Tuesday, June 30, 2015

Beef with Almonds

Quick Recipe..Ginisang Karne sa gulay at almonds ganun kasimple.
niluto sa oyster sauce..




Mga Sangkap.

150 grams sliced beef meat.( tender part)
1/4 cup raw almonds ( soaked in water overnight ) or use toasted sliced almond
a pieces green beans (cut diagonally)
some sliced of carrots
2 tbsp oyster Sauce
1 tbsp soy sauce
1/2 tbsp mirin or light vinegar
black pepper
2 tbsp sesame oil or any cooking oil
dash of paprika powder/optional
dash of all spice seasoning /optional

veggies is free to add anything you like na tugma sa beef ,i just added almond para more healthy at hindi boring.

Pagluluto

Stir frying method..
Igisa lang ang mga sangkap alinsunod sa gustong gisa..

i started to fry the beef then followed with all the remaining ingredients..
you can marinade first the beef before frying or just let it be.sprinkles with salt and pepper only..

add little amount of water if want saucy recipe

and you can also add a bit sugar if want something sweet .i add added 1/2 tbsp of Honey
then serve and enjoy with your rice ..





no video cooking here..

Kamote Rice

Try this Healthy Rice for your lunch or dinner Rice with Sweet Potato

Ang sinaing na kanin ay may halong gulay at kamote,healthy di ba? extender den sa rice
at sa katulad ng anak ko na ayaw kumain ng nilagang kamote ,at kapag hinalo ko naman sa rice kumakain..aba ,pinahihirapan ako hehehe'
Anyway ,ang lutong ito ay ordinaryong rice recipe sa Japan ,na tugma para sa panlasa ng mga Filipino..subukan nyo para sa nag papaka health conscious minsan..




Mga Sangkap
Simpleng Sangkap kung anong mayroon sa inyong kusina.

3 cups Rice ( Bigas )i used Japanese Rice of  ,or you can use 2 cups ordinary rice and add one cup glutinous rice ( Kung gusto ng more FIBER ang inyong rice ,use BROWN RICE instead )

3 cups water /adjust
1 cup KAMOTE sliced into cubes ( bite size)
1 tbsp rice wine or use light vinegar 
1/2  tbsp soy sauce 
some tiny sliced of carrots ( dagdag kulay at gulay)
1/2 tbsp mirin ( optional)
Flax seed or Sesame seed ( white or black is okay)

1 added some burdock root cut into tiny pieces para di makita ng daughter ko ..( ayaw nya to .
eh healthy kaya..)
1 tsp salt 

you can add mushroom shiitake ,green peas,bamboo shoot ,chicken meat , chestnut,red beans, green beans,any kind of beans or seeds, maraming pwedeng ilagay..

check your water level..kung saan kayo sanay sumukat sa cups or sa daliri heheheh ..kase ako i'm still doing  the daliri measurement, yan yung nakasanayan ko eh',sa awa naman ,di naman pumapalpak.

Pagluluto 

Hugasan ng tatlong beses ang bigas hanggang sa mawala ang puti sa tubig.,
at saka lagyan ng sapat na tubig at  ihalo ang lahat ng sangkap..haluin ng sandok bahagya para pumantay ang lasa ..
ibabad muna ng mga 1 to 2 minutes bago ito iluto ng pasaing..( i used RICE COOKER para madali )

Habang ito ay niluluto mga tatlong beses itong sisilipin , hahaluin ito para di masunog ang ilalim at para na ren pumantay ang lasa at hindi mahilaw o malata ang nilulutong rice.

Kailan ito hahaluin 
Ang  unang halo ay kapag kumulo ,ang pangalawa ay kapag wala ng tubig at ang pangatlo ay titikman ang sinaing kung luto na at haluin ito ng ilang halo at pay-payan kung maari..) kumikintab ang sinaing kapag ito ay pinaypayan ng bahagya..saka ito isasalin sa isang malaking lalagyan..or individual serving ..

