Tuesday, March 31, 2015

Pan de Bonete

We called it Pambonete or Pan de Bonete..in short bonete lang ang tawag namin nito.

Dinner Roll style kaso version nateng pinoy,Simple ang mga sangkap
May mainit na tinapay ka na..masarap ito na kainin ng mainit

Laki akong Panaderya at ito ang pinakamalimit kong kainin bukod sa Pandesal.
binebenta ito ng lolo ko sa gabi ,nilalako ng mga batang estudyante ..sideline ba.
ako naman ay dumudunggit lang pag may luto na,kase nga mas mainit mas masarap,
kapag bagong hango sa pugon, kay sarap ng amoy.

Kaso hindi mantikilya ang nakikita kong nilalagay kunde tulog na mantika  ..
noong bata pa ako kung kumain ako nito grabe papalamanan lang namin ng derikrim ok na..ngayon tikim tikim na lang ..




Ingredients..
Preheat oven to 180 degree celsius
baking time 17 to 18 minutes

320 grams Bread flour
2 tsp instant Yeast
2 1/2 to 3 tbsp Sugar
160 cc Lukewarm Water
1 tsp Salt
50 grams Butter

Double the ingredients to make more bonete..
use stand mixer if making a large amount ..
di kakayanin ng mano mano..


 Makakatulong kung gagamit ng wooden spoon or rubber spatula
damp cloth,cling wrap,bread scraper, at Scale (sukatin ang mga sangkap ng di pumalpak)
at dalawang mixing Bowl..



Paghahanda...

 Sa unang bowl ,ilagay ang 100 grams na harina at ilagay ang yeast at asukal
Sa second Bowl na may 120 grams na harina .ilagay ang asin at butter
tulad ng nasa larawan.


Sa 1st bowl na may yeast at asukal,ibuhos ang lukewarm water at haluin ito ng mabilis para mabuhay ang yeast...2 to 3 minutes,obserbahan ang pagbabago ng hinahalo..



Kapag activated na ang yeast ( medyo elastic na ang batter)
 ihalo ang second bowl na sangkap (harina asin at butter)
Haluin ng wooden spoon hanggang sa mawala ang pulbos at ilapag sa hapag
para magsimula ng pag mamasa ng dough..


Imasa ang dough na parang nag lalaba ,alamin ang tamang pagmamasa ng madali kayong makakagawa ng magandang dough ..ang tagal ng pagmamasa is according sa bawat kakayanan ng isang tao..( kung nahihirapan gumamit ng stand mixer)

TIPS-Para sa basic bread baking 
Hindi kayo matututo ng baking techniques kung aasa kayo sa Machine,bago kayo gumamit ng stand mixer ,kailangan munang matuto kayo ng pag mamasa sa pamamagitan ng mga KAMAY..

At kung sanay na kayo sa pagmamasa gamit ang kamay,maari na kayong gumamit ng stand mixer lalo na't marami ang gusto ninyong ibake na tinapay..

Ang pagsisimula ng bread baking ay nagsisimula muna sa kaunting mga sangkap ..
hanggang sa mag level up ang kaalaman nyo sa pag gawa ng tinapay..

After ng pagmamasa...ibilog ito at ilagay sa bowl ,takpan ng cling wrap at damp cloth..
paalsahin ng mga 30 to 40 minutes..( place it in a warm place na may 40 degree ang init) like inside your oven
(kung 40 degree ang temperatura ng bahay nyo mabilis aalsa ang dough .






After Fermentation
Finger check,lagyan ng harina ang kanang hintuturo at tusukin ang umalsang dough
i punch ng mga 4 to 5 times ,dahan dahan



Timbangin at putulin sa 12 o 13 piraso
gumamit ng scraper sa pag puputol ng dough
timbangin ang bawat piraso at bilugin isa isa,,
After mabilog isa isa,Takpan ito ng medyo basang bimpo at ipahinga ng ten minutes..

Then ihanda ang baking tin,at pahiran ng butter .
gumamit ng muffin tin or cup cake baking tin ..




After ng ten minutes na pahinga..kumuha ng isang piraso ng bilog na dough..Pipiin ng dahan dahan
at muling bilugin  ..gawin ito isa isa ..isalansan ito sa BAKING TIN na may pahid na butter..

Tips - (habang binibilog ang dough isa isa,wag hayaang matuyot ang mga dough ,so, habang ginagawa ito ,panatiliing nakatakip ng medyo basang bimpo ang mga bilog na dough)






Kapag nabilog at naisalansan na sa baking tin...
irest ulit ito ng 30 to 40 minutes para umalsa na sinlaki ng butas ng
baking tin....takpan ng cling wrap then sa ibabaw ipatong ang damp cloth

Huwag kalimutan na paiinitan ang oven 180 degree celsius
bake it for about 15 to 18 minutes..or observe to avoid burnt






Bago kalasin sa baking tin,pahiran muna ito ng Butter then enjoy
serve while it hot..
i like it with kasilyo kaso wala,kaya cream cheese or cottage cheese na lang...








VIDEO TUTORIAL here..