Friday, October 31, 2014

Pinoy MEATLOAF ..EMBUTIDO

Chicken Embutido ..







INGREDIENTS...steam or bake
190 celsius bake for 25 minutes or adjust time
steam for 30 minutes or observe

400 grams Giniling na manok( use any meat you like)
4 hotdog
.........Ang dami tantiyahin nyo na lang..
1 medium size chopped onion
1/4 cup of cut into small pieces carrots
1/4 cup pickles9 cut into small pieces)
1/4 cup of green peas
1/4 cup raisin
1/4 cup grated cheese
6 small boiled eggs ( itlog ng pugo )
dash of paprika powder or fresh paprika(red bell Pepper)
dash of salt and pepper to taste
1/2 tbsp of  soy sauce
1/tbsp of cornstarch
1 raw egg( nalimutan kong ilagay but can be optional)

At isang baking tray na korteng loaf..at pahiran ng oil
gumamit ako ng silicon mould..size according sa dami ng lulutuin nyo at kung kakasya sa steamer nyo..



Pagluluto..


For Quick Video Cooking...



Sa isang mixing bowl ilagay ang giniling at timplahan ng paminta asin toyo at paprika..haluing mabuti na halos maging pino or paste..saka isunod isa isa ang mga sahog..

huwag isabay sabay lahat para mapino ang paghahalo at hindi magkaroon ng hangin..





maglagay ng itlog sa tray bago ilagay ang giniling ,para design
Siksiking mabuti sa tray para walang awang o hangin kapag naluto


 steam this for about 30 minutes or adjust time and observe


 then serve and enjoy....
ready for noche buena and any occasion or party




enjoy....

Wednesday, October 29, 2014

GISING GISING Recipe ( kangkong version)

Spicy Ginataang Tangkay ng Kangkong





Crunchy at bagay na bagay ang gata sa tangkay ng kangkong,na halos ay tinatapon lang.,.

Ingredients..

 2 cups chopped kangkong stem
1 cup coconut cream
1/4 cup dried shrimps ( or fresh na hipon)
100 g giniling na manok
kaunting hiniwang siling maanghang
Kaunting dami ng hiniwang Bawang ,sibuyas luya at kamatis
paminta,siling pulbos at patis or bagoong
mantikang panggisa





For Quick Video Cooking Here....



Pagluluto..
Igisa ang mga sangkap alinsunod bawang luya sibuyas at kamatis..
isunod ang giniling na manok at tangkay ng kangkong
,ang hiniwang sili at dried na hipong maliliit
at saka ibuhos ang gata...timplahan ayun sa inyong panlasa at hayaang maluto..

serve and enjoy..








Monday, October 27, 2014

Tinolang Halaan

Simpleng ulam na may sabaw...Ginisang sayote at halaan..




Mga Sangkap..


Sayote



Ingredients

 Halaan (clam)
1 medium size Sayote
1 piraso ng pinitpit na luya..mas maraming luya mas malinamnam ang sabaw
3 busal ng bawang
kapirasong hiniwang sibuyas
kapirasong hiniwang kamatis
kapirasong onion leaks or spring onion
salt and pepper to taste
Patis
cayenne pepper or siling pulbos
Garlic powder
4 cups water
cooking oil na pang gisa

Igisa ang mga sangkap at lutuin ayon sa inyong style ,masabaw o tuyot
maanghang o mapatis..then serve and enjoy your meal..

For Quick Video cooking here...


Eating time..




Tuesday, October 21, 2014

Everlasting Meatloaf

Pinoy Style meatloaf..everlasting recipe is originally started at Marikina..
Ready for Noche Buena at bagong taon.....Make your own version and this is my Design..

Tamang tama sa handaan at mga okasyon...











Niluto ko ng 40 minutes sa steamer at 20 minutes sa Oven toaster..
18 inches round baking tray..