Enjoy with your favorite na ulam ,soup at salad..
Before eaten,usually Japanese style sprinkle the rice with little salt and black sesame seed,sawa na ko sa black sesame seed so i used Flax seed ..



..



no video cooking here for now..quick meal kase..





Wednesday, June 24, 2015

Dinengdeng sa Patis at Alamang


Nilagang Gulay sa Patis at dried alamang..mga gulay na available sa aking lugar ..
at para sa hindi mahilig sa bagoong na isda like me..i used patis at hipong maliliit..with pritong isda..









MGA SANGKAP
Sigarilyas
Bulaklak ng zucchini
green beans or string beans (sitaw)
Kalabasa
kapirasong luya ( my style )
Kangkong (water Spinach)
Patane ( i used Japanese Soramame )
Patis at dried alamang
i added some black pepper
Enough Water
Isdang Prito (any Fish )






Paraan ng aking Pagluluto..

Sa isang kasirola maglagay ng sapat na dami ng tubig ..pakuluan ito..
Ilagay ang kapirasong luya (optional) ilagay ang Patis at piniritong isda
haluin ,pakuluan ng isang minuto..

Ihulog ang lahat ng gulay or accordingly ,ayun na ren sa gustong luto ng gulay..

Takpan hanggang sa maluto..adjust ang lasa at ready to serve na..
enjoy..







Monday, June 22, 2015

Coconut Flan

Sa mahihilig sa matatamis ,tara kain tayo ng coconut leche flan.
I'm not an expert of making leche flan but i cooked for my daughter .so paulit ulit na luto ,pati ako kumakain na ren pala.at nakaka discover ng bagong strateggy .

This coconut milk flan is melt in your.Nagutla nga ang anak ko ..,
kase she hates coconut tapos ..napeke ko siya..
Pero promise ,masarap talaga ,yung caramel nya medyo bitter sweet..balanse ang tamis..
kakaiba siya sa original na leche flan, medyo amoy latik ..

Ang totoo noong bata ako,hindi ako kumakain ng leche flan,kase puro egg yolks at sugar ..
sasabihin ko sa Mother ko na isama ang egg white para kakain ako..Nalalasing kase ako sa tamis ng leche flan .

Syempre ngayon,nagluluto ako, kailangan kong mag imbento.at subukan ang hinidi ko pa natitikman.malimit kase i used the whole eggs.. kase nga eh, hindi ko type ang puro yolks nga ,
pero this time 'sige na nga...para makuha yung tamang pino ng leche flan kaunti lang ang white na hinalo ko..halos egg yolks na..(12 egg yolks at 2 egg whites)






At ang sarap ng pag-kakaluto...ewan kung di kayo maglaway..Hinay nga lang ...sira Diet nyo dyan..

INGREDIENTS..

12 egg yolks/small size egg..
2 egg whites
1 can condensed milk ..Ang totoo i only used half (so adjust nyo na lang)
1 can coconut milk 400 ml
1/2 tsp lemon juice or kalamansi (naputol sa video ko ang part na ito)
2 drops ng vanilla essence



For caramel
2  cups granulated sugar
i used only 1/4 cup water adjust nyo na lang kung saan kayo sanay

tools for making flan.
3 Lyanera or any moulder you have
Steamer na may tubig syempre..
salaan para sa egg batter mixture
hand whisk
mixing bowl

Paghahanda at Pagluluto..
1.Gumawa ng caramel.painitin ang kawali at ibuhos ang sugar kasama ang tubig.hinaan ang apoy,huwag gagalawin ang sugar o hahaluin hayaang maging golden brown bago ikutin ang kawali at haluin ..
saka dali daling ibuhos sa lyanera

2.Next maghanda ng salaan at mixing bowl..ipatong ang salaan sa mixing bowl
before , gumagamit ako ng blender sa pag-gawa ng mga mixture..medyo tinamad ilabas ang blender so mano mano ko ng hinalo ito..

