Monday, September 1, 2014

Sesame Seeds Ball (Pinoy Butse)

A chinese Style Recipe...na maari namang iadjust according sa inyong panlasa...
Nakagawa ako ng 8 to10  pieces na sesame balls ..depende ren sa laki ng bola bola na huhulmahin..
Lasa syang doughnut at nakaaadik ang lasa..bagay sa green tea or mainit na kape na walang asukal maliban sa gatas..+,+




Mga Sangkap
Itong Timpla ng sesame seed ball na niluto ko ay isang kaibigang intsik ang nagbigay sa akin ng paraan ng pagluluto nila..
ang kinaugalian ko noong ako ay maliit pa...ay simpleng glutinous rice flour lang at parang palitaw na ipiprito lang na may palamang monggo sa loob..at igugulong sa linga ay may BUTSE ka na...simple diba...pero try ko ang lutong intsik..

Mga Sangkap na Ginamit ko sa Pagluluto ng Sesame Seeds Ball
1 1/2 cup Rice Glutinous Flour...
1/4 coconut milk or fresh milk
1/4 cup Potato Flakes( Lasang doughnut kapag naluto na at di malagkit na parang TIKOY)Optional kung ayaw...
1/2 cup warm water
1 tsp baking powder
Toasted white Sesame seed /kahit mga 1/2 cup
1/2 brown sugar oe adjust according to your taste
Red sweet bean paste or minatamis na beans or monggo
some cake flour or rice flour para sa panghalo sa red beans ..or maari ilagay ng purong monggo or beans salain lamang ang syrup para di mahirap ibalot sa dough wrapper..(Durugin ang monggo kung buo ang busal nito)


(Sa Dough )Can add a pinch of salt na di ko nalagyan at 1 tsp of cooking oil na di ko ren nilagyan..na turo ng intsik kong friends..but yung resulta ay masarap paren lasang doughnut nga po hehehh..




 Make sure you knead them enough ng hindi mag sabog sabog ang inyong dough ..check while adding  liquid..mahirap ibalot ang monggo kung di maganda ang inyong dough..
at para maiwasan ang maging malagkit o tuyot...dagdagan ng kaunting rice flour or liquid habang inoobserbahan ang dough ..



 Make sure na hindi luluwa o puputok ang inyong bola bola ..tamang laki lapad ng wrapper at tamang dami ng monggo ang ilalagay sa inyong bibilugin..at igulong gulong sa toasted linga..sesame seeds






 Ihulog sa mainit na mantika at lutuin ng mga 9 to 10 minutes sa tamang init ng apoy...


Paggawa ng Bean Paste ...Adding sugar is suggested for those who wants more sweeter taste.
Haluan ng arina or rice flour,ang purong minatamis na red beans hanggang maging paste...adjust ang timpla according sa inyong gusto tamis at consistency ng beans..






or watch the Video Cooking Here..
Enjoy po....