Saturday, February 14, 2015

No Meat Lumpiang Sariwa with Cashew Nuts

Fresh lumpia is always my favourite.
with sweet peanut butter flavored sauce..
and my homemade lumpia wrapper
Filipinos healthy appetizer..





Ingredients
for the Filling.


UBOD ( young bamboo shoots)1/2 cup na hiniwa hiwang( thinly sliced)
Carrots
Bitsuwelas or Green Beans
Onion ,one medium size
Kinchay or Celery
Togue ( mung bean sprout)
Kamote ( sweet potato)
Tokwa
1/2 cup roasted Cashew Nuts
sesame oil or cooking oil
some garlic

Ang dami ng mga sangkap is according to your preference
or add more veggies like singkamas ,cabbage, mushrooms,beans ,fresh peanuts and so on..

Igisa ang mga sangkap alinsunod sa paraan ng pagigisa..
don't add water para mas crispy ang mga gulay at healthy...
lutuin ng nakatakip sa mahinang apoy (steaming process )






Lumpia Sauce..

1 cup water or use chicken broth
1/2 cup brown sugar
1 tbsp PEANUT BUTTER
1 tbsp soy sauce
1/4 cup chopped garlic..
black pepper
1/4 cup water
2 tbsp cornstarch


Sa isang sauce pan, ilagay ang tubig toyo paminta ,asukal ,peanut butter at pakuluan sa mahinang apoy..,.then ihulog ang diluted cornstarch,haluin ng mabilis hanggang sa lumapot  at ihalo ang garlic....then set aside..( lagyan ng siling pulbos if gusto ng spicy sauce )

Tips
Kung gusto ng medyo hilaw ang Garlic ,ihalo ito sa huli..
Kung gusto ng luto ang Garlic ihalo ito bago ibuhos ang diluted cornstarch


Lumpia Wrapper..


1 cup All Purpose Flour or use Rice Flour (galapong)
1 1/2 cup water
1 fresh egg
1/2 tsp salt

Batihin ang itlog sa tubig..
ihalo ang arina at asin..haluin hanggang maging cream at smooth na batter..
Salain upang maalis ang buo buo




Magpainit ng kawali ( non sticky fry pan..size 18 .. )
sumalok ng 1/4 cup na batter mixture ,hindi puno at ibuhos sa kawaling mainit..
(quick manner )buhatin agad ng kaliwang kamay at ikut ikutin para pumantay 


madaling mabubuo ang wrapper kaya kinakailangang mabilis.


kapag napuna nyong luto na ang ilalim ,baligtarin ito ng flat na sandok or gumamit ng chopstick


Kapag luto na,ilipat ang lutong wrapper sa cooling plate derecho ang kawali ..iwasang sandukin o kamayin dahil masisira ang wrapper (fry pan) 

palamigin at isalansan then ready for wrapping..


latagan ng lettuce leaf ang wrapper at lagyan ng sapat na ginisang gulay .at balutin ng style na gustong pagbabalot..at budburan ng kasoy ,dinurog na peanuts..toasted garlic or sesame seed
at buhusan ng sapat na dami ng sauce ...Then Enjoy...




For Quick VIDEO COOKING ...



No comments:

Post a Comment