Tuesday, December 25, 2018

Jelly Fruit Salad Desserts

Gulaman in Fruits Salad ,red and green jelly without using food color..

Servings for this Recipe is for small family ..
Bagay ang gulaman sa fruits Salad .Subukan nyo..





INGREDIENTS/ MGA SANGKAP

1 small can of Japanese Fruit Cocktail or any Fruit cocktail ( about 1 cup ) removed syrup
1 small can of Tropical Fruit Cocktail (1 cup ) removed Syrup
200 ml Whip Cream or any Cream like Nestle Cream
100 grams Condensed Milk ( 1 cup or add as you like )
1/4 cup raisins(rinsed in water)
1/4 to 1/2 cup Young shredded Coconut
1/4 to 1/2 cup of Cheese , cut into small pieces (add as you like)
2 cups Green Jelly (natural red strawberry with beets color)
2 cups Red Jelly (natura pandan color)




Making GULAMAN is according to you, you can use Mr. Gulaman with color flavor..just follow their instruction on how to make jelly ..

My INGREDIENTS for MAKING RED and GREEN JELLY 

1 Agar Bar/Gulaman Bar (1 bar is usually 500 ml to 600 ml water is needed here )
i used only 400 ml Water to have firmed jelly texture
1 pandan leaf
2 strawberry plus 2 tbsp water
some slices of beets plus 2 tbsp water

Paghahanda at PAGLULUTO NG GULAMAN 

Red Jelly and Green Jelly ...
1, Durugin ang 2 piraso ng strawberry ( raspberry or red cherry is pwede ren) haluan ko ng ilang sliced ng beets sa 2 tbsp na water, not using blender kase kakaunti lang ,using food color is up to you (3 tbsp lang ang kailangan)

Huwag mag alala walang lasang ang beets ..masustansya ito at nakakatulong sa natural na kulay pula ..

2..Guntingin ang dahon ng pandan at ilagay sa blender ng may 2 tbsp na tubig , blend it hanggang maging pino then salain at kunin ang katas..(3 tbsp lang ang dami )

3, piktalin ang Agar Bar at ilubog sa tubig ng ilang segundo at saka pigain ang tubig sa Agar bar at hatiin sa dalawang portion..

4,Magpainit ng 200 ml na tubig at ilagay ang kalahati ng Agar Bar , lutuin hanggang matunaw at saka ihulog ang 3 tbsp na Red Color

Kapag tunaw na ang gulaman ,salain ito at ilagay sa isang lalagyan , palamigin hanggang maging matigas na jelly..

5..Ang Green Gulaman ay gawen den katulad ng proseso ng sa red jelly..

7,Kapag matigas na ang Red at Green Jelly ,hiwain sa gustong korte ..





8..Sa isang lalagyan .. Pagsama samahin ang mga Sangkap..
Fruit cocktail,raisin, coconut meat, cheese, Red Jelly at Green Jelly .






Lagyan ng cream at condensed milk,adjust ang tamis ayon sa inyong panlasa..
haluin at palamigin muna sa ref bago iserve









ENJOY...your Yummy Gulaman Fruit Salad Desserts


VIDEO DEMONSTRATION HERE...


ENJOY..your desserts ...



Sunday, December 23, 2018

Puto Cake (Steamed Cake )

Filipino Puto Dish Steamed cake is usually prepared in small size cup cakes .

Dahil ang Filipino ay malikhain at mahilig gumawa ng kakaibang luto marami ang gumagawa ng Cake na puto ang size na parang plato sa lapad at hindi bite sizes kundi hinihiwa ang pag serve..

Let's try..

yellow color because i used muscovado or cane sugar 


INGREDIENTS/MGA SANGKAP 

1..2 cups of Cake Flour

2.. 3 Whole Eggs /Room Temperature

3..2 cups of Fresh Milk or use Evaporated Milk

4..2 tbsp Melted or Soft Butter

5..1 tbsp Granulated Sugar

6..1 cup of Cane Sugar or Muscovado /adjust the sugar or use any sugar you like

7..Add Vanilla essence if desire

8..Cheese for toppings/choose good cheese

9..Salted Eggs / i used ordinary Boiled Salted Egg in Japan ( not shown in my video)


Maghanda ng Pag lulutuan na baking tin or Tray na kasya sa inyong Steamer..
Pahiran ito ng oil or butter , i used 8x8 size round baking tin..


