Sunday, November 30, 2014

ENSALADANG OKRA

Kumakain ka ba ng okra? o ayaw na ayaw mo ang okra dahil ito ay madulas at malapot kapag kinakain..
Kung ako ang tatanungin naman,kahit isang kilo na okra kaya kong ubusin..ilaga,iprito,isapaw sa sinaing,isahog sa pinakbet ,ihalo sa sinigang at higit sa lahat blanched okra salad ang the best na gustong gusto ko.

Alam nyo ba..Sikat sa Japan ang okra salad...Tinimplahan ng suka kaunting asukal,paminta at japanese dashii tsuyu....at hinahaluan nila ng iba pang gulay na babagay sa okra,..
"ay grabe sobrang sarap"..

kapag nga nagmamadali ako..inilalagay ko lang sa isang bowl ang okra at bubuhusan ko ito ng mainit na tubig,
then ibabad ng ilang minuto at ready to eat na..kinakain ko ito ng may toyo or patis na may suka at bawang...
At mas masarap lalo na kung isawsaw nyo ito sa Bagoong na alamang or hipon...Lagot ang rice  heheheh..
pero ang totoo ...pinapapak ko lang ang okra kahit walang timpla...weird ba?





Ang recipe na nasa larawan ay ginawa ko pa noong ako ay nasa Pilipinas pa..
maybe next time ipakita ko naman ang timpla ng okra salad ,na ginagawa ko dito sa Tokyo..


MGA SAHOG sa Okra Salad
Fresh raw OKRA..
1 small size red or white onion
5 small size cherry tomatoes (use fruit tomatoes for better taste)
pamintang durog
1/2 to 1 tbsp sugar
2 tbsp Vinegar
1 tbsp Soy sauce
kaunting chopped Basil Leaf
cayenne pepper/optional
lemon or kalamansi..pangdisplay ( bawasan ang suka kung gagamit ng lemon or kalamansi

can add patis or a little water
can also add wine vinegar,mirin or else anong meron kayo na gustong ihalo..be creative in making dressings..
add ng Kaunting siling pulbos or siling labuyo.for spicy flavor


Paghahanda..

Just give a hot water blanch to your okra .if gusto ng halos hilaw pa ang okra.(more crispy here)

Give a one time boil kung gusto ng pati loob ng okra maluto ng kaunti..

or ibabad sa kumulong tubig ng isang minuto..

Then banlawan ng malamig ng tubig at patuyuin..

Hiwain ang okra or iserve ng buo..putulin nyo lang ng kaunti ang both side part..

Then ihain sa isang plato..Make your own style of design para sa magandang presentasyon..


Madali lang diba?
Paghaluhaluin lang ang lahat ng sangkap at iadjust ang lasa according sa inyong panlasa
Ibabad nyo lang ng ilang oras ..at ilagay sa ref..then maari nyo na itong iserve..






Video Making ...


ENJOY.....
@Luweeh

Wednesday, November 26, 2014

Sweet Spicy Tuyot na Pusit Adobo

Pang Pulutan o Pang Ulam bagay na bagay...medyo malakas ito sa rice so alalay lang...
Minsan masarap deng papakin ..

Kung may time ibilad sa araw ang pusit mas okay,kung tinatamad na o wala ng tyaga ,maari naman itong iluto sa oven para maging tuyot at medyo chewy ...or lutuin na lang sa kawali .











Ingredients...

1/2 kilo of Small size fresh squid  washed and cleaned
1/4 cup Vinegar or adjust
3 tbsp Soy sauce or adjust
some patis (fish sauce) or use salt instead
Black pepper
5 to 6 cloves of Chopped Garlic
2 to 3 tbsp Sugar
Cayenne Pepper or siling pulbos..add as spicy as you like
Kaunteng Tubig
Garlic powder/optional
2 to 3 tbsp cooking oil

Igisa lang ang bawang kasama ng siling pulbos,( mas masili mas maanghang syempre)
sa kaunting mantika
at isunod ang PUSIT ..toyo suka patis paminta patis ..
lagyan ng 2 to 3 tbsp na sugar at mga 1/2 cup na tubig..
lagyan ng 2 dahon ng laurel..
pakuluan sa katamtamang apoy hanggang sa matuyot
haluin lang ito ng haluin para maiwasan ang pagkasunog..