ilagay ang egg yolks sa salaan at batihin ito,ihalo ang condensed milk at coconut milk,kalamansi juice at vanilla essence,,salain habang ito ay hinahalo

Kung gusto ng pino gumamit ng Katsa (cheese Cloth) ako kase tinatamad na, dadami hugasin..
hahaha'..pino naman ang resulta ng niluto ko..yung bubbles minsan sa gilid hindi maiiwasan ..ang totoo yun nga ang gusto ko may hangin hangin kala mo keso at hindi pino..(kapag purong yolks creamy talaga)yan yung ayaw ko hahahah..okay 'anyway..

3.Asan na ba tayo..ibuhos sa lyanera ( 3 lang ang nagawa sa ingredients na ito)
 at steam for about 40 minutes to 1 hour..basta check nyo kapag nag 40 minutes na at tusukin ng sharp tools like toothpick ..


4..kapag luto na , palamigin muna ito bago baligtarin at ihain ..dahil madudurog,,then enjoy..











for more cooking ..watch the Video cooking of Coconut Leche Flan..






Friday, June 19, 2015

Ampalaya Tempura

Sa mga Ampalaya lover .bitter ka pa o hindi ..Tara Mag AMPALAYA moment tayo
Today recipe ay ang imbento kong "Ampalaya Ring Tempura "
(Tempura batter is mixed with soft Tofu..)








Ang sustansya ng ampalaya ay nasa pait daw at dapat medyo di daw lutong luto
eh kaso minsan gusto naten prito hahahah..burn lang ng burn sa gym okay yan..at inom lang ng hot green tea.pero parang masarap sa beer .pulutan sya pare..
well',.basta ba di naman araw araw ,oks lang yan kabayan..'
.
kaso tao lang tayo minsan naghahanap bibig naten ng ibang timpla.kung di ka naman bawal kumain ng mga lubog mantika...tara sa fried ampalaya with sukang maanghang ..promise magugustuhan nyo ang putaheng ito..

Tempura with a twist ika nga .lutong Pinoy at lasang Pinoy ang ginawa ko ..Si hapon ko kumakain nito ang bunso ko ayaw ,
malas naman..
at instead sawsawan ng hapon,sawsawan ng Pinoy style ..ayos di ba?
of course sukang maanghang..( iba kase sawsawan ng Tempura nila..masarap den naman pero iba pa ren ang SUKA naten)

Tara kain tayo ng Ampalaya fries este ang tempura kong bitter ..lol


Ingredients..
isang piraso ng Ampalaya na katamtaman ang laki at haba ..lol
1 cup Tempura Powder or Arina (all purpose Flour) adding baking powder is up to you
   adding a little amount of Rice flour is good, para maging malutong ang tempura.
1 raw egg plus 1/4 cup ice cold water ,total 1/2 cup
1 cup ice cold water ( mix nyo while observing the batter ) adjust nyo if need more flour or water..
salt and pepper to taste
garlic powder or onion powder ( pang-pasarap po kesa sa msg) kung wala kahit wala
i added some soft TOFU...optional kung ayaw o walang stock..
i added a dash of dried basil /optional den
            ..mag imbento lang ng timpla para mapasarap ang luto wag lang FAKE food enhancer ...
cooking oil for dip frying




Dip SAUCE
suka .patis,toyo.chili oil or cayenne pepper or fresh na sili,garlic ..( Japan kase i added Tsuyu or Japanese Soy sauce na may timplang rice wine or mirin)
can add a bit sugar ,onion ,green chives and sesame seed..or Bahala na kayo mag imbento ng sawsawan..

PAGHAHANDA AT PAGLULUTO..


1..hugasan at hiwain ng gustong nipis o kapal ang ampalaya ( ring style)
alisin ang buto at puting parte sa gitna.

