Wednesday, May 27, 2015

BIBINGKANG PINIPIG Recipe

Filipino Delicacy (Pinoy Kakanin)
Pinipig ay isang uri ng bigas ,murang bunga ng palay ,pinitpit para maging flakes or flat na butil
Ginagamit ito sa ibat ibang klase ng kakanin,drinks ,desserts at ano pa nga ba? lol



Sabi ng nagtitinda ng bigas,ang kulay berde na pinipig ay food coloring na,"akala ko may totoong berdeng pinipig"..hindi daw lahat ng butil ng pinipig ay magiging berde.
 minsan daw may naliligaw na maberde berde ngunit hindi sobrang berde ,na tulad ng nakikita nyo sa mga pamilihan ..(pekeng kulay pala )

Today nagluto ako ng kakaning pinipig..hinaluan ko sya ng Glutinous rice flour sa dahilang ayaw ko ng purong Pinipig.,parang nagagaspangan ako or sobrang lata ang panlasa ko nito,
So ang pagtitimpla is according na ren sa hilig ng inyong bibig at diskarte ng pagluluto..



Kung tig isang sliced ang kakainin,may 12 pieces ang magagawa..
so..marami na ren ,tikim tikim lang naman ang kain ng di bumigat sa tyan..

INGREDIENTS

2 cups PINIPIG
1 cup Glutinous rice flour
2 can Coconut Milk (4 cups )
2 pinch salt
1 dahon ng Pandan
1 1/2 cup of Muscovado Sugar ( i used 2 cups ,nasobrahan ako ng tamis ) so adjust your sugar
ilang maliit na piraso ng star anise
1/2 cup of Toasted Pinipig for toppings





PAGHAHANDA AT PAGLULUTO..(in my own style)

1..Sa isang bowl na may Pinipig,buhusan ito ng 1 cup na coconut Milk ,haluin at ibabad ng mga 10 to 15 minutes..( di kailangang ang ubod tagal na oras dahil lalata masyado)



2..Sa isang Kawali ,sa mahinang apoy,Ibuhos ang natirang coconut milk sa unang lata muna,
ihalo ang star anise na piraso...( alisin agad kung ayaw ng masyadong malasa ang Anise)
then haluin ng bahagya ,at isunod ang asukal ..haluin at lutuin hanggang maging caramel..




3..Kumuha ng kaunting coco jam syrup para sa toppings ng bibingka,then iset aside muna
ang natirang syrup ay hayaan sa kawali,at dito ihalo ang binabad na PINIPIG
haluing mabuti ,at buhusan ng COCONUT MILK ng ilang batch at di bigla
habang inoobserbahan ang lata o lapot ng pinipig ,ay unti unting ihalo ang GATA ..



ISAMA ANG DAHON NG PANDAN ,bago malimutan..(late ko na itong nailagay)
so ihalo agad ng lumabas agad ang aroma..
(Ang pagbuhos ng Gata ay dahan dahan lang, Kapag binuhos bigla lalapot masyado ang pinipig)
ang diskarte at paraan ay nasa sa inyong kamay,.this is my own techniques.


4..kapag napunang nadudurog na ang pinipig ,ihalo ang GLUTINOUS RICE FLOUR na tinunaw sa kaunting COCONUT MILK..
Haluin hanggang sa mawala ang lagkit at paninikit sa kawali...






5..Kapag nagmukha na syang Kalamay,hanguin at ilatag sa isang paglulutuan na may sapin na dahon ng saging.at ibuhos sa ibabaw ang ginawang jam syrup at ibake sa oven or lutuin sa oven toaster ng mga 15 to 20 minutes,,
or adjust baking time as you observe..

Palamigin bago hiwain ...

At budburan ng TOASTED PINIPIG
"ENJOY


VIDEO COOKING HERE..



More Photos of BIBINGKANG PINIPIG..





jane...


No comments:

Post a Comment