Sunday, August 30, 2015

Quick Beef Tapa

Tapa means Jerky ..so kailangan tuyot ang tapa na lulutuin..well ang Filipino mahilig sa short cut..
Lets make short cut ng beef tapa as in madaliang lutong bahay ..and i arrranged in Japanese style para ang aking pamilya ay ganahang kumain..feeling gyudon lang baga..








Ingredients
 235 grams na sliced Beef (pang yakiniku ang sliced )
2 tbsp kikoman soy sauce or toyo ng pinas
adding salt is your choice ,hindi ako gumamit
1/2 tsp of black pepper
1/2 to 1 tbsp of vinegar
2 kalamansi
5 cloves of crust garlic
1 tbsp of sugar or add more as you like




Paghahanda at pagluluto..
Just make sure you clean your beef ..
then in a bowl or container ,combine all the ingredients to marinade the beef..
overnight or the longer you like to marinade your beef
i just did in 30 minutes for quick recipe ..as i mentioned madaliang luto..

then fry in your favorite kawali..with kaunting sesame oil or any coooking oil..

i added eggplant ,egg or you can make garlic rice..
because i have japanese family ,i made a rice bowl style for beef tapa..

very easy di ba...here are the result of my beef tapa rice bowl..
at pinoy style ..








Thursday, August 20, 2015

Shrimp Fried Rice

Quick and easy recipe for your table..
Sinangag na may hipon...timplang asin or patis ay pwede na.
or you can use toyo or oyster sauce .

Gumawa na lang ng soup at veggie salad okay na ang inyong meal..







MGA SANGKAP..
300 grams lutong kanin..
1 cup hipon (with no shell and devain)
1/2 cup mix vegetables
1 whole egg
1 small size onion
4 cloves of garlic
salt and pepper
fish sauce /patis
toyo or oyster sauce /or worcestershire sauce
1 tbsp cooking oil or sesame oil
some green garlic chives




PAGLULUTO..

Sa isang kawaling paglulutuan ,painitin ito at maglagay ng 1 tbsp sesame oil at lutuin ang hipon at garlic..
timplahan ng asin at paminta.

kapag naluto na ang hipon at nangamoy na ang bawang isunod ang onion..igisa ito ..
then isunod ang rice ..haluin itong mabuti at isunod ang mix vegetables..haluin ulit..

Timplahan ng patis at toyo or oyster sauce /o worcestershire sauce..



Haluin ng one minute then itabi ang rice sa gilid ng kawali..gumawa ng awang at lagyan ng 1 tsp na oil..at ilagay ang itlog na binati..hayaan itong maluto at saka haluin kasama ng kanin..

Haluin itong mabuti at hayaang maluto..budburan ng garlic chives ..then luto na..




Serve with lemon or pickled vegetables like atsara or any fresh na gulay..

enjoy...









Wednesday, August 19, 2015

Dilis Fritters (Anchovy Fritters ala Tempura)

Dilis oh ..my Dilis..Pulutan or Ulam alin ang gusto nyo..





MGA SANGKAP
1/4 kilo Dilis na fresh
1 cup All purpose Flour or Tempura mix
1  egg
1/2 cup ice cold water
pinch salt and pepper to taste
1/4 tsp baking soda
Cooking Oil..

Original dipping sauce (gumawa na lang kayo)

Paghahanda at PAGLULUTO

Ihanda ang nilinis na dilis na tinanggalan ng hasang ..
Punasan ng kitchen paper ng ito ay madaling kumapit ang batter at maiwasan ang paninilansik..
asnan ang dilis kung nasa mainit na lugar upang maiwasan ang pag kailado
at budburan ng kaunting gawgaw or arina..set aside..

Sa isang mixing bowl ,ilagay ang arina ,asin,paminta at baking soda..itabi muna
Batihin ang itlog sa baso ng may malamig na tubig..

Ibuhos ang binating itlog sa arina mixture hanggang makagawa  ng batter..
ilubog dito ang mga dilis...
haluin ng bahagya ..at gumamit ng kutsara .para sa sukat na laki.

ilubog sa mainit na mantika ang 1 tbsp na battered dilis
baligtarin kung luto na ang ilalim..hanguin sa isang cooling rock or kitchen paper..


