Thursday, May 28, 2015

Ginataang Bataw

Kung may Bicol express,gagawa ako ng gulay express.yung gumuguhit ang sili
My Bataw Express..game na..
Minsan ko ng natikman ang putaheng ito ang Ginataang Bataw.

Year 90's,may friend akong bikolana na malimit akong lutuan ng ginataan recipe,nasaan na kaya sya?",
almost ten years ko ng hindi nakikita sya after naglayas sa bahay nila at iniwan ang asawang hapon at anak,chismosa ko no..hahaha"






Anyway, halos siya ang nagturo sa akin ng pag luluto ng ulam sa gata ,At ang unang natutunan ko ay ang tilapya sa gata,
laing,kalabasa,sitaw at yung bataw na sarap na sarap ako..

Ishare ko lang ang ulam ko last na dinner ko ..bihira kase akong makabili ng BATAW dito sa Japan,so kung may mabibilhan ren lang ,"bilhin na at iluto na,ng bonggang bongga.." heheh"

INGREDIENTS..Lever 3 ang anghang 

2 tali ng sariwang Bataw ( Flat Green Beans)
2 can Coconut Milk
1/4 kilo ng Pork Belly ( boiled for 30 minutes) or use raw
Paminta /optional
Fish sauce (Patis) or use Bagoong
ilang pirasong Luya or Tanlad
Ilang Piraso ng Bawang (pinitpit o hiniwa ng maliliit)
Kaunteng sibuyas
a tsp of vinegar /optional
Mantikang panggisa ( kung gusto ng walang Gisa ,Boil method ang gawing luto)
AT SILING LABUYO 5 o 6 na pirasong fresh green siling labuyo  (hiniwa ng maliliit)
 5 o 6 na pirasong dried sili (hiwain ng pino or ihalo ng buo)




PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

1.hugasan at hiwain ng patagilid ang bataw..tulad ng nasa larawan..(or according na ren sa gustong hiwa at laki)

2.hiwain ng maliliit ang sili,pitpitin o hiwain ng maninipis ang luya ,pati na ang bawang at sibuyas..

3..Sa isang lutuang kawali,Painitin at buhusan ng sapat na dami ng mantika ( 2tbsp )
igisa ang luya at bawang,haluin saglit ..
kapag nangamoy na ang bawang at luya,isunod ang Pork meat
,ang sili .sibuyas..igisa ito ng ilang minuto..at ibuhos ang Coconut Milk

3.. timplahan ng patis at paminta..
Pasubuhan ng bahagya ang Gata bago ihalo ang gulay na Bataw..

4..nilagyan ko nga pala sya ng kaunting vinegar ( optional)
then takpan at lutuin sa tamang lakas ng apoy..



Lutuin ng matagal kung gusto ng nagmamantika ang Gata
o lutuin ng hindi nawawala ang cream ng gata (it's according na den sa inyong panlasa..)

Sabagay kung marami ang niluto nyo at kung iinitin ulit ito lalo syang nagmamantika..yun ang masarap
mentras niluluto ulit ito , ay lalong naglalatik..

Then Serve and Enjoy...Sarap sa mainit na Rice..Busog na busog ako that day.
"Bongga ang anghang sarap nya" hehehh



VIDEO COOKING here..


More photos of ginataang bataw express












Wednesday, May 27, 2015

BIBINGKANG PINIPIG Recipe

Filipino Delicacy (Pinoy Kakanin)
Pinipig ay isang uri ng bigas ,murang bunga ng palay ,pinitpit para maging flakes or flat na butil
Ginagamit ito sa ibat ibang klase ng kakanin,drinks ,desserts at ano pa nga ba? lol



Sabi ng nagtitinda ng bigas,ang kulay berde na pinipig ay food coloring na,"akala ko may totoong berdeng pinipig"..hindi daw lahat ng butil ng pinipig ay magiging berde.
 minsan daw may naliligaw na maberde berde ngunit hindi sobrang berde ,na tulad ng nakikita nyo sa mga pamilihan ..(pekeng kulay pala )

Today nagluto ako ng kakaning pinipig..hinaluan ko sya ng Glutinous rice flour sa dahilang ayaw ko ng purong Pinipig.,parang nagagaspangan ako or sobrang lata ang panlasa ko nito,
So ang pagtitimpla is according na ren sa hilig ng inyong bibig at diskarte ng pagluluto..



Kung tig isang sliced ang kakainin,may 12 pieces ang magagawa..
so..marami na ren ,tikim tikim lang naman ang kain ng di bumigat sa tyan..

INGREDIENTS

2 cups PINIPIG
1 cup Glutinous rice flour
2 can Coconut Milk (4 cups )
2 pinch salt
1 dahon ng Pandan
1 1/2 cup of Muscovado Sugar ( i used 2 cups ,nasobrahan ako ng tamis ) so adjust your sugar
ilang maliit na piraso ng star anise
1/2 cup of Toasted Pinipig for toppings





PAGHAHANDA AT PAGLULUTO..(in my own style)

1..Sa isang bowl na may Pinipig,buhusan ito ng 1 cup na coconut Milk ,haluin at ibabad ng mga 10 to 15 minutes..( di kailangang ang ubod tagal na oras dahil lalata masyado)



2..Sa isang Kawali ,sa mahinang apoy,Ibuhos ang natirang coconut milk sa unang lata muna,
ihalo ang star anise na piraso...( alisin agad kung ayaw ng masyadong malasa ang Anise)
then haluin ng bahagya ,at isunod ang asukal ..haluin at lutuin hanggang maging caramel..




3..Kumuha ng kaunting coco jam syrup para sa toppings ng bibingka,then iset aside muna
ang natirang syrup ay hayaan sa kawali,at dito ihalo ang binabad na PINIPIG
haluing mabuti ,at buhusan ng COCONUT MILK ng ilang batch at di bigla
habang inoobserbahan ang lata o lapot ng pinipig ,ay unti unting ihalo ang GATA ..