Maaring lutuin ito sa oven toaster ng 20 minutes..
.kung gusto ng medyo tuyot pa at pa barbecue
ang lasa...
Ilagay sa dahon ng saging ,kung mayroon at saka ito iluto sa oven toaster..






For Quick Video Cooking...



Enjoy your Pusit adobo...PULUTAN na ..





Tuesday, November 25, 2014

Bibingkang Malagkit with Macapuno

Kase nga" medyo maiba naman ang rice biko,namiss ko lang ang cassava cake..dinaya ko na lang sa glutinous rice..lagyan lang ng eggs,cheese at condensed milk siguro lasang cassava cake na siya talaga..








Mga Sangkap ...For small family ang ingredients..

1 cup glutinous rice flour
1 can coconut milk or 3 cups coconut milk
1/4 cup wash sugar
2 tbsp wash sugar
1/4 cup muscovado sugar
pinch of salt
2 cups macapuno






First is to make a caramel glaze of muscovado and coconut milk with macapuno
lutuin sa isang kawali 1/2 cup macapuno ...1/4 cup na coconut milk at 1/4 cup na muscovado sugar
at iset aside..

hugasan ang bigas at buhusan ng 1 cup na coconut milk at 1/4 cup na asukal..kaunting asin..
lutuin ito ng medyo painin.( i cooked in rice cooker)..yung di lutong luto..

At hanguin ..

Maghanda ng non sticky fry pan..Ibuhos ang natirang coconut milk (1 cup ) at ihalo ang 2 tbsp na asukal at macapuno..Ihulog dito ang Sinaing na Malagkit..
haluin ng haluin hanggang maging makunat ang malagkit sa kawali..

then ,ihulma sa isang lalagyan,latagan ng dahong ng saging kung mayroon,pahiran ng oil or butter..







Ipatong sa ibabaw ng rice bibingka ang macapuno jam or bukayo na ginawa..

Mag painit ng 5 minutes sa oven toaster..
Lutuin ulit ito ng 20 minutes sa oven toaster..

then ready na ang bibingkang malagkit na may macapuno....
enjoy...with hot green tea ..









VIDEO COOKING HERE....







Monday, November 17, 2014

Homemade Luncheon Meat

Easy and Simple Plain Meatloaf..
Mahilig ka ba sa meatloaf or luncheon meat ?
Magluluto tayo ng meatloaf na hinaluan ng Luncheon meat..
pang padami at pang palasa
Imbis bumili kayo ng maraming luncheon meat..Luto na lang tayo..

Bagay ito sa mga handaan at mga occasion.At tamang tama sa December at New Year.

Steam or oven pedeng pede..at iprito ren ,masarap na agahan sa sinangag at palaman sa tinapay..







Mga Sangkap 
(35 to 40 minutes ang pagluluto)
Steam cooking ..

400 g..na pork Giniling
340 g. Luncheon meat in can

1/4 cup potato crumbs or starch
3 to 4 tsp himalayas salt or any refine salt
paprika
black pepper
all spice seasoning
ONION POWDER 1/2 tbsp
1 egg white
1 tbsp sugar
at hulmahan na tray ..molder



Paghahanda at Pagluluto..
Sa isang Mixing bowl...Ilagay ang giniling,imasahe ito ng ilang minuto para maging pino or gumamit ng food processor..

At ihalo ang lahat ng ingredients at iadjust according sa inyong panlasa,,,


Pahiran ng oil ang hulmahan at ibuhos ang meat mixture at lutuin ng 40 minutes ..
Lagyan ng mabigat na bagay ang niluluto para maging siksik ang meatloaf..



.

....and enjoy...










video cooking here.....



Thursday, November 13, 2014

Kwek Kwek Recipe

Ang Nilagang Itlog na nilubog sa maatsuweteng batter mixture at niluto sa mainit na mantika..sinasawsaw sa timpladong sukang maanghang .






Ito ay popular na street food ito sa Pilipinas ,mura na at madaling isubo ,nakakabusog at mabigat sa tyan..Maaring iulam,meryenda o pulutan..patok na patok sa masa
.
Ang unang tikim ko nito ay nang ako ay nasa Mega Mall mga year 2006..at ang sabi ko ay parang Tempura lang ,may ganitong luto sa Japan..usually kinakain ito ,kasama ng Soba at udon noodles..
( boiled egg Tempura )

Ang nakikita kong kwek-kwek ay balot na balot ng batter ,gusto ko yung medyo thin layer lang ang crumbs nya ,hindi puro flour ang makakain mo..so i made my own kwek kwek at home.

