Tuesday, January 12, 2016

Pork and Shrimps SIOMAI with Sayote

My new version of Siomai
Kung anong sangkap ang mayroon sa aking kusina ay iniimbento ko lang minsang ang niluluto ko.
kalimitan ay kapag walang oras ng mag groseri....

So Pinaghahalo ko lang ang mga sangkap kung anong mayroon ,para maka imbento ng putahe..
basta marunong kayong kumuha ng tamang timpla ng ibat ibang lasa ng putahe..madali lang magluto.

About sa Siomai..
Usually ground pork meat ang ginagamit at hipon..dahil sa ang tao ay malikhain kahit sa pagluluto..
may gumagamit ng chicken ,beef,fish ,squid, clam,crabs ,tofu at may vegetarian den na SIOMAI.
Kayo anong version ang Siomai nyo?

Ang mga Japanese ,kinakain ito with yellow mustard at kikoman soysauce ,
samantalang tayong mga Pinoy..kundi siling may toyo o kalamanse
ay Bagoong na alamang..medyo kakaiba ano?
.









MGA SANGKAP..
bagong version..
i added CHAYOTE or Sayote na kapalit ng Water Chestnut or Singkamas
minsan gumagamit den ako ng Labanos o white radish..

white chayote 



320 grams PORK GINILING..with fats 
175 grams Hipon (wala ng shells)
1/4 cup shredded Chayote
4 pieces Shiitake Mushrooms /dried or fresh ..i used fresh 
some spring onion or green chives /optional
1 medium size White onion
1 tsp Ginger juice
1 tbsp Sugar
1 tbsp Oyster Sauce
1 tbsp Worcestershire Sauce/optional
1 tbsp mirin tsuyu or chinese wine (WONSUY)
salt and pepper 
1 tsp Sesame Oil..( i forgot to add this )so can be optional..
2 tbsp Rice Flour
1 egg white 

SIOMAI Wrapper ( small size )30 pieces 

You can add carrots .green peas or anything you like basta bagaysa lasa ng Siomai..sometimes 
nilalagyan ko ng cheese...para mas yummy..try nyo ren




PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

1.Hiwain ng pino ang mga sangkap..
sibuyas,mushroom,green chives..

2..Tadtarin ng pino ang Hipon at ad adin ang sayote at alisin ang juice gumawa ng mga 1/4 cup

3..Sa isang bowl..paghaluin lamang ang lahat ng sangkap..
haluing mabuti ..ilagay sa freezer ng ten minutes bago ibalot sa wrapper





4..Mag pakulo ng tubig sa Steamer,maglagay ng Sapat na dami ayon sa dami o laki ng lutuan at lulutuin..

5..Then simulan ng gumawa ng siomai..ihanda ang wrapper ( i used small size) at lagyan ng sapat na dami ng giniling mixture..pag aralanang tamang pag gawa..





6..Pahiran ng oil ang loob ng steamer or sapinan ng wax paper..saka isalansan ang mga siomai balls..
takpan with cheese cloth..steam for about 15 to 20 minutes
Then Serve with your favorite sawsawan..

SAUCE i made

2 tbsp Bagoong / in bottle 
1/2 tbsp sesame oil
1 tbsp Sweet Chili Sauce 
adding lemon or kalamansi is fine too.










VIDEO COOKING HERE