Ingredients...
400 g.giniling na pork
1/2 cup grated cheese
1/4 cup red bell pepper (chopped)
1 cup chopped onion
4 cloves of garlic
1/2 chopped carrots
1/4 cup kinchay or celery
2 tbsp soy sauce
pinch of salt
1 tbsp sugar
1/4 cup raisins
1/4 cup chopped pickles
1 tbsp butter
1/2 cup chopped ham or sausage
1/4 cup green peas

4 EGGS 
3 tbsp ARINA


Pagluluto...
Igisa ang mga Sangkap Bukod sa 4 EGGS at ARINA
Lutuin ng hindi lutong luto ,igisa lang ng bahagya..
Kapag nagisa na..Patayin ang apoy,Palamigin ng kaunte
Ihalo ang Arina at Binating Itlog...

Pahiran ng oil or butter ang Tray na paglulutuan
then gumawa ng design sa bottom..at saka ibuhos ang Sangkap

Isalang sa Oven ( 190 degree ,at i bake ng mga 20 minutes until sa maluto)
or iluto sa Steamer , cook this for about 40 minutes or until it's done
then enjoy..








handa para sa new year.....


video cooking here...

Thursday, October 16, 2014

Kalabasa Plan or Pumpkin Pudding Recipe

Marami sa Bata ang ayaw ng kalabasa pero bigyan mo ng cake kumakain..
ganun den ang anak ko,ayaw ng purong kalabasa..Kailangan masipag kang dayain sa mga lutuin para naman ang ayaw na kalabasa ay matikman naman...










Today,Sinipag akong Gumawa ng Leche plan at hinaluan ko ito ng durog na kalabasa..
Siguradong magugustuhan ng lahat bata at matanda..
Basta alalayan nyo lang ang Tamis nito..



MGA SANGKAP......

5 whole eggs
1 cup condensed milk/or adjust
1/2 cup fresh milk
1/2 cup mashed kalabasa
3 to 4 tbsp of Sugar and a tabsp of water (select sugar any of your choice..) for making caramel syrup
vanilla essence(make sure you know how to caramelize sugar)
lemon zest
pinch of salt

Steaming process..so you need a tray /moulds for your plan..

For quick Video Cooking here..




Paghahanda at Pagluluto...
(mga 25 minutes ang oras ng pagluluto ang nakonsumo ko )
Magpainit ng steamer na may kalahating dami ng tubig ang kasirola..

1..Ilaga ang kalabasa at durugin,kumuha ng sapat na dami na ihahalo sa plan..

2..Sa isang Mixing Bowl icrack ang 5 itlog at batihin,maaring lagyan vanila at pinch of salt/optional

3.Ihalo ang Fresh Milk at Kalabasa....Haluin ito at gumamit ng electric blender kung mayroon..

4..Pahiran ang tray ng oil..

5.Gumawa ng syrup.sa kawali na mainit i lagay ang 3 to 4 tbsp na sugar at kaunting tubig,,,
lutuin ito hanggang maging caramel syrup..

6..Ibuhos sa Tray o llanera ang syrup..

7..Ang egg mixture ay maaring salain upang mabawasan ang bula at buo buong sangkap na di nadurog.

8..At maari na itong ibuhos sa tray at STEAM for about 25 minutes at depende sa inyong tray at dami ng lulutuin,so you have to adjust time...

obserbahan para alam kung naluluto ang kalabasa plan...
tusukin ng matulis na stick para malaman kung luto na..

then palamigin ito at ready ng ihain...










ENJOY..@Luweeh


Wednesday, October 15, 2014

Pag gawa ng BANGUS TINAPA at home

Simpleng pagluluto ng tinapa at home,gamit ang steamer or yung kawali .
Madali ang pagluluto ,matagal nga lang ang proseso.,iluluto ito sa mahinang apoy ng may ilang oras depende na ren sa laki ng inyong isdang lulutuin...