PAGHAHANDA at PAGLULUTO 

Huwag Kalimutang ihanda ang Steamer na paglulutuan( na may tubig ) Pakuluan kapag alam nyong ready na ang cake batter..

1..Let's crack 3 eggs..Paghiwalayin ang yolks at egg whites sa isang lalagyan

2..Batihin muna ang yolks ng bahagya upang madurog ang pula, then add 1 cup sugar ( 3 portion at a time para madali ) Gumamit ng wire whisk or electric mixer ..batihin ang yolks kasama ng sugar hanggang maging smooth..

3..Then ilagay ang 2 tbsp na melted butter, continue mixing with hand mixer until maging parang mayonnaise ..

4..Next is ihalo ang 2 cups na Milk at 2 cups na cake flour ( sifted is fine ) then Continue mixing using hand mixer.. and set aside kapag fine and smooth na ang batter..

5..Ihanda ang egg whites ,1 tbsp na sugar at hand mixer , linisin muna ang hand mixer bago ito gamitin sa batihin ang egg whites ...beat egg whites until foamy ..

6..Then Fold egg whites to cake batter , gently lang ang pag halo hanggang pumantay ang batter ..

7..Siguraduhing Kumukulo ang Steamer..

8..Ibuhos ang Cake Batter sa Hinandang Baking Tray na pinahiran ng butter..

9.. Ilagay sa Steamer at lutuin ng 1 hour mahigit to 2 hours ...ang luto ay depende sa lakas ng apoy o laki at tray na paglulutuan nyo..

10..Maaring takpan ng lid ang baking tin sa loob ng steamer para madaling maluto at di matuluan ng singaw ng tubig na galing sa takip ..( or cover with Cheese Cloth)

11..After 30 or 40 minutes , balikan ang niluluto at lagyan ng hiniwang itlog na maalat at kesa ang ibabaw ng nilulutong cake...takpan ulit at hayaan itong maluto ...

12..About 1 hour and half ,maaring luto na ang puto cake , tusukin kung luto ang loob..

Kapag luto na palamigin muna bago ito alisin sa pinaglutuan..

Serve and enjoy
Masarap na Merienda ...



yummy Puto cake 


Masarap at lasang Chiffon Cake ang texture ..
Happy Cooking Day



VIDEO COOKING HERE .... enjoy











Friday, December 14, 2018

Long Chilli Pepper Tempura ala Dynamite

Popular in the Philippines this called Dynamite dish recipe which actually means very hot in your mouth and the shaped itself looks dynamite ... and usually wrapped in rice wrapper and dip fried ..
is it fun dish ? right?






Anyway today i made something Japanese,  stuffed chilli pepper Tempura with Mozzarella Cheese inside ...adding meat is according you like ..

INGREDIENTS/MGA SANGKAP

7 Long Chilli Peppers/find sweet or hot chilli
Mozzarella Cheese / any type
Some Ham /any ham or sausage or else
1 cup ice cold water
150 grams Tempura Powder or use Plain Flour adding 1 tsp Baking Powder
cooking oil / use good oil /much healthier

PAGHANHANDA at PAGLULUTO ...Cooking method 

1.. Hugasan ang sili ang hiwain ang isang side ng sili para maipalaman ang keso at ham , of course , Remove seeds from chilli , ingat sa maanghang na sili sa pag hawak..it might burn your skin..

2..Hiwain ang ham at Mozzarella cheese , na magkakasya sa loob ng sili

3..Ipalaman ang keso at ham sa Siling Haba ..set aside




4..Sa isang bowl ihulog ang Tempura Flour at lagyan ng malamig na tubig, bahagyan haluin ito..