Gumawa ng sariling sawsawan..like sukang may sili..enjoy..






VIDEO COOKING HERE..


Dilis Paksiw

Kung tawagin ito ay pagkain daw ng mahihirap.bukod sa simple ang rekado ay mura ang maliliit na isda..ngunit hindi ako maniniwala ,na ito ay pagkain lang ng mahihirap..
eh ' kahit Presidente sigurado ako, marunong ren ,kumain nito..right?
para sa akin isa itong masustansyang pagkain ,simple rekado ,patok sa bulsa at patok sa lasa
At mas masarap ..kung ito ay nakabalot sa dahon ng saging ,panigurado kong lalakas pati ang sandok ng inyong rice..

Ewan ko na lang sa mga ibang kababayan naten ang hindi marunong kumain ng ganitong putahe.


MGA SANGKAP
3 lang kase kami sa bahay so kaunting putahe lamang ang aking inihahanda..



1/4 kilo of Fresh Dilis (anchovies)
1/2 cup Vinegar
1 1/2 tbsp Patis (fish sauce)
pamintang durog
2 pirasong siling labuyo or pampaksiw
5 pirasong butil ng bawang
kapirasong luya
talbos ng luya or tanlad
kapirasong ampalaya..(ibabad sa tubig na may asin )
sibuyas or negi ( spring onions)
1 tbsp olive oil
1 cup water




PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

 Linisin ang isda at alisin ang hasang at bituka

Sa isang kasirola isalansan ang mga sangkap ...tangkay ng luya .luya, bawang,sibuyas at ipatong ang dilis...buhusan ng 1 cup na tubig...suka ,patis at paminta..

Isalang sa kalan at lutuin ng may takip..after 1 minute ihalo ang kaunting ampalaya  at ang 2 siling labuyo..iwasan itong haluin upang hindi madurog ang dilis..lutuin sa katamtamang apoy..

After 20 minutes ,buhusan ng 1 tbsp na oil at lutuin ng 1 minute then ready for serving na...

Adjust seasoning according to your taste..enjoy..





want to watch Video?
VIDEO COOKING HERE...


Wednesday, August 12, 2015

Arroz Ala Cubana

Sound Spanish right? but it's Cuban Recipe just a Pinoy version ..title pa lang cubang cuba ka na hehehe. Arroz is rice ..so dapat nasa rice ang focus hehehh..kaso sa giniling ang tutok eh..paki explain President..
Sabagay alam nyo na ang Pinoy mahilig mag imbento ng sariling atin ..
kase the original dish of arroz ala cubana is puno ng tomato sauce at niluluto ang bigas ng may timpla..ang hawig ay ang pritong saging o ang pritong itlog ..sigurado ko ang lasa ay ibang iba..




So yung ground pork or beef is according na lang sa gusto nyo,or mix both beef and pork..
ang stock ko ay pork giniling ,so yan ang gagamitin ko..

Anyway,my recipe is iba ren kase sariling version ko ito..i dont add tomato sauce or paste.maasim na yan kase..tomato na fresh is enough na..nilagyan ko ng worcestershire sauce ..

INGREDIENTS
322 grams Pork Giniling
2 tbsp Worcestershire sauce or adjust
1 small size onion.
1 small tomato ..
3 cloves garlic
1 medium size potato
1/4 cup mix vegetables (carrots,corn and green peas)
1 piece red bell pepper
salt and black pepper to taste
1/4 cup raisin
2 tsp sugar
1 cup water
1 bay leaf
1 small cut of star anise
1/2 tbsp olive oil

use patis para more pinoy ang lasa ..

Paghahanda at Pagluluto..

Ilaga ang giniling sa one cup water hanggang matuyo..
lagyan ng 1/2 tbsp na oil at 2 tsp atsuete powder..igisa at haluin
isunod ang bawang sibuyas at kamatis haluin hanggang magisa at maluto ang kamatis
isunod ang patatas ,mixe vegetables,red bell pepper at pasas
Timplahan ng paminta at 2 tbsp of WORCESTERSHIRE sauce..adjust if like lagyan ng patis asin or toyo..

takpan hanggang sa maluto ang gulay...lagyan ng 2 tsp na asukal at lutuin ng ilang saglit
then ready na ang giniling ..