To lessen the bitterness of the Ampalaya..you can follow this method..
Maaring ibabad sa ice cold water with salt in a minutes ,Punasan ng Kitchen paper para maalis ang tubig tubig..( huwag pipigain kase Ring shape nga eh)

Chill in the Fridge for at least one hour ,mentras malamig baka mabawasan ang bitterness..

at ang mas effective sa lahat...ALISIN ang LAHAT ng Puting parte na nasa gitna ng ampalaya ,huwag iiwang may puti..Dahil ito ang ang nagdadagdag ng pait ng ampalaya..

or Lagyan ng asukal JOKE ;+.+
basta bahala na kayo,para sa akin ayaw ko ng ampalayang hindi mapait..
(ang ginawa sa ampalaya is yung Chill in the fridge lang ) tapos ang usapan..
kase mas bitter mas the better ..hahahhh kaya nga ampalaya ..dapat BITTER..

2..basagin ang itlog sa isang lalagyan na cup . buhusan ng 1/4 cup na ice cold water ,Batihing mabuti..

3..Ilagay sa isang bowl ang lahat ng dried na  sangkap ,saka ibuhos ang egg beaten at cold water..
haluing mabuti at saka ihalo ang soft tofu..mix well at ready na ang batter..




4..magpainit ng mantika,mainit dapat,at ilubog ang ampalaya ring sa batter mixture ( siguraduhin na hindi basa ang ampalaya ) at lutuin sa lubog na mantika....hanggang maging crispy...





serve and enjoy with your favorite sawsawan...
Gumawa ng masarap na dipping sauce para di nyo malasahan ang pait..
but me i love bitter ampalaya....itadakimashoo..sayounara'









want to watch video cooking.?.check nyo dito..







Tuesday, June 16, 2015

Adobo Gyudon

Do you like to eat Japanese Food ?
how about Gyudon? kilala nyo ba ang totoong lasa nito..? Manamis-namis na katamtaman  lang ang alat sa timpla ng toyo..kala mo teriyaki pero hindi naman..


Adobo Gyudon Jaraannn...'





Ang Gyudon ay isang Beef meat ,sliced thinly usually mga reject na beef meat ,maninipis 
at kung sosyal ka gagamitin mong beef is yung first class which is kalimitang ginagamit sa Sukiyaki or Shabu Shabu..of courrse pati presyo ay sosyal.

Anyway,Gyudon is made of beef ( Gyu means Meat ng Beef ) at DON means bowl ,in short when you heard the word DON in a meal..yun po ay RICE BOWL.like TEN DON..Ten is short ng TEMPURA ..hindi si ding don..hahahh joke..

Anyway again.Gyudon is lasang manamis-namis na nilaga sa toyo ng hapon (kikoman soysauce)
Tinimplahan ng Fish Broth or Dashi ,sabaw ng isdang tuyo (tulingan ,mackerel or dilis)
nilalagyan ng Kombu ( dried sea weed po ito) at may ASUKAL NA HALO kaya tumatamis..
At dahil may instant na nga,.nabibili na ito sa pake pakete , FISH BROTH ( dashi kung Tawagin)

Kalimitang halo nito ay KONYAKU noodles,parang sotanghon ang image but rubbery chewy ang texture,its a kind of root craft naka formed sa noodles style..healthy po ito ..

May naglalagay ren ng Tofu dagdag sa gyudon,dekorasyon na ren ,itlog na hilaw or boiled,Pickled Ginger ...

Kalimitan sa mga murang Restaurant lunod lang ito sa SIBUYAS at babad na babad sa Soy sauce na tinimplahan ng dashi at asukal..ewan kung nagamit sila ng betsin (msg)

Anyway ulit...Yung GYUDOn ginawa kong ADOBO ang timpla na may kaunting sugar..
in short SWEET ADOBO po ang gyudon na niluto ko for my unica hija..haveyyy hehehh

INGREDIENTS...