5..Ilubog isa isa dito ang Siling Haba , wag isama ang tangkay ..para mukhang Dinamita (mitsa)




6. Then magpainit ng mantika sa kawaling pag lulutuan..lubog o medyo lubog..

7..Lutuin ito hanggang maobserbahan nyong malutong na ang tempura..

Ganun lang kasimple ..Lutuin lahat at Ready for plating..

Make your owns dipping sauce..like mayonnaise or vinegar sauce..or use Tempura Sauce








ENJOY...



VIDEO COOKING HERE....













Thursday, December 13, 2018

Cold Ube BILO BILO sa Gata at Sago

Nakasanayan nating mga Pinoy na ang Bilo bilo ay kalimitang mas masarap kainin ng mainit , kung may natira masarap den naman itong kaining malamig..
Sa panahon ng tag init or gusto mo ng medyo kakaibang timpla ng bilo bilo ,yung tipong refreshing..
Today i made a recipe of Cold Bilo Bilo na pinalamig sa yelo...
Nasubukan nyo na ba?




INGREDIENTS/Mga Sangkap

1 cup Glutinous Rice Flour/Malagkit na pulbos bigas
1/2 Coconut Milk/adjust as it needed
pinch salt /kapatak na asin
1 cup mashed ube /ube na kamote or ube yam..using food color is depends on you

PARA SA SABAW na GATA /Cold coconut milk 

1 cup Panutsa /Muscovado Sugar
Vanilla essence
Pandan leaf/1sang dahon /tinali ng pa ribbon or use pandan essence
Cooked Tapioca Pearl/size is up to you
Sweet Jack Fruit /Langka ,mangga or Macapuno na minatamis for toppings

PAGHAHANDA at PAGLULUTO..

1..Sa isang bowl paghaluin ang pulbos na bigas at gata ,with pinch of salt haluin at ihalo ang ube na dinurog...paghaluin itong mabuti hanggang makabuo ng dough...adjust liquid if it's dry or sticky .. add more gata if needed.. or add some rice flour to adjust ..




2.Then ready to form a bilo bilo balls ...use your clean hands to form a bite size balls ..






3..Next mag pakulo ng tubig sa isang kasirola. ihulog isa isa ang ube bilo bilo..Kapag ito ay lumutang , ibig sabihin ito ay luto na...

Hanguin at salaain , ibadbad ng bahagya sa malamig na tubig na may yelo..set aside.

4.. Kung Mayroon kayong Niyog o sariwang Gata na hindi processed ,mas masarap ang sariwang Gata na bagong Piga..

Dahil walang Fresh na Gata, Paiinitan ko ng bahaga ang Coconut milk sa isang lutuan , at lagyan ng asukal o panutsa according sa inyong lasa...timplahan ng pandan o vanilla essence..
then tikman at kung okay na...remove from the heat..palamigin ito..


5..Kapag lumamig na ang gata ilagay sa gustong lalagyan..salain ang bilo bilo at ihalo sa gata..
kainin ito ng may yelo(ice) or palamigin sa ref..bago ienjoy..








sarap di ba..!!!
TRY NYO ..ENJOY

VIDEO COOKING HERE




Wednesday, December 12, 2018

Banana Puto Recipe

Steamed Cake Puto dish recipe with banana flavor. it's filipino favourite snack at home..

banana puto dish with chocolate nibs on top



MGA SANGKAP/ Ingredients...



1 cup Cake Flour
1 soft riped Banana
1 tbsp milk
1 cup Fresh Milk /or use Evaporated Milk
2 whole eggs
1/2 cup sugar or add more/i used Honey
1 tbsp butter
pinch salt
3 drops of vanilla essence

at budbod sa ibabaw..chocolate nibs..

PAGHAHANDA at PAGLULUTO

1..Balatan ang saging at putol putulin ito ,ilagay sa isang lalagyan at lagyan ng 1 tbsp na milk at durugin (mash) set aside.

2..Sa isang mixing bowl.ilagay ang 1 cup na Cake Flour at baking soda (optional) at haluin

3..Ihalo ang 1 cup na gatas at 2 itlog..haluin itong mabuti gamit ang wire whisk

4..Kapag nahalo na lagyan ng asukal according sa gustong tamis, a pinch of salt kung gustong lagyan.
haluin ulit.