Magprito ng itlog ,saging at gumawa ng fried rice or use plain white rice..
then arrange in a serving plate and enjoy..


Huwag Takpan ang nilulutong itlog para manatili ang dilaw na yolk..

Kapag tinakpan ang pinipritong itlog mamumuti ang yolk 

Pang party presentation


Cooking Video Here..



Sunday, August 9, 2015

Pork Binagoongan

Another Filipino all time favourite dish,,Pork meat cooked in shrimp paste..iba iba ng diskarte ang mga pinoy lalo na when it comes sa kanilang kinalakihan ...
Pagkaing Pinoy nga naman nakakasira ng dyeta..
noong bata ako isa sa paborito ko ang binagoongan lalo na sa beef..
ngayon syempre hinay hinay na lang...ng ang ating katawan ay hindi mapabayaan..







MGA SANGKAP

you can add gulay in your recipe..or just plain pork meat..
i used Pork belly..

535 grams Pork Belly..cut into size you like
1 medium size onion,kamatis at 1 piece red bell pepper
3 busal na bawang (pinitpit)
3 tbsp Bagoong Alamang.(or add as you like ).I used cooked alamang in bottle
1 1/2 cup water
black pepper
2 to 3 tsp atsuete powder
2 tsp sugar
1 bay leaf
a small cut of star anise



Paghahanda at Pagluluto..
1..i washed and cleaned Pork meat ( boiled in enough water in 1 minutes to remove dirt and remove boil water and wash the pork meat..

2..cut the pork meat according sa sukat na gusto at hiwain ang mga sangkap na pang gisa..

3..in a sauce pan..boil pork meat in 1 1/2 cup water .add laurel leaf and star anise..cook until mawala ang tubig,..





4..then kapag natuyo na ang tubig ,iprito ng bahagya ang pork sa lumabas na mantika at igisang kasama ang bawang,sibuyas at kamatis..haluin bahagya at lagyan ng sapat na dami ng bagoong..
saka ihalo ang siling pula ,timplahan ng paminta at kaunting asukal..lutuin ng ilang minuto 

Then luto na...then serve in a serving plate and enjoy..garnish with siling labuyo or sprinkle with siling pulbos or cayenne pepper for spicy flavor..






watch video cooking here..






Monday, August 3, 2015

Pakbet with Sabaw

Pinakbet na medyo may kaunting sabaw at medyo labog na gulay..
i like half cooked veggies pero i just want to reminisce my childhood days kung paano kami lutuan ni nanay ng pakbet na parang sinigang na pakbet .alam nyo ,kapag marami kayo sa pamilya kailangan ,idea sa pag papadami ng ulam...right?



Ingredients is as always..
adding seafoods or meat is depends on you..




i use pork chop (2 pieces) wash and clean or blanch or boil in a minute kung worried kayo sa dirt
1 medium size ampalaya
1/4 kilo of kalabasa
12 pieces okra
1 large size talong
1 medium kamatis and onion
3 cloves crust garlic
some cooking oil
4 cups water or broth you like (pork fish or beef)
some bagoong alamang/cooked or raw..
paminta and patis
i added a bit suka / optional



Paghahanda at Pagluluto
wash and cut the veggies according to size bites you like

TIPS-to lessen the bitter taste of ampalaya,kayurin ang puting parte sa gitna ng spoon ,makakabawas ito sa pait...or sit in salt for 15 minutes and rinse it..

iprito ang pork sa kauntin g mantika
isamang igisa ito or set aside,at ihalo ang meat later..
then igisa ang sibuyas bawang at kamatis...lagyan ng sapat na dami ng bagoong na gusto at lagyan ng 4 na cups na tubig...



ihalo ang mga gulay at lutuin sa mahinang apoy..lutuin ng medyo labog ang gulay..
takpan ng bahagya..
ayusen ang timpla ,patis ,paminta or more bagoong..
then ready to serve na..enjoy..