Search For the Recipe

Showing posts with label Saging na Saba. Show all posts
Showing posts with label Saging na Saba. Show all posts

Sunday, October 30, 2016

Saging na Turon with Chocolate Drizzled

Banana Spring Roll or Sweet Lumpia
 Maiba naman requested by my daughter adding chocolate is great.

I made cookies with chocolate drizzled ,naisip namin mag ina na gawin ito sa saging na turon..why not coconut..
ayun sa madaling salita...nag madali mag luto early morning..nalimutan na ang lunch..
nasarapan at nagenjoy ang mga kasama ko..





INGREDIENTS


Simple lang ang mga Sangkap
nadagdagan lang ng chocolate ang inyong TURON na SAGING
Saging na Saba/ bahala na kayo gaano ang dami ng lulutuin
sweet langka/jack fruit
sugar
cooking oil
hershey chocolate syrup or any chocolate syrup

PAGHAHANDA AT PAGLULUTO



1.ihanda ang lumpia wrapper ,takpan ng moist cloth para di manigas

2.alisin ang balat ng saging na saba at hiwain ng paapat



3.hiwain ng medyo manipis ang langka



4 .ihanda ang asukal at igulong dito ang hiniwang asukal

5.isalansan ang hiniwang saging na may coated na asukal at langka sa lumpia wrapper ,balutin ng medyo pa pipe ang haba




6..kapag nabalot ng lahat, ihanda ang kawali na may mantikang pag lulutuan..painitin..

7 iprito ang mga lumpia hanggang sa maging malutong at kulay brown..
hanguin at palamigin

8..buhusan ng chocolate syrup ang mga lumpia..
and enjoy your meryenda..








perfect sa sarap..adjust your  sugar according sa inyong panlasa..






VIDEO COOKING HERE...





Sunday, March 2, 2014

Monday, February 3, 2014

Gawa tayo ng "NILUPAK"

Gusto nyo ba ng Nilupak?
May hindi kaya nakakakilala sa Nilupak? Basta ang alam ko paborito ko ito noong bata pa ako..
Of course until now,masarap itong papakin ..At simple lang itong gawin kung sisipagin ka.

Noon o kahit pa ngayon,Ang tradisyon ng paggawa nito ay binabayo sa isang bayuhan(Lusong ba tawag dun).kaso matrabaho nga lang yan,
At dahil nagiging malikhain na ren ang tao ngayon( high tech na pati utak ) ,kahit anong paraan makakain lang ay ginagawan ng paraan..


Noon, ang kilala kong nilupak ,ay yung nakaumbok na parang bundok , umuuka doon gamit ang kutsilyo ,at ilalagay sa dahon ng saging ,papahiran ng margarine..ganon nga at dun mo hahabhabin..tama po ba ako.? he he he..yummy.

At dahil home made nga ,simpleng paghahanda lang ang gagawin dito at walang bayuhan na gagamitin..
Gagawa tayo ng individual portion na..






Mga Sangkap Syempre...





Cassava ( Nilaga na kamoteng kahoy)..di ako sigurado na masarap ang powder nito lol.
...You can substitute GABI ,yung huge size na ginagamit sa halayang ube..okay siya.

Saging na saba ,Nilaga na at binalatan na..( Huwag masyadong hinog na saging ,medyo matigas pa dapat) kailangan nitong durog na durog or depende sa trip yung pag dudurog ..you can use electric tools like food processor ..ako cup mug lang hahahhh"

Condensed Milk adjust your taste na lang
Fresh Grated Niyog or kung gagamit ng desiccated niyog,iisteam ito para lumambot.or kahit wag na ren ,,

A little sugar if needed lang
margarine or butter.

Paghahanda...

Pagtyagaang durugin ang nilagang cassava at saging gamit ang kamay,natural malinis na kamay at maaring gumamit ng matigas na cup mug para sa pagpitpit ng saging..tulad ng nasa larawan.

Hindi naman ito kailangang pinuhin, kailangan lang na madurog .mas okay kung papaste at smooth kaso nga di naman ito inenegosyo basta makakain lang ng nilupak..kahit paanong ad ad o pag dudurog nasa sa inyo..



Kapag nadurog na ang cassava at saging..
Paghaluin ang dalawang sangkap.Ibuhos ang 1 cup condensed milk, 1/4 cup melted butter at 1 cup na fresh niyog..at paghaluhaluin ito.


Ang sukat o dami ng cassava sa saging ay mas marami dapat ang cassava
Halimbawa 3 cups ng mashed cassava at 2 cups na saging..or more cassava .adjust na lang according sa trip nyo..he he he..
Bawal makulit +.+ ako lang yung makulit hahahhh charr"

FOR QUICK VIDEO MAKING NG NILUPAK...






  Ayusin ang timpla kung gusto ng matamis , mabutter o maniyog..ang timpla ay nasa inyong palad,lol

Then imbitahan ang mga kasambahay,maghugas ng kamay at magkanya kanya ng gawa ng nilupak,tulad ng nakikita sa larawan..at pahiran ng butter o mantikilya..

ANG DALI LANG DIBA!...

LET's NILUPAK PARTY...yeii..!






.....


ENJOY.....
MATA NE!!!......