Pinoy Style Bread with Bukayo filling ( Bread with Sweet Grated Coconut )
Tinapay na may minatamis na niyog sa loob..
Pagkaing hindi ko malilimutan , naging meryenda ko after ng school,may tubig ka lang busog ka na.
Baka namis nyo lang .. Ingredients..
6 pieces bread buns
160 grams all purpose flour
3/4 tsp of instant yeast( kulang kulang 1 tsp)
1 tbsp sugar
26 grams egg beaten and for wash egg
75 cc water
15 grams butter
pinch salt
Tools na makakatulong sa pagluluto ng bread.
SCRAPER
WOODEN SPOON
DAMP CLOTH
Baking time..10 minutes.
Preheat Oven in 210 degree celsius
Para sa 12 pirasong Pandecoco ..Double the ingredients . Paghahanda...
Paghatiin ang arina sa 2 portion.
Sa dalawang mixing bowl ilagay ang hinating arina .
Sa unang Bowl na may 1/2 portion ng arina..
Ilagay ang yeast at asukal sa itaas ng arina ( magkatabi ang yeast at arina)
sa ibaba ng arina ,ilagay ang itlog Sa ikalawang Bowl na may 1/2 na arina
ilagay ang butter at asin...set aside
Back to the 1st Bowl
ibuhos ang tubig , mismo sa yeast at haluin para matunaw kasama ng asukal
At saka haluing lahat kasama ang itlog (gumamit ng wooden spoon )
Haluin ito hanggang mabuhay ang yeast...(continue stirring ) obserbahan ang hinahalo.
Then ihalo ang second bowl na arina..at haluin itong mabuti..
Kapag wala ng ang arina..ilipat sa hapag para ito masahihin (Dough Kneading )
Makakatulong ang SCRAPER sa pag mamasa ..
Masahihin nyo ang dough na parang NAGKUKUSKOS ng Damit..
Taas baba..Paulit ulit Hanggang Mawala ang Lagkit..
(NO DUSTING ...Wag mag lalagay ng extra Flour..)
Ang Left hand ang taga Hold ng Dough Habang ang Kanang Palad ang KUMUKUSKOS SA DOUGH..
Kapag Namumuo na ang dough at hindi na malagkit..
Imassage ito ng Dalawang Kamay ( GAMIT ang PALAD ) V massage..Left and Right
( maybe 30 times)
Left and Right ..Igulong gulong sa dalawang Palad ..Paulit ulit..Hanggang Maging Smooth ang Dough
Kapag Elastic na ..Bilugin ito at ilagay sa bowl
Isara ang ilalim ng dough
Takpan ng plastic wrap..
Rest the Dough for about 30 to 40 minutes hanggang umalsa ito..
Place the dough in a Warm Place..If possible mga 40 degree ang init..
After a minutes...Finger Check kung umalsa na...Yung hintuturo lagyan ng arina at itusok sa gilid ng dough.. Kapag Hindi bumalik ang tinusok ,means okay na ang Alsa..
Cut the dough into 6 pieces ..using a dough Scraper then roll it in a ball takpan ng damp cloth para di tumigas.
Then rest another ten minutes Takip ang damp towel
After ten minutes..Ilabas isa isa ang mga binilog ..Pipiin ang bilog na dough
para ipalaman ang ginawang matamis na Niyog..
Pipiin ng medyo makapal na umbok sa gitna at manipis sa gilid..
Ilagay sa Baking Tray na may sapin na parchment baking sheets.. pahiran ng oil para di manikit.. Gilitan ang buns kung gusto ng design o hayaang bilog lang..
Then rest again for about 25 to 30 minutes...cover it with damp clothes..place it in a warm place.. at saka pahiran ng itlog at ready to bake..
Pahiran ng egg wash
At budburan ng Poppy seeds..
Then Bake for 10 Minutes..
210 Degree Celsius.. Kapag nag 3 minutes na..Baligtarin ang Tray position..para pumantay ang Luto ng bread..
Bangus na binalot sa dahon ng mustasa kaya may blanket..
Niluto sa Coconut milk .
Maanghang o mild bagay na bagay sa inyong hapag kainan..
Mga Sangkap..
1 medium size Sliced Bangus
Mustard Green or Mustasa ( 2 o 3 tangkay ) pumili ng malapad na dahon..