ISAMA ANG DAHON NG PANDAN ,bago malimutan..(late ko na itong nailagay)
so ihalo agad ng lumabas agad ang aroma..
(Ang pagbuhos ng Gata ay dahan dahan lang, Kapag binuhos bigla lalapot masyado ang pinipig)
ang diskarte at paraan ay nasa sa inyong kamay,.this is my own techniques.


4..kapag napunang nadudurog na ang pinipig ,ihalo ang GLUTINOUS RICE FLOUR na tinunaw sa kaunting COCONUT MILK..
Haluin hanggang sa mawala ang lagkit at paninikit sa kawali...






5..Kapag nagmukha na syang Kalamay,hanguin at ilatag sa isang paglulutuan na may sapin na dahon ng saging.at ibuhos sa ibabaw ang ginawang jam syrup at ibake sa oven or lutuin sa oven toaster ng mga 15 to 20 minutes,,
or adjust baking time as you observe..

Palamigin bago hiwain ...

At budburan ng TOASTED PINIPIG
"ENJOY


VIDEO COOKING HERE..



More Photos of BIBINGKANG PINIPIG..





jane...


Monday, May 25, 2015

Pork Nilaga Recipe

Pork meat boiled until tender ,cooked with veggies, seasoned with  salt and pepper corn .
Niluto ang pork meat ng dahan dahan para lumambot ang karne nito..
dinagdagan ng ibat ibang gulay para tumugma sa panlasa ng nilaga..

Nilaga ay isang putaheng may mainit na sabaw (pork soup),
 parang hot pot dito sa Japan (NABE Dish)

Ang karaniwang inilalagay ay sibuyas,patatas,repolyo ,pechay,carrots,green beans,maiz ,
may naglalagay den ng garbanzos ,kamote,kalabasa at saging na halos kaparehas na ng bulalo..
at iba pa.."Kabaayan," ano ang nilalagay nyong gulay ?






MGA SANGKAP

1/2 Kilo Pork Belly..
1/4 cut Repolyo
2 pieces Pechay
2 medium size Onion
1/2 cut of carrots
Green Beans
2 pieces Corn
2 large Potatoes
Black pepper corn ( or pamintang durog)
Salt
Patis (fish sauce)
Enough water for boiling

Adding more veggies is according to your prefference.


Paghahanda at Pagluluto..


1..Hugasan ang Pork meat at ilaga sa 2 basong tubig ,pakuluan ng isang kulo at itapon ang tubig ..

2.Hiwain ng sapat ng laki ang pork meat ,,at magpakulo ng 6 cups na tubig sa isang lutuang paglalagaan..Palambutin ang karne bago ihalo anmg mga sangkap..
after 40 minutes lagyan ng paminta at asin..( i cooked it for 1 hour)

3..Ilagay ang mga gulay according sa gustong unahin,or lutuin ng sabay sabay..
i put first the onions,carrots,cabbage,at corn...
then cook for another 10 minutes then add all the remaining ingredients..
patatas,green beans at pechay..then adjust the taste with patis and pamintang pulbos ( if like)



And then cook slowly for about 30 to 40 minutes ( or until you are satisfied with the results ) adjust time of cooking as you observe ..

VIDEO COOKING HERE..




ENJOY...with hot rice..Yummy"





Thursday, May 21, 2015

Binalot Paksiw

Stewed Small Fish ( Aji Fish in Japan ) cooked in vinegar and wrapped in banana leaf
Fish na binalot sa dahon ng saging,kalimitan ginagamit na isda ay ang maliliit na isda tulad ng dilis or dulong..

Today,Ang gagamitin kong isda ay malilit na Galunggong,
ito ay madaling madurog ,kaya kinaugalian na itong balutin ng dahon ng saging..

Binalot is a comfort food ng mga Pinoy ,masarap kainin ito sa mainit na kanin at kalimitang kinakain ito ng pakamay sa dahilang matinik at maliliit ang mga isda..



Mga Sangkap na aking ginamit..

Maaring maglagay ng mga gulay katulad ng ampalaya kangkong mustasa or talong..
I cooked mine with siling pampaksiw

100 grams na hiniwang Sibuyas
30 grams ng pinitpit na bawang ( 7 o 8 pirasong busal ng bawang)
40 grams Pinitpit o hiniwa hiwang Luya
1 cup Vinegar (adjust )
4 cups Water
sapat na dami ng DAHON NG SAGING
Siling Pampaksiw ilang piraso ( adding more chili is according to your taste)
salt and black Pepper
PATIS ( fish sauce)
1 to 2 tbsp olive oil





Paghahanda..at Pagluluto
1.. Linisin ang mga isda ,at alisin ang Hasang at Bituka
  Lagyan ng asin at itabi muna



2..Mag handa ng sapat na laki ng dahon ng saging ,lagyan ng maliit na piraso ng dahon sa gitna para makapal ang paglalagyan ng mga isda at isalansan ang sapat na dami ng isda
sa gitna ng dahon..budbudan ng kaunting sibuyas luya at bawang..saka ito balutin.
at ilagay sa kasirolang paglulutuan..


3..Isalansan sa lutuang kawali o kasirola..ilagay ang lahat ng mga sangkap
at lutuin ng dahan dahan sa mahinang apoy..lutuin hanggang mangalahati ang sabaw..


4..Kapag naluto na ang dahon at medyo nangalahati na ang sabaw..buhusan ito ng 1 to 2 tbsp na oilive oil or any cooking oil..
at lutuin uli ng ilang minuto at ready to serve na ang Binalot Paksiw..


Kain na tayo...

video demo here..