Sunday, July 5, 2015

Healthy Monday..Banana Muffin

Healthy Monday morning treat,Let's make healthy muffin
Bawas bawas naman tayo ng mga unhealthy food , para ang pamilya ay masaya..
mahirap magkasakit lalo na ang mga kinakain ngayon ng tao ay mamantika at matatamis.

Para sa kalusugan ng pamilya..Gumawa ako ng breakfast at merienda ng anak ko pati ng Mr.ko.
Simple at madali..ang Banana Muffin..



Mga Sangkap..
1 cup whole wheat flour
1/2 almond meal
1 large banana
1/2 cup honey
1 tbsp coconut oil
2 tbsp plain yogurt
2 tbsp skim milk
1 tbsp water
pinch salt
1 tsp baking soda
1/4 cup chocolate chips
1 whole egg


PAGHAHANDA AT PAGLULUTO.
7 muffins to make

Preheat Oven to 190 degree celsius and we will bake for about 15 to 16 minutes..

1..Sa isang bowl durugin ang saging ,ihalo ang yogurt haluin itong mabuti at icrack ang itlog,
haluin ,ihalo ang coconut oil at honey .haluing mabuti at itabi muna.

2.Paghaluin ang lahat ng dried ingredients..whole wheat flour,almond meal,skim milk,salt,baking at soda.

3.paghaluin ang dalawang mixture,haluing mabuti ,patakan ng vanilla essence at 1 tbsp na water..(or fresh milk )ihalo ang chocolate chips

4.pahiran ng oil ang mga baking tin..at lagyan ng batter mixture ,hindi puno at hindi kulang ..
then bake for 15 to 16 minutes..after ten minutes sa oven ,
change the position of the tray para pantay ang luto..(use baking gloves syempre)




5.palamigin muna bago kalasin sa tray..then serve and enjoy .pang breakfast,snack at oras ng ginigutom..