Search For the Recipe

Sunday, August 17, 2014

MAJA KALABASA

Kalabasa pudding or Maja Blanca na hinaluan ng kalabasa...bagay sa mga taong ayaw ng kalabasa..


For Quick Video Cooking here..


Mga Sangkap...
2 cups mashed kalabasa
1 1/2 cup cornstarch
1 cup coconut milk
1/2 condensed milk or add more sugar
2 more cups coconut milk or kakang gata
roasted grated coconut or latik













Dinuguan na Gawa sa Squid Ink..

Para sa di Kumakain ng Dugo ng hayop..Narito po ang Kapalit ngunit ang lasa ay halos pareho lang,kahit friends ko pamilya ko nagutla sa lutong ito...

Bukod sa healthy ang Squid Ink ,di sya malansa na tulad ng alam nyo na..



Quick View of Video Cooking ng squid ink dinuguan style..


Saturday, August 16, 2014

Ginisang Corned Beef With Patatas

Simpleng Ulam Para sa Mga nagmamadaling Magluto...ang corned beef delata..Haluan ng Patatas at igisa ..May sabaw o tuyot solve na ang inyong putahe...Dahil ito ay masebo paminsan minsan lang ang kain nito..Kung Health conscious kayo....Watch out your calories at eat balance po tayo lage,,

Di porke mahilig ako magluto ay malakas na akong kumain...Di porke luto ako ng luto ay di ako sexy  hahahah....for you to find out..+.+ enjoy po..

Mga Sangkap ..
Corned beef in can
Hiniwang Kamatis kaunti lang
Hiniwang Sibuyas
Pinitpit na bawang
kaunting sili or pirasko
asin at paminta
kaunting tubig
kaunting mantika
toyo or patis
atsuete (optional)




And for a quick Cooking..... Watch the Video below...



Sunday, June 15, 2014

Tortang Ampalaya ( Bitter Melon Omelette)




Hi mga Pipol...Anong Ulam nyo ngayon?
Sa mahihilig sa ampalaya at itlog ...Narito ang bagong version ko ng ampalaya with egg..Ang Tortang Ampalaya ,Plate Size..Slice nyo lang na parang cake hehehehh...



Mga Sangkap..
Medium Size Ampalaya,hiwain ayun sa inyong gustong hiwa.but i suggest manipis para di mapait..(lamasin sa asin at pigain kung gustong mawala ang Pait) ako derecho lang..
4 na itlog
Kaunteng hiniwang kamatis
Sibuyas at bawang..
Kaunteng siling pula o paprika( red bell pepper)
Kaunteng binalatang hipon..(can use ground meat if you like)
Soy sauce,oyster sauce,patis,salt and pepper...seasoning is according sa inyong panlasa.
Maaring haluan ng kaunteng cheese para medyo mas espesyal ang lasa.

Tips-maaring maglagay ng kaunteng arina para madaling mabuo .Kung hindi sanay pang gumawa ng purong itlog lang
Cooking oil syempre..
At Kaunteng tubig sa pagpapalambot ng ampalaya




Photo Cooking Tutorial


Paraan ng Pagluluto.
Igisa ang mga Sangkap like bawang ,sibuyas at kamatis..
igisang kasama ang hipon ,timplahan according sa inyong panlasa..(oyster sauce)
at ihalo ang hiniwa hiwang ampalaya.lagyan ng kaunteng tubig para lumambot ng kaunte ang ampalaya...hayaang maluto ng medyo half cooked or lutuin ng ayun sa lambot na gusto sa gulay..



at ihanda ang itlog..magbate ng itlog at ihulog dun ang ginisang ampalaya na may hipon.
iprito sa mainit na kawali na may 5  tbsp na mantika or adjust nyo ang mantika ayun sa laki ng inyong kawali at dami ng lulutuing itlog ..



takpan at lutuin sa medium heat...checkin ang ilalim para di masunog..
kung babaligtarin patayin muna ang apoy..at isalin sa isang plato...at baligtaring pabalik sa kawali
para lutuin naman ang kabila...then sindihan ang kalan..



maaring wag na itong takpan...bantayan ito at kung ready na...ihain na at ilagay sa isang plato na kasya ang tortang ginawa...
enjoy,.....maaring kainin ito ng may ketsup or any chili spicy sauce na type nyo.