Thursday, April 13, 2017

GINATAANG HALO HALO with STICKY RICE

Pagkaing kinaugaliang lutuin sa araw ng Holy week?
Naniniwala man o hindi ,nakaugalian na itong lutuin tulad ng mga ginataan o kakanin..

Today itinuro ko sa Pamilya ko ang pagluto ng Ginataang Halo Halo na may malagkit na bigas..na kung iisipin mo parang binignit ng Cebu ..na ginagamitan ng Landang na gawa sa Bule .






Mga Sangkap
Pampamilyang Sukat 

1 cup Sticky Rice
3 mature Coconut / for making Coconut Milk and Cream
3 medium Size Ube Kamote
3 medium size Yellow Kamote
3 small size Gabi or Taro root
3 pieces na Saging na Saba
3 cups Luto ng Sago /Tapioca Pearl
1/4 kilo of Fresh Langka
2 cups washed sugar
2 leaf of pandan




Pag-hahanda at Pag-luluto

1.Kung Naasiman sa Saging, Lutuin ito sa Asukal na may Pandan upang gawing minatamis...hiwain ng sa gustong laki at matamisin ang saging..set aside muna

2.Hugasan ang 1 cup sticky rice at lutuin sa tubig or 4 cups na coconut milk , haluin habang niluluto hanggang lumambot ang bigas na parang lugaw...set aside

3..Sa isang malaking lutuan ilagay ang 4 cups na Coconut Milk ,simmer but not boiling haluin ng bahagya at saka ilagay ang kamote at gabi...palambuten ng bahagya

4.Ilagay ang nilutong malagkit na bigas ,haluin at ihulog ang asukal ,sago.langka
haluin para pumantay ang luto at lasa..bahagyang lutuin .

5..Kapag siguradong luto na , ibuhos ang kakang gata para lalong masarap at malinamnam..lutuin ng mga 2 minuto habang hinahalo at ready to serve na...

Enjoy po..