Maganda itong idea para sa mga nasa abroad na gustong makatikim ng lutuing pinoy,na mahirap mabili sa kanilang kinaroroonan,mayroon man siguro mahal or malayo ang bilihan...

Try nyo ang homemade Tinapa...









MGA SANGKAP at Kailangan sa Pag luluto ng Tinapa


Isdang Sariwa like galunggong ..or Bangus 
1/2 cup Rice
1/2 cup sugar...brown or refined 
2 to 3 bag of any kind of TEA
i added some herb like dried rosemary
at isang piraso ng natuyong balat ng orange or any Citrus fruits

Enough Salt and water..
para ibabad ang isda..
asin para sa pakukuluang tubig.
ang timpla according sa alat na inyong gusto...

Kawaling malalim ,na may takip..
ihawan na parilya ,na kasya sa bibig ng kawaling pag lulutuan


Pag hahanda,,,,

1..Linisin ang Bangus at alisin ang bituka at hasang,,
ang hiwa ay sa likod ng isda ..huwag biyaking lahat ,parte lang na kayang tanggalin ang mga lamang loob..


Asinan ang buong katawan ng isda..at ibabad ito ng mga 30 minutes o isang oras ,maaring ilagay sa Ref,


Ihanda ang Kawaling paglulutuan....Ilatag ang dalawang sheets ng aluminum foil sa kawali...at ibuhos ang RICE SUGAR TEA ,DRIED ROSEMARY at ang piraso ng balat ng orange (or any citrus fruits)


Painitan ng high heat ang kalan , pagmasdan kung umiinit ang mga nilagay ,at kapag itoy umusok na
ipatong ang parilya...pahiran ng oil ang parilya ng di manikit ang isda..


At ang isdang nilagay sa ref ,ay maari ng ilabas ...

Magpakulo ng sapat na dami ng tubig ng may asin sa  bukod na kawali or kasirola at 1agyan ng mga 3 cup tubig at 1 cup na asin...(tantyahin kung kinakailangan)
Pakuluan ito at kapag kumukulo na,ihulog ang BANGUS ...pakuluan ng 10 minutes .ingatang di madurog...

Hindi ito Lulutuin,parang blanche or pasteam lang...then hanguin at patuluin...(patuyuin or punasan)
Pahiran ng kaunting oil ang katawan ng bangus..saka isalang sa Parilya..





Siguraduhing kasya ang isda sa inyong kawali kung di kasya.takpan ito ng aluminum foil.para maipon ang usok,,at mausukan ang isda...
Then Takpan at Lutuin sa katamtamang lakas ng apoy ..pausukan ito ng mga ilang oras.

after one hour at napuna nyong umiinit ang inyong Kawali maari itong Ipahinga ng 30 minutes saka ulit Sindihan...

Ang proseso ng oras ng Pagluluto..MENTRAS MATAGAL mas masarap at perfect ang Tinapa...
Malakas ito sa GAS kaya yung iba sa Kusot at DRum Niluluto..

Niluto ko ang tinapa ko ng mahigit 3 oras...ewwwhh grabe...napagod ako..kailangang maluto ang loob ng isda at matuyot sya...kaya nga SMOKEd FISH eh..hahaha...

Kung gusto nyo ng madali..Gumamit ng GALUNGGONG..
Wag ng tanggalin ang Hasang...at di na kailangang Ilaga..kunde DERECHO Na itong PAUUSUKAN ng mga 2 hours...may GG tinapa na kayo...yummy.




SARAP ng Bangus na Tinapa.. ...dami ko kinain hehehhh



Ginawa ko ito dahil sabik makatikim ng TINAPA...
samantalang Mura lang yan sa Palengke...
Ang maganda lang Dito siguradong malinis ang inyong TINAPA...
Minsan lang den naman,masama araw araw...Mulubi kayo sa gas..


Then Enjoy..DAmi kong Nakain Today...may sawsawang suka na maanghang..


Walang ngayong Video ,tinamad kaya,next time na lang....Babushh!!
@luweeh.....