5..kapag creamy na ihalo ang dinurog na saging..Haluin itong mabuti hanggang maging smooth ..

6..Kung gusto ng may butter ,lagyan ito ng 1 tbsp melted butter or use any cooking oil..haluin until you get the right batter texture..

7..Ihanda ang mga puto moulds ..pahiran ng butter or oil ..At Huwag kalimutang mag pakulo ng tubig sa Steamer ..

8..Lagyan ng batter mixture ang bawat puto moulds..

9..Isalansan sa steamer, takpan at lutuin ng 15 to 20 minutes hanggang sa maluto..tusukin ng sharp tools to check ..

At ready to serve na eat with cheese or any dish na gusto nyo ipares .








ENJOY...



VIDEO COOKING HERE







Tuesday, December 11, 2018

Buko Pandan With Cheddar Cheese

Mahilig ka ba sa matatamis ? na feeling mo nasa handaan ka kahit nasa bahay ka lang naman..
Narito ang Masarap na panghimagas , merienda at pang handa sa mga okasyon at pagkaing bahay para sa pamilya..

Marami na ang nag iimbento nito ng may ibat ibang timpla ...mapa ice cream, ice candy , cakes at kung ano ano pa.

Today i'll share my cheesy Buko Pandan na sobra sa linamnam..
use good sweetener sa may sugar problem..






INGREDIENTS



Use Fresh Young Coconut if available
1 used 1 can of Young Shredded Coconut
1 can of condensed Milk/ Di ko sya nilagay lahat /i don't have sweet tooth kase
1 bar of Agar Gulaman or use Powdered Gulaman use according to instruction
5 stalk of Pandan/limang Tangkay ng dahon ng pandan
500 ml Water
50 ml water again for making pandan extract
Cheddar Cheese / choose your fave cheese
200 ml Heavy Cream or Nestle Cream

PAGHANHANDA at PAGLULUTO

1.Hugasan ang Pandan Leaves at gupitin ng medyo malilit ...ilagay sa blender at lagyan ng 50 ml na tubig...iblend ng dahan dahan hanggang madurog at lumabas ang katas at kulay ng pandan..



Then isalin sa isang lalagyan .Salain ito para alisin ang Sapal..set aside muna

2..Mag painit ng 500 ml tubig ,
Habang nag papainit ng tubig ,putol putulin ang gulaman bar at ibabad lang ng ilang segundo sa malamig na tubig at saka pigain ang gulaman...ilipat sa isang lalagyan muna ang hilaw na gulaman

3.Kapag kumukulo ng bahagya ang tubig , ihulog ang Hilaw na Gulaman , lutuin hanggang matunaw ang gulaman, kapag wala ng gulamang namumuo..

Ihulog ang PANDAN EXTRACT ..haluin itong mabuti para pumantay ang kulay green..haluin lang ito ng 20 segundo ..then hanguin na ..

SALAIN ang nilutong gulaman hanggat mainit kung gusto ng pino na jelly ..ilagay sa isang tray na paglalgyan

4..Hayaang lumamig ang Pandan Gulaman bago ito hiwain..

5.After an hour at matigas na ang gulaman , maari na itong hiwain o i cut ng may shape using any cutter like star , heart or else..or hiwain na lang ng pa kudrado na maliliit.

6..hiwain den ang Cheese or lagyan ng design para matuwa ang kakain lalo na ang mga bata..

7.Now , in a huge Mixing Bowl ,Ihulog ang Sheredded na buko without the liquid ,ihalo ang hiniwang Pandan Gulaman at ibuhos ang Condensed Milk according to your taste ang tamis at timpla..

8.then ilagay ang keso ,mas marami mas malinamnam..







Adding Tapioca pearl, Nata de coco, corn ..or anything you like na bagay sa Buko Pandan is Fine ..


Chill in the Fridge until Ready to Serve..
ENJOY...


