Friday, January 22, 2016

Ginisang Ampalaya at itlog with Luncheon Meat

Simple and Easy Recipe
masarap madali at maganda sa katawan
syempre paborito ng lahat...kung ayaw ng ampalaya ..sorry na lang..





Mga Sangkap

1 medium size AMPALAYA 
1 medium size Puting Sibuyas
3 small size Kamatis
some garlic
1 tbsp Worcestershire sauce
Salt and Pepper
3 Eggs
Luncheon meat /adjust the amount 
sesame oil
1/2 tbsp sugar/optional
1/4 cup water /adjust



PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

1..Hiwain ang ampalaya at luncheon meat ayon sa gustong hiwa or tularan ang nasa larawan..
hiwain den ang sibuyas at kamatis..pitpitin ang bawang..
at Batihin ang itlog..

2..Magpainit ng kawali..sa 1/2 tbsp na sesame oil ..iprito ang luncheon meat at iset aside

3..igisa ang bawang sibuyas until fragrant then ihalo ang kamates kasunod ng ampalaya 
lagyan ng kaunting tubig ..takpan at palambutin ng 2 minutes sa katamtamang apoy



4..then timplahan ng paminta o asin..lagyan ng 1 tbsp na Worcestershire sauce or toyo 
haluin ng bahagya..kung satisfied na sa lambot ng gulay ihulog ang binating itlog ng pakalat hayaang muna ng 10 seconds bago haluin..then haluing mabuti para maluto ang itlog..

5..kung luto na ang itlog ihulog ang piniritong luncheon meat at patakan ng kaunting patis ayun sa inyong panlasa...haluin ito at ready for plating

serve hot with rice and enjoy your meal..








VIDEO TUTORIAL HERE