Thursday, May 21, 2015

Binalot Paksiw

Stewed Small Fish ( Aji Fish in Japan ) cooked in vinegar and wrapped in banana leaf
Fish na binalot sa dahon ng saging,kalimitan ginagamit na isda ay ang maliliit na isda tulad ng dilis or dulong..

Today,Ang gagamitin kong isda ay malilit na Galunggong,
ito ay madaling madurog ,kaya kinaugalian na itong balutin ng dahon ng saging..

Binalot is a comfort food ng mga Pinoy ,masarap kainin ito sa mainit na kanin at kalimitang kinakain ito ng pakamay sa dahilang matinik at maliliit ang mga isda..



Mga Sangkap na aking ginamit..

Maaring maglagay ng mga gulay katulad ng ampalaya kangkong mustasa or talong..
I cooked mine with siling pampaksiw

100 grams na hiniwang Sibuyas
30 grams ng pinitpit na bawang ( 7 o 8 pirasong busal ng bawang)
40 grams Pinitpit o hiniwa hiwang Luya
1 cup Vinegar (adjust )
4 cups Water
sapat na dami ng DAHON NG SAGING
Siling Pampaksiw ilang piraso ( adding more chili is according to your taste)
salt and black Pepper
PATIS ( fish sauce)
1 to 2 tbsp olive oil





Paghahanda..at Pagluluto
1.. Linisin ang mga isda ,at alisin ang Hasang at Bituka
  Lagyan ng asin at itabi muna



2..Mag handa ng sapat na laki ng dahon ng saging ,lagyan ng maliit na piraso ng dahon sa gitna para makapal ang paglalagyan ng mga isda at isalansan ang sapat na dami ng isda
sa gitna ng dahon..budbudan ng kaunting sibuyas luya at bawang..saka ito balutin.
at ilagay sa kasirolang paglulutuan..


3..Isalansan sa lutuang kawali o kasirola..ilagay ang lahat ng mga sangkap
at lutuin ng dahan dahan sa mahinang apoy..lutuin hanggang mangalahati ang sabaw..


4..Kapag naluto na ang dahon at medyo nangalahati na ang sabaw..buhusan ito ng 1 to 2 tbsp na oilive oil or any cooking oil..
at lutuin uli ng ilang minuto at ready to serve na ang Binalot Paksiw..


Kain na tayo...

video demo here..