Friday, October 10, 2014

Simpleng Ulam..Tuna Bitsuelas at Maiz

"Madaliang Putahe....or tamad na lutuin?"
Ginagawa ko ito kapag wala pa akong luto at biglang nagutom ang anak ko..
Ginagawa nyo ren ba?




Mga lutong hindi nakasulat sa recipi ,mga imbentong pinaghalo halo at kung anong available sa ref..
or kung ano ang mabilis maluto..

At kung minsan inihahalo ko ang gulay na paborito ng anak ko...like gusto ng kid ko ang green beans..at nagkataon na may natira akong corn kagabi..at tuna na natira sa paggawa ko ng isang pirasong sandwich...kakatawa lang,di mo inakala masarap ren pala...

Mga Sangkap ( from scratch ingredients)
Tuna in Can (126 g)isang medyo malaki na size na can tuna
Corn (mga isang dakot )
Green Beans (6 na tangkay o piraso )
Kamatis Sibuyas at Bawang (sapat na dami para sa panggisa )
1 1/2  tbsp of Vinegar ( ito ang nagpasarap sa lutong ito ang SUKA)
at  1 1/2 tbsp na Toyo ( parang paadobo na luto muna ang tuna ,bago ko niluto ng pag gigisa..
Kaunteng Mantika
Paminta..( Patis is according to your Taste) di na ko nag aasin..
At siling pulbos /optional (para sakin ito ,maanghang )

PagLuluto ay simple
1..Igisa muna ang bawang na pinitpit..,kapag amoy na ang bawang isunod ang sibuyas ,
haluin ito sandali.
Kapag medyo luto na ang bawang at sibuyas ..isunod naman ang kamatis...haluin ulit..

2,,,And then ihulog ang Tuna flakes kasama ang sabaw,hinaan ang apoy,at ihulog ang suka at toyo .paminta para magkalasa..haluin muna itong mabuti...

3..At saka lagyan ng mga 1 cup na tubig at ihulog na pati ang Green Beans...Takpan at hayaang maluto..Masarap den ang may sabaw nito or tuyot lang( Adjust according sa inyong panlasa)




Wala akong Video nito next time na lang..Lutong minamadali kase ito ..Picture lang nagawa ko,
@Luweeh




Adjust the taste and then ready to serve...
ENJOY...