Wednesday, April 19, 2017

Paksiw na Banak (Sea Mullet)

May nakakakilala ba sa isdang ito? Banak ay isdang malimit kong kainin noong bata, maliban sa Paksiw wala pa akong natatandaang luto na maaring gawin sa isdang banak..
according sa source isa raw itong mamahaling isda ..pero sa pagkakaalam ko noong ako ay bata pa...pagkain ito ng mahihirap...ewan , ano nga ba ?

Sa Japan ang Banak ay halos sinlalaki ng Bangus ,at hindi ko pa nasubukan bumili o tikman dahil sa laki ay natatakot ako paano ito lulutuin ...

Anyway , dahil namiss ko nga ito ,at bibihira na makakita ng isdang ito...nang makakita ako nito ay dali dali kong binili agad..at niluto ng papaksiw..




Mga Sangkap..
4 na piraso ng isdang Banak (medium size)
1/2 vinegar
1 1/2 cup water
ginger
turmeric or luyang dilaw
1 clove garlic
pulang sibuyas
paminta buo at durog
3 pirasong ampalayang ligaw
7 talong na maliliit
patis to taste
siling haba





paghahanda at pagluluto

1.hiwain ang gulay sa gustong hiwa

2.hiwain ang bawang at sibuyas at pitpitin ang luya pati na ang turmeric

3.sa isang lutuan ,lagyan ng tubig ,at pagsama samahin ang mga sangkap at isda..
lutuin sa tamang apoy ...


4.kapag lumuwa na ang mata ng isda ,luto na ang isda ..then adjust ang timpla at maari ng ihain .




video cook and eat here...