Friday, February 13, 2015

Pancit Adobo

Pancit Bihon na niluto sa timplang adobo ,
niluto sa suka at toyo na maraming pinitpit na bawang.nasubukan nyo na ba?
Hindi na kailangan ang Kalamansi or Lemon..








Mga Sangkap na aking ginamit..

150 grams Pancit Bihon
127 grams chicken liver ( boiled and sliced into small bite size )
230 grams chicken meat (boiled and sliced into small bite size)
114 grams green beans ( sliced diagonally )
65 grams carrots ( sliced thinly)
93 grams onion (diced)
50 grams garlic ( hiniwa ng maliliit o pinitpit)
100 grams cabbage ( chopped)
1 cup water
1/2 cup vinegar
1/2 cup soy sauce
Fish Sauce or Patis
Black Pepper
2 bay leaf or dahon ng laurel
1 tbsp olive oil
8 piraso ng nilagang hipon.




Ang sukat o dami is according na ren sa inyong iluluto..just adjust your seasoning

Paghahanda..
1.Ilaga ng ilang minuto at pasukahin ang dumi ng atay at manok sa kumukulong tubig.
at hugasan bago hiwain ng manipis or ayon sa laki ng inyong gustong hiwa..

2.Ilaga ang ang Bihon ng ilang minuto para maalis ang coated Plastic Wax sa noodles..then salain at iset aside..



3. Ihanda ang lutuang kawali ,ilagay ang atay at manok ,1 cup na tubig ( or dagdagan ang tubig according na ren sa inyong niluluto)
ihalo ang toyo at suka ,pati na ang bawang at taktakan ng paminta...samahan den ng laurel..takpan at lutuin ang adobong manok at atay..



4.Magtira ng kaunting liquid sa adobong niluluto  at saka ihulog ang mga gulay carrots,sibuyas,at isama ang bihon noodles..then isunod ang repolyo..haluin at timplahan ng paminta at patis..
ihalo ang nilagang hipon...




5..at ready to serve...masarap kainin ito ng may tinapay na pandesal ..
timplahan ng sukang may sili ,para lalong masarap...enjoy..




.......

 Video Cooking