Wednesday, October 15, 2014

Pag gawa ng BANGUS TINAPA at home

Simpleng pagluluto ng tinapa at home,gamit ang steamer or yung kawali .
Madali ang pagluluto ,matagal nga lang ang proseso.,iluluto ito sa mahinang apoy ng may ilang oras depende na ren sa laki ng inyong isdang lulutuin...

Maganda itong idea para sa mga nasa abroad na gustong makatikim ng lutuing pinoy,na mahirap mabili sa kanilang kinaroroonan,mayroon man siguro mahal or malayo ang bilihan...

Try nyo ang homemade Tinapa...









MGA SANGKAP at Kailangan sa Pag luluto ng Tinapa


Isdang Sariwa like galunggong ..or Bangus 
1/2 cup Rice
1/2 cup sugar...brown or refined 
2 to 3 bag of any kind of TEA
i added some herb like dried rosemary
at isang piraso ng natuyong balat ng orange or any Citrus fruits

Enough Salt and water..
para ibabad ang isda..
asin para sa pakukuluang tubig.
ang timpla according sa alat na inyong gusto...

Kawaling malalim ,na may takip..
ihawan na parilya ,na kasya sa bibig ng kawaling pag lulutuan


Pag hahanda,,,,

1..Linisin ang Bangus at alisin ang bituka at hasang,,
ang hiwa ay sa likod ng isda ..huwag biyaking lahat ,parte lang na kayang tanggalin ang mga lamang loob..


Asinan ang buong katawan ng isda..at ibabad ito ng mga 30 minutes o isang oras ,maaring ilagay sa Ref,


Ihanda ang Kawaling paglulutuan....Ilatag ang dalawang sheets ng aluminum foil sa kawali...at ibuhos ang RICE SUGAR TEA ,DRIED ROSEMARY at ang piraso ng balat ng orange (or any citrus fruits)


Painitan ng high heat ang kalan , pagmasdan kung umiinit ang mga nilagay ,at kapag itoy umusok na
ipatong ang parilya...pahiran ng oil ang parilya ng di manikit ang isda..


At ang isdang nilagay sa ref ,ay maari ng ilabas ...

Magpakulo ng sapat na dami ng tubig ng may asin sa  bukod na kawali or kasirola at 1agyan ng mga 3 cup tubig at 1 cup na asin...(tantyahin kung kinakailangan)
Pakuluan ito at kapag kumukulo na,ihulog ang BANGUS ...pakuluan ng 10 minutes .ingatang di madurog...

Hindi ito Lulutuin,parang blanche or pasteam lang...then hanguin at patuluin...(patuyuin or punasan)
Pahiran ng kaunting oil ang katawan ng bangus..saka isalang sa Parilya..





Siguraduhing kasya ang isda sa inyong kawali kung di kasya.takpan ito ng aluminum foil.para maipon ang usok,,at mausukan ang isda...
Then Takpan at Lutuin sa katamtamang lakas ng apoy ..pausukan ito ng mga ilang oras.

after one hour at napuna nyong umiinit ang inyong Kawali maari itong Ipahinga ng 30 minutes saka ulit Sindihan...

Ang proseso ng oras ng Pagluluto..MENTRAS MATAGAL mas masarap at perfect ang Tinapa...
Malakas ito sa GAS kaya yung iba sa Kusot at DRum Niluluto..

Niluto ko ang tinapa ko ng mahigit 3 oras...ewwwhh grabe...napagod ako..kailangang maluto ang loob ng isda at matuyot sya...kaya nga SMOKEd FISH eh..hahaha...

Kung gusto nyo ng madali..Gumamit ng GALUNGGONG..
Wag ng tanggalin ang Hasang...at di na kailangang Ilaga..kunde DERECHO Na itong PAUUSUKAN ng mga 2 hours...may GG tinapa na kayo...yummy.




SARAP ng Bangus na Tinapa.. ...dami ko kinain hehehhh



Ginawa ko ito dahil sabik makatikim ng TINAPA...
samantalang Mura lang yan sa Palengke...
Ang maganda lang Dito siguradong malinis ang inyong TINAPA...
Minsan lang den naman,masama araw araw...Mulubi kayo sa gas..


Then Enjoy..DAmi kong Nakain Today...may sawsawang suka na maanghang..


Walang ngayong Video ,tinamad kaya,next time na lang....Babushh!!
@luweeh.....





No comments:

Post a Comment