Yun nga,ang pag gawa ng batter mixture ay may kanya kanyang panlasa ,kung gusto ng crispy or pa chewy..balot ng arina or manipis lang..

Pag gawa ng batter ay sariling diskarte lang..

May gumagamit ng arina lang .cornstarch o potato starch at usually may atsuete na pang kulay, para siya pumula at may gumagamit ng food coloring ,iyan ang identity ng kwek-kwek mapula na ma orange orange
nasubukan ko ng gumawa ng egg tempura at karaage ..at masarap den sya..
karaage boiled egg

sangkap ..arina at cornstarch mixed ,,ginger juice,asin,paminta,cold water ..kaunteng toyo ,garlic powder,,or adding raw egg is an optional..


nakagawa na ren ako ng boiled egg okoy ..mas masarap den sya..at may sawsawan na sukang maanghang..

boiled okoy or ukoy egg..
Sangkap...arina at cornstarch ,baking powder,spring onion,corn,dried baby shrimps,salt and pepper ,water, atsuete/optional


Lahat natry ko na kung alin ang masarap at bagay sa kwek-kwek na batter mixture..
narito ang sangkap na ginamit ko..


Ingredients..
10 boiled eggs.binalatan at pinunasan ,binudburan ng arina o gawgaw
2 cups plain flour or cornstarch or use them both
   or maybe you can use 1 cup flour 1/2 cup cornstarch 1/2 cup glutinous rice flour ..
1 tsp baking powder
salt and pepper to taste
 1 tbsp of atsuete powder or add more to gives a brighter orange color
1 cup cold water or adjust as it needed
enough Cooking oil for frying the boiled eggs


you can mix it with one raw egg ..beaten in a little amount of cold water...it can be optional

Sawsawan,,
paghaluin lang ang
2 tbsp na suka,1/2 tbsp na patis,1tbsp na toyo,paminta,siling hiniwa or papulbos,1/2 tbsp na asukal...hiniwang bawang at hiniwang sibuyas...or gumawa ng sariling timplang sawsawan .

Pagtitimpla ng batter..
Pag haluhaluin lang ang mga sangkap ,haluin at dito ilulublob ang boiled egg.
at pagkatapos iluluto sa lubog na mantika...if wanted a crunchy breaded kwek-kwek..double the deep frying ,,and drain in a kitchen paper to lessen oil then serve ,and eat in hot spicy dip sauce ..enjoy..



at kainin na...hanggat mainit ....dahil mas masarap ang bagong luto nito..
sarap meryenda..sarap iulam..sarap gawin na pulutan..



Video COOKING HERE...

enjoy .....

NILUPAK na UBE at GABI

Gawa ulit tayo ng homemade Nilupak..








One of my Favorite Kakanin bukod sa Kutsinta,cassava suman at pichi pichi..
kumbaga di ako masyado sa mga puto.bibingka or rice biko..
kung sa ginataan ,mas type ko naman ang ginataang totong kaysa bilo bilo or maiz..

Anyway,Try ko namang gumawa ng nilupak na gabi at ube kamote,,

Mga Sangkap 
Of course adjust the ingredients according sa inyong panlasa.
1 cup mashed na ube ( i used ube na kamote )
1 cup mashed na gabi
1 cup fresh grated coconut ( i used coconut powder)
1/4 cup grated Cheese
some butter or margarine
1/2 to 1 cup condensed milk





Durugin ang ube at gabi
gumamit ng lusong,tinidor any kitchen tools para madurog ang sangkap..( use food processor if mayroon) kapag nadurog na..
Ihalo lahat ng sangkap maliban sa butter..adjust the ingredients according sa inyong panlasa..
humulma ng gustong korte ,,bilao size or individual portion..










At pahiran ng butter ..yummy..
Palamigin sa Ref para tumigas ng kaunti..
Enjoy ....
sarap may hot green tea na kapartner ..

Related topic....VIDEO COOKING here...


,,,,