Saturday, July 18, 2015

Tinoto (Laing ng Quezon )

Ewan kung bakit Tinoto ang sabi ko naman wala bang Ninene..
.natikman ko ito ng bumisita ako sa probinsya ng Quezon..
at itinuro sa akin kung paano sila magluto ng laing..
nakakatuwa kase laing den pala..





Mga Sangkap..


1 kilo DRIED taro Leaves ( malinis na at bilad na bilad ) binili sa palengke
5 to 6 na GATA ng niyog..(fresh )
paminta at asin
Bawang
Siling labuyo or pang paksiw
1/2 kilo na Tinapang Galunggong (add according sa gustong dami)
1 bundle of Lemon grass (TANGLAD)

PAGHAHANDA AT PAGLULUTO..
1.Hugasan ang Tinapa para maalis ang usok (according to my researched ang usok ay hindi maganda sa katawan) kung may time ibabad ng isang oras at itapon ang tubig..




2.Himayin ang tinapa at alisin ang tinik..set aside



3.Sa isang kawaling paglulutuan,ilatag ang tanglad ,sili,bawang,at ibuhos ang gata..Pakuluan ng isang beses at ihalo ang tinapa at dahon ng gabi.ilubog sa gata....timplahan ng asin at paminta..Takpan at huwag munang hahaluin.




4.Kapag lumubog na ng kalahati ang dahon ,ayusen ng sandok para maluto ng pantay at di manikit sa ilalim..

5.Hayaang maglatik or lutuin ng may natitira pang creamy sa gata..( according to your taste ,nagmamantika or malakrema sa gata )
add more sili para maanghang..


Serve and enjoy





No comments:

Post a Comment