Wednesday, August 12, 2015

Arroz Ala Cubana

Sound Spanish right? but it's Cuban Recipe just a Pinoy version ..title pa lang cubang cuba ka na hehehe. Arroz is rice ..so dapat nasa rice ang focus hehehh..kaso sa giniling ang tutok eh..paki explain President..
Sabagay alam nyo na ang Pinoy mahilig mag imbento ng sariling atin ..
kase the original dish of arroz ala cubana is puno ng tomato sauce at niluluto ang bigas ng may timpla..ang hawig ay ang pritong saging o ang pritong itlog ..sigurado ko ang lasa ay ibang iba..




So yung ground pork or beef is according na lang sa gusto nyo,or mix both beef and pork..
ang stock ko ay pork giniling ,so yan ang gagamitin ko..

Anyway,my recipe is iba ren kase sariling version ko ito..i dont add tomato sauce or paste.maasim na yan kase..tomato na fresh is enough na..nilagyan ko ng worcestershire sauce ..

INGREDIENTS
322 grams Pork Giniling
2 tbsp Worcestershire sauce or adjust
1 small size onion.
1 small tomato ..
3 cloves garlic
1 medium size potato
1/4 cup mix vegetables (carrots,corn and green peas)
1 piece red bell pepper
salt and black pepper to taste
1/4 cup raisin
2 tsp sugar
1 cup water
1 bay leaf
1 small cut of star anise
1/2 tbsp olive oil

use patis para more pinoy ang lasa ..

Paghahanda at Pagluluto..

Ilaga ang giniling sa one cup water hanggang matuyo..
lagyan ng 1/2 tbsp na oil at 2 tsp atsuete powder..igisa at haluin
isunod ang bawang sibuyas at kamatis haluin hanggang magisa at maluto ang kamatis
isunod ang patatas ,mixe vegetables,red bell pepper at pasas
Timplahan ng paminta at 2 tbsp of WORCESTERSHIRE sauce..adjust if like lagyan ng patis asin or toyo..

takpan hanggang sa maluto ang gulay...lagyan ng 2 tsp na asukal at lutuin ng ilang saglit
then ready na ang giniling ..

Magprito ng itlog ,saging at gumawa ng fried rice or use plain white rice..
then arrange in a serving plate and enjoy..


Huwag Takpan ang nilulutong itlog para manatili ang dilaw na yolk..

Kapag tinakpan ang pinipritong itlog mamumuti ang yolk 

Pang party presentation


Cooking Video Here..