3 cups coconut milk ( adding more coconut milk is according to your taste)
kaunting pinitpit na bawang
1 medium size chopped onion
1 piktal na pinitpit na luya
1 maliit na piraso na hiniwang kamatis
siling mahaba or labuyo
paminta
Patis to taste or add more bagoong na alamang..
a table spoon of cooking oil
Kailangan den ng toothpick
Paghahanda at Pagluluto
Hugasan ang dahon ng mustasa at piktalin sa tangkay
Ibalot ang sliced bangus sa dahon ,isara ito ng toothpick
Sa isang kawali,igisa sa mantika ang luya bawang sibuyas at kamatis
Lutuin dito ang Bagoong at ihulog ang 3 cups na coconut milk
at ihulog ang bangus na binalot at lutuin sa mahinang apoy hanggang sa ito maluto..
taktakan ng paminta at lagyan ng sili according na ren ..sa gusto ninyong anghang..
Obserbahan ng di masunog ang ilalim...
serve and enjoy ...
VIDEO COOKING HERE....Taken and cooked in the Philippines..2013
Mille Crepe Cake Recipe...with cream cheese Lemon frosting and Ube Flavor
it is a French Cake made of many Crepe Layers...at popular sa Japan..
Nasubukan nyo na ba ang magluto ng cake na walang bake? besides sa steaming or rice cooker.
Yes,lulutuin naten sa frying Pan...
Yes,It's No Bake Cake..Easy and Fun ang recipe na ito..
Let's Start with the ingredients..
isa itong manipis na pan cake ,at magluluto ng mga 13 pieces or mga 20 pieces depende sa dami ng inyong ingredients..or size ng kawali..
i used 20 inches size non sticky pan.
Kitchen Tools na gagamitin ...
Maghanda ng dalawang tamang laki ng bowl para sa pag hahaluan
wire whisk
rubber spatula
scraper
hand mixer
icing spatula
round cake board
wax paper
long chopstick
scale para sukatin ang mga sangkap
salaan ng arina
brush for greasing pan
electric blender
For Frosting ( Ube Flavor)
120 grams Cream Cheese
40 grams refined sugar
30 grams Ube Halaya Jam
5cc Rum Essence or 1 tsp
2 tbsp Lemon Juice or UBE ESSENCE
160 Grams HEAVY Cream or All purpose Cream
For Toppings..you can make Butter Frosting ..Cream cheese Frosting with Ube Flavor..
I used 100 percent Ube Halaya. and cooked it in Soft Texture.
or Just Dust with White Sugar or White Chocolate Powder..
PAGHAHANDA...
1..Painitin ang kawaling paglulutuan at tunawin ang 20g na butter dito..and set aside..
2.Sa isang mixing bowl ,Paghaluin ang dalawang Arina at salain ng dalawang beses...
3.next is ihalo ang 50 grams na sugar sa sifted na arina..Haluin itong mabuti ng WIRE WHISK
4.Icrack ang two egg at ihalo isa isa habang hinahalo ito...hayaang maging smooth at creamy..
5.at ihalo ang Fresh Milk ng dahan dahan...ilagay ito sa 3 hati..Haluing mabuti
6..Kapag nailagay na ang lahat ng sangkap ,at ang lumamig na tinunaw na butter sa kawali ay ating ihalo dito sa batter mixture..
haluin itong mabuti..hanggang maging pino at pantay ang kulay..
( maliquid dapat ang batter at hindi creamy )malagnaw in short.
7.At bumalik tayo sa pinaiinit na kawali.
Maghanda ng brush na may kaunting Butter or kitchen towel paper para sa pang grease ng pan..
use long CHOPSTICK para sa pag luluto..
7.Haluin ng sandok ang batter mixture,everytime sasalok ...use sandok na may scoop ,na tanyado nyo ang sukat para sa isang pirasong crepe..
8..make sure na hot enough ang pan,bago ibuhos ang batter .
sa pag buhos ng batter iangat agad ang kawali at medyo ikutin ng left hand ang pan para kumalat ang batter at hindi mabutas o mamuo sa isang lugar..
9.kapag babaligtarin na ang crepe ,.hinaan ang apoy ,silipin kung luto ang ilalim ,ingatang di masunog or hilaw..
PARAAN NG PAGBABALIGTAD ng CREPE...
10..ilagay sa gitna ang isang chopstick
Angatin ng dahan dahan ng daliri ang right part ng crepe at ipatong sa chopstick
tulad ng nakikita sa Larawan at ibaligtad ito sa kawali gamit ng chopstick na