300 grams Sliced beef thinly..any part basta hindi palambutin...
1 large white Onion..sliced lang parang sa bistek but not circle
ilang piraso ng pinitpit na bawang...more bawang is mas adobong adobo..
1/4 cup Vinegar
1/4 cup Soy sauce
2 tbsp sugar .lessen or add more is up to you 
1 cup water 
2 tsp olive oil or sesame oil
Pamintang durog (madaming taktak ) 
1 small piece of star anise /optional 
1 bay leaf if mayroon( wala kong laurel so i used all spiced seasoning ,a dash only )

PAGLULUTO

Sa isang kawali or kasirola
Pagsamasamahin ang sangkap..at Pakuluan lang hanggang maabsorb ang sauce sa beef..
haluin minsan.   lutuing mabute ang onion para mas masarap..
.check  nyo ang lasa..adjust then thats all..



ADOBO na,,at ipatong lang sa ibabaw ng RICE..
may Gyudon na adobo na.
bagay ito sa kimchi if mayroon...promise..'
bibimbap na ang dateng hehehhh

garnished with toasted sesame seeds...red pickled ginger .and green chives 

daughter's lunch before going to school..gyudon,with tomato salad,coffee jelly ,sweet beans ..





ENJOY...
no video now ..picture lang..next time na lang heheheh




Monday, June 15, 2015

Chicken Curry Stew

Sweet and spicy creamy chicken curry..want to try..?









Ingredients
5 pieces chicken wings drumstick
1/4 cup curry powder or adjust according to your taste
water for boiling chicken ( 3 cups or more )
20 grams HEAVY CREAM or nestle cream
2 tbsp Butter
1 medium size onion
garlic
Paminta
1 medium size tomato
small cut carrots /or use potato
2 tsp Turmeric Powder
a dash of Paprika Powder
a dash of All Spices Herb /or use Laurel
a small cut Star anise /maaring tanggalin kapag nakapagbigay na ng lasa .
a dash of Cinnamon powder /optional
1 tsp Cayenne Pepper or siling pulbos/or adjust
 some sugar (2 tbsp )
2 tsp Oyster Sauce (this is my style .kahit wala pero i find it more masarap kung meron)
2 tsp VINEGAR ( its also my style ) but can be optional

1 got mixed beans so i added beans in my chicken curry

PAGLULUTO.is BOIL METHOD ,wala n g gisahan

Give a quick hot water blanch or pakuluan ng isang kulo ang chicken meat at banlawan sa malamig na tubig para maalis ang dumi at dugo..( i'm doing this for healthy matter ,no need long explanation)
at saka ilaga ang manok sa 3 cups na tubig ( adjust as it needed)na may timplang laurel,star anise ,paminta ,
Palambutin lang muna ang manok.

 then ihalo ang lahat ng sangkap maliban sa Curry powder at HEAVY CREAM.
lutuin sa mahinang apoy..(slow cooker )
obserbahan lage ,haluin para di manikit..
then adjust the taste and water add as it needed..
kapag malambot na ang carrots.. ihalo ang curry powder at cream ..then haluin para di manikit o masunog at lutuin sa mahinang apoy..


Then ready for hot rice .i made yellow rice made of turmeric powder ( isinaing ko ang bigas na may halong Turmeric Powder and a pinch of himalayan salt..TRY NYO' and enjoy po




Experimenting and discovering new taste in the kitchen is my job
if lage ka nasa kusina ganun ang mangyayare talaga,..imbento dito imbento doon..'
lalo na nga at ang sangkap ay hindi kompleto..madaliang luto at tipirang luto..expert na ko diyan
At syempre kung healthy recipes den marami den akong alam...
Imagine naman ,1987 pa ako nasa Kusina..luto ng luto...(don't ask my age hahahh)
Dahil nga ginagawa ko ito malimit ,so tested and proved ko na ang timpla at lasa..

So see you then..no video po ito..Meal ng daughter ko napicturan ko lang at nai share..