Search For the Recipe

Showing posts with label Ginataang Alimasag. Show all posts
Showing posts with label Ginataang Alimasag. Show all posts

Tuesday, March 10, 2015

Ginataang Ampalaya at Kalabasa

 Para sa Mahilig sa Gata or ayaw ng Ampalaya .
Ang pait ng ampalaya ay mawawala dahil sa gata,subukan ng malaman..



Mga Sangkap

Ampalaya 196 grams..Hiniwa ng malilit (nilamas sa kaunting asin ) maaring banlawan or hindi na
Kalabasa   132 grams..Hiniwa ng Maliliit ( malaki ng kaunti sa ampalaya ) or Menudo potato cut
1 can tuna 52 grams ( inalis ang sabaw )
Sibuyas hiniwa hiwa ng maliliit 40 grams
kamatis hiniwa ng maliliit 63 grams
3 ulo ng bawang ..Pinitpit
2 hiwa ng Luya
Dried Baby Shrimps 10 grams/optional
Bagoong Alamang 2 tbsp
Coconut Milk or Cream 400 ml..
Asin at Paminta
Siling maanghang o siling pulbos
3 to 4 tbsp na cooking Oil







Pagluluto...
Sa isang mainit na kawali lagyan ng Mantika at Igisa ang mga sumusunod Luya Bawang Sibuyas
Kamatis ,Alimasag .Bagoong. Tuna ,Coconut Milk ,Lutuin ng ilang minuto
at ihalo ang Kalabasa at Ampalaya.
Timplahan ng naaayon sa inyong panlasa asin ,paminta at sili..Hayaang Maluto.
at maari ng ihain ...enjoy




Quick Video Cooking here...





Sunday, December 29, 2013

Ginataang Alimasag sa Kalabasa

   
   Masarap kainin ang ginataang alimasag kapag mainit ang kanin,at syempre nagkakamay dapat,
Matawa na lang ako kung kukutsarahin ito ng kung sino man.
    Sa mahihilig ng spicy ang mga ginataan, panigurado mapaparami ang kain nyo ..sunod sunod ang subo ng kanin at inom ng tubig..hay! kung sa Pilipinas lang ulit ako,gusto ko sa dahon ng saging kumain nito..kalimutan ko na nga at ako pala ngayon ay nasa Japan na..



Ingredients...

1 kilo Fresh Crabs/o alimasag
Squash
siling mahaba or labuyo
3 cups coconut milk
turmeric
onion
garlic
tomato
black pepper and salt..
patis or bagoong/according to your taste
cooking oil


turmeric/luyang dilaw..

VIDEO COOKING here...



   Igisa ang mga sangkap sa kawali na may mantika..at kapag nagisa na, ibuhos ang coconut milk ..adjust ang dami ng gata ...then isunod ang alimasag...at takpan ..
Sa unang kulo ,ihulog na ang kalabasa..durugin ang kalabasa o hayaang buo ...takpan at lutuin sa mahinang apoy,timplahan ang niluluto according sa inyong panlasa..asin.paminta or bagoong...at idagdag ang siling maanghang...

 and then ready to serve..






enjoy................