Kumain ng Tama ng Hindi agad Tumaba..
@luweeh

VIDEO COOKING HERE




Taho with Minatamis na Saging

Let's make Homemade TAHO quick and easy
Meriendang masarap sa umaga o tag lamig...
Tofu Sweet food with sweet banana and tapioca pearl caramel sauce .






INGREDIENTS..
4 servings ..

2 package of Tofu /200 grams each (find tofu with soft fine and smooth texture)
2 cooking banana ( saging na saba ) or use ordinary banana
1/2 cup Tapioca Pearl ( cook this )
1 cup Panutsa ( muscovado Sugar ) or add more according to your taste
1/2 cup water
vanilla essence /if desire


soft and smooth tofu in Japan 



PAG HAHANDA at PAG LULUTO 

1..Balatan at hiwain ang saging na saba ng malilit..

2.Maglagay ng tubig sa isang sauce pan at ihulog ang asukal at saging, timplahan ng vanilla essence kung gusto..at lutuin ang saging hanggang lumapot ang sauce.

3.Hanguin at isalin sa isang lalagyan at saka ihalo ang nilutong Tapioca Pearl..haluin ito, itabi muna..

4. Magpainit ng tubig na lubog ang TOFU , painitan ang tofu ..1 minute ay maari na..

5..Ihanda ang baso o tasa na lalagyan ng TAHO at timplahan ng minatamis na saging na may sago..
ENJOY your merienda ..










SIMPLE DI BA?

Video Demonstration here..






Monday, December 10, 2018

Tortang Sayote ( Chayote Omelettes)

Breakfast lunch and Dinner Recipe ,of course make snack with this recipe is fine too..like sandwich ..

Narito ang Masarap na tortang sayote...ready ka na ba ?





INGREDIENTS ...




1 medium size Sayote /Chayote
3 medium size whole eggs/ use organic egg kung health conscious kayo..
pink salt and pepper to taste
1 small onion
1 small tomato
a piece of garlic
cooking oil /use good oil kung health conscious kayo..
small cut of red bell pepper
1 tbsp light Soy Sauce
1/2 tbsp Worcestershire Sauce/optional
2 tbsp Water
Parmesan Cheese /if desire more tastier

PAGHAHANDA at PAGLULUTO 

Pagluluto ay may kanya kanyang istilo, lutuin sa paraan na kayo ay nasanay.

1..Hiwain ang mga gulay ayon sa gustong paraan .(Sayote, sibuyas,kamatis,bawang,siling pula)

2. Paano nyo ihanda ang ginilig? gumawa ng sariling giniling o bumili na ng ready to use..
i have my way to cook meat before i start using it...i pre-boil meat before cooking it..

skip this method if you like to cook meat, in the manner you like ..or just rinse it in cold water ,then it's fine..

3.. When ingredients are all ready..beat the 3 eggs slightly and set aside, adding salt and pepper is according to you..

4..Magpainit ng mantika sa kawali about 1 tbsp of oil then igisa ang mga sumusunod,

 unahin natin ang giniling at kapirasong bawang , budbudan ng paminta ang giniling, igisa ng bahagya at saka isunod ang sibuyas hanggang sa lumabas ang aroma, then isunod ang kamatis at red bell pepper .

 bahagyang igisa ,timplahan ng toyo at paminta , .haluin ito , then ilagay ang hiniwang sayote
lagyan ng kaunting tubig upang maluto ang sayote , takpan at palambutin ang sayote ng mga 2 minutes or so..

5..kapag luto na ang sayote at giniling, tikman ang lasa kung matabang o kulang sa lasa, timplahan ng worcestershire sauce para luminamnam ..haluin ng bahagya at pwede ng patayin ang apoy..

6.. Salain ang ginisang sayote kung may sabaw.. Ihalo ito sa binating itlog at bubdbudan ng kaunting parmesan cheese kung gusto ..

7.Magpainit ng kawali ,(i used Ceramic frying Pan ) lagyan ng tamang dami ng mantika ,painitin ng bahagya saka ibuhos ang itlog mixture..

Lutuin ng individual portion like patty size or pizza size,,

8..takpan ang niluluto at obserbahan ng di masunog..baligtarin kung luto na ang ilalim, ingatan na hindi masira ang korte ng itlog..at kapag luto na ang loob ng itlog..hanguin at ready for plating

Partneran ng gustong vegetable salad, rice at sabaw.
ENJOY!




eat with ketchup ..or any sauce you prepare...


VIDEO COOKING HERE...
enjoy watching...



Adobo na Mani (Spicy version)

Paano Magluto ng adobong mani , na hindi masusunog ang mani habang binubusa?
Continue to read...and scroll down

Mani man ay masustansya kung sosobra ay sempre hindi ren maganda..
according to expert one palm or one grab of your palm is enough everyday to eat peanuts..
in peanut butter 1 tbsp is enough once a day or depends on your body built , activities ,age and height..anyway,...luto na tayo.







MGA SANGKAP

2 cup Raw Peanuts/maliliit na mani ang laki
1 to 2 head of Garlic/sliced or chopped
1 to 2 tsp pink salt or sea salt
dash of white pepper
3 small dried laurel leaves'
3 dried red chilli pepper or siling labuyo
Cooking Oil
2 cup water


PAG HAHANDA AT PAGLULUTO

1.Magpainit ng kaunting mantika para lutuin ang bawang..make Toasted garlic..as crisp as you like,then set aside ..

2. Sa isang bowl ilagay ang raw peanut at buhusan ng 2 cups water.
haluin ng bahagya ng kamay but carefull not to damage the skin of peanuts..about 20 seconds only..
then remove water ant salain to remove exess water.set aside.

2.Magpainit ng kawali na may mantikang pag lulubugan ng mani..kahit 2 cups oil okay na..
kapag mainit na ang mantika ihulog ang Peanuts haluin ng bahagya , ilagay ang laurel at siling labuyo..haluin hanggang sa maluto..4 to 5 minutes ..just check nyo lang ..

3.Kapag luto na,isalin sa isang lalagyan ang nilutong mani budbudan ng asin at ihulog ang toasted garlic...Palamigin bago kainin or eat while its warm..

ENJOY...




Sarap with Green tea...ano type nyo na drinks sa mani?


VIDEO DEMONSTRATION HERE...




Sunday, December 9, 2018

Turon Malagkit with Coconut Mango Glaze

What to do with the Left over Sumang Malagkit or Suman sa Ibos..? i made a TURON with it..


Sweet Egg Roll Recipe with sticky rice inside ..coated with Cane Sugar Caramel with coconut milk and mango puree flavor , and sprinkled with toasted Sesame seed..



INGREDIENTS..

FOR LUMPIA 
Lumpia Wrapper 12 pieces
Sinaing na Malagkit sa Gata na may asin/or Left over Sumang Malagkit or Suman IBOS
Minatamis na mangga for filling
Sugar /to coat malagkit if desire


Caramel Sauce 

1/4 cup mango puree /or mango jam
1 to 2 Cups Panutsa or Brown Sugar
1 cup Coconut Milk/ kakang Gata
pinch salt/optional
vanilla essence
1 stick cinnamon
pandan leaf/optional



PAG LULUTO
1. Gumawa muna ng Caramel Sauce...
sa isang kawali ibuhos ang Coconut milk at Asukal , manggang minatamis , vanilla essence, cinnamon stick at pandan leaf..lutuin hanggang maging thick sauce ...then set aside.

2 Ihanda ang Malagkit at Lumpia wrapper ...at ibalot ang malagkit , maglagay ng sapat na dami ng malagkit at matamis na mangga then balutin ng lumpia wrapper


3. Kapag nabalot na ang mga lumpia, Mag painit ng mantika.. Lubog ang pag piprito nito..
lutuin hanggang maging crispy ang Turon...
then saka hanguin...

4..Next ihalo ang lumpia sa Caramel sauce na ginawa..hanggang mabalutan ng caramel ang turon..
at maaring bubudbudan ng sesame seeds or nuts ..
ENJOY..








Drink hot green tea not cold or sweet drinks...


VIDEO DEMONTSTRATION HERE..