..



 Make sure na hindi luluwa o puputok ang inyong bola bola ..tamang laki lapad ng wrapper at tamang dami ng monggo ang ilalagay sa inyong bibilugin..at igulong gulong sa toasted linga..sesame seeds






 Ihulog sa mainit na mantika at lutuin ng mga 9 to 10 minutes sa tamang init ng apoy...


Paggawa ng Bean Paste ...Adding sugar is suggested for those who wants more sweeter taste.
Haluan ng arina or rice flour,ang purong minatamis na red beans hanggang maging paste...adjust ang timpla according sa inyong gusto tamis at consistency ng beans..






or watch the Video Cooking Here..
Enjoy po....