Tuesday, January 27, 2015

Kimchi Rice with Bagoong

Kimchi ay popular na pagkain sa Korea ( Fermented Korean Dish made of Vegetables with spicy seasoning)

Sa mahilig kumain ng Kimchi ,narito ang simpleng putahe para sa inyong hapagkainan..
Nagluto ako ng "Sinangag na may kimchi at bagoong.."




Mga Sangkap 
4 servings..



Lamig na Kanin (3 Cups ) 
Bagoong Alamang na Luto na 1 to 2 tbsp..
Hiniwa hiwang Kimchi ( Napa Cabbage or pechay baguio) 35 grams..
kaunting bawang na pinitpit 
mantikang panggisa 2 tbsp 
paminta 

Pagluluto..
Igisa ang bawang sa kaunting mantika hanggang maging golden brown...at isunod ang
1 to 2 tbsp na Bagoong alamang at Kimchi..Haluing mabuti ..At isunod ang Lamig na kanin...
Haluin hanggang sa maluto..timplahan ng paminta at ready to serve,,

Samahan nyo ng ibang side dish at may masarap na kayong Kimchi Rice with Bagoong..
i added fried egg and fried dilis with sawsawang suka na maanghang.

enjoy...


.....Cooking Video here...



Thursday, January 15, 2015

Ube Pan Cake ( Mille Crepe Cake)

Mille Crepe Cake Recipe...with cream cheese Lemon frosting and Ube Flavor
it is a French Cake made of many Crepe Layers...at popular sa Japan..









Nasubukan nyo na ba ang magluto ng cake na walang bake? besides sa steaming or rice cooker.
Yes,lulutuin naten sa frying Pan...

Yes,It's No Bake Cake..Easy and Fun ang recipe na ito..
Let's Start with the ingredients..

isa itong manipis na pan cake ,at magluluto ng mga 13 pieces or mga 20 pieces depende sa dami ng inyong ingredients..or size ng kawali..
i used 20 inches size non sticky pan.

Kitchen Tools na gagamitin ...
Maghanda ng dalawang tamang laki ng bowl para sa pag hahaluan
wire whisk
rubber spatula
scraper
hand mixer
icing spatula
round cake board
wax paper
long chopstick
scale para sukatin ang mga sangkap
salaan ng arina
brush for greasing pan
electric blender

BATTER Mixture Crepe Ingredients
50 grams All purpose Flour
50 grams Bread flour
50 grams refined sugar
2 ordinary size fresh egg
300 cc Fresh Milk
20 grams Butter



For Frosting ( Ube Flavor)
120 grams Cream Cheese
40 grams refined sugar
30 grams Ube Halaya Jam
5cc Rum Essence or 1 tsp
2 tbsp Lemon Juice or UBE ESSENCE
160 Grams HEAVY Cream or All purpose Cream



For Toppings..you can make Butter Frosting ..Cream cheese Frosting with Ube Flavor..
I used 100 percent Ube Halaya. and cooked it in Soft Texture.
or Just Dust with White Sugar or White Chocolate Powder..


PAGHAHANDA...
1..Painitin ang kawaling paglulutuan at tunawin ang 20g na butter dito..and set aside..


2.Sa isang mixing bowl ,Paghaluin ang dalawang Arina at salain ng dalawang beses...




3.next is ihalo ang 50 grams na sugar sa sifted na arina..Haluin itong mabuti ng WIRE WHISK



4.Icrack ang two egg at ihalo isa isa habang hinahalo ito...hayaang maging smooth at creamy..




5.at ihalo ang Fresh Milk ng dahan dahan...ilagay ito sa 3 hati..Haluing mabuti


6..Kapag nailagay na ang lahat ng sangkap ,at ang lumamig na tinunaw na butter sa kawali ay ating ihalo dito sa batter mixture..
haluin itong mabuti..hanggang maging pino at pantay ang kulay..
( maliquid dapat ang batter at hindi creamy )malagnaw in short.



7.At bumalik tayo sa pinaiinit na kawali.
Maghanda ng brush na may kaunting Butter or kitchen towel paper para sa pang grease ng pan..
use long CHOPSTICK para sa pag luluto..


7.Haluin ng sandok ang batter mixture,everytime sasalok ...use sandok na may scoop ,na tanyado nyo ang sukat para sa isang pirasong crepe..








8..make sure na hot enough ang pan,bago ibuhos ang batter .
sa pag buhos ng batter iangat agad ang kawali at medyo ikutin ng left hand ang pan para kumalat ang batter  at hindi mabutas o mamuo sa isang lugar..

9.kapag babaligtarin na ang crepe ,.hinaan ang apoy ,silipin kung luto ang ilalim ,ingatang di masunog or hilaw..

PARAAN NG PAGBABALIGTAD ng CREPE...

10..ilagay sa gitna ang isang chopstick
Angatin ng dahan dahan ng daliri ang right part ng crepe at ipatong sa chopstick
tulad ng nakikita sa Larawan at ibaligtad ito sa kawali gamit ng chopstick na nilagay sa gitna..
.






11..Kapag binaligtad nyo ang crepe ,huwag nyo itong aayusen ,kahit alam nyong magulo or di ayos ang pagkabaligtad
Masisira at mabubutas ang crepe..hayaang maluto ito kahit magulo..
then isalin sa cooling plate na may wax paper ..derecho ang kawali sa cooling plate with out using sandok or tools.
(Palamigin ng kaunte at maaring ayusen ng kamay ang magulong korte ng crepe)


Kapag nailuto na ang lahat ng crepes,12 pieces or 13 pieces ang magagawa sa sangkap na aking pinakita..
At kung nasalansan nyo na ng maayos ang mga Crepes ..isantabi muna ito at takpan ...
Maghahanda naman para sa Frosting...

Sa isang malalim na mixing bowl or bowl na maaring gamitan ng electric blender...
1..ilagay sa bowl ang lahat ng Cream Cheese.Durugin ito using electric mixer (number one power)
2.isunod ang sugar ,haluin ng electric blender hanggang maging isa ang cream cheese at sugar..


3..then ihalo ang 30 grams na halayang ubi...haluing mabuti
4..Kapag namix ng mabuti ,ihalo ang 1 tsp na RUM essence ..
haluing mabuti...
5..At isunod ang 2 tbsp na lemon...haluing mabuti


6...Kapag pantay na ang hinahalo...isunod ang HEAVY CREAM..idivide sa tatlo ang pagbubuhos nito sa mixture...at hayaang maging Fluffy ang frosting ..(.Obserbahan ang Texture ng Frosting)


7...kailangan ang lapot nito ay di bumabagsak ..


Then...ready na nating pahiran isa isa ang mga pan crepe cake ...

8.Maghanda ng Round Sliver Cake Board...Yung umiikot na round board..
at isang paper hard board para sa patungan ng Cakes...


9..Para sa nag nenegosyo ng cake or gustong iregalo..
Ginagamitan ng Toasted Cake Crust ang Bottom ng crepe cake para maganda at makapal ang ilalalim ng  cake...but kung lutong pang pamilya kahit wala ng crust ay okay lang...


10..Or just kapalan nyo na lang ang isang piraso ng pancake na lulutuin nyo..
Ilatag ang crepe at pahiran ng sapat na dami ng frosting at ikalat gamit ang
icing spatulas...continue the process,,


11..sa ika apat na layer ng crepe ,budburan ng hinimay na pira piraso ng ube halaya ang ibabaw..



12..takpan ng crepe at dahan dahang diinan para pumantay ang lapat ng cake...then continue lang,
.at sa ikaapat ulit ..budburan ulit ng halayang ube...at ipagpatuloy lang hanggang maubos ang crepes..


 13.Ang wax paper na pinagpatungan ng crepes...isaklob sa ginawang cake at ihulma ng dahan dahan gamit ang dalawang kamay para pumantay ng ayos ang korte ng cake...huwag itong didiinan ...
aayusen lamang ito ,kung hindi ayos ang pagkabilog..



14...Bago nyo ito iserve .ilagay muna ito sa fridge ng ilang oras bago ito hiwain..
then budburan ng white powder chocolate o di kaya ay sugar...
or make your original butter frosting ...
mine is ..i covered them with pure ube halaya ,gumamit ako ng pipe para idesign...


Then...Enjoy ...

Narito ang Ube Halaya on Top of my Mille Crepe Cake.....So yummy
siguraduhin  na pinalamig nyo ito sa ref ng kahit isang oras ...
bago kainin...


.                                    








For VIDEO COOKING HERE....



ENJOY.....see you next Recipe....

Thursday, January 8, 2015

Heart Shaped Toasted Bread (Cheesy Tuna Corn)

Simple Meal Idea for Valentines Day









Ingredients..
6 pieces Bread Loaves ( cut into heart shape)
1 can Tuna ( drained) alisin ang liquid
1 egg
15 g. corn or add more
15 g. chopped onion or use tomato, bell pepper etcs.
1 tbsp yogurt or mayonnaise
25 g. cream cheese or nestle cream
1/4 cup grated cheese
salt and pepper to taste
italian parsley or dried basil






Paghahanda...
Mix all the ingredients in a bowl..( bukod sa bread)
at ihanda ang baking tray na may sapin na wax paper
ilatag ang heart shaped loaves at pahiran ng tuna mixture..





Iluto sa Oven Toaster ng mga 7 minutes ...or until it turns out into a golden crispy  ..
Sprinkle with dried basil or parsley .
ENJOY.....






VIDEO COOKING....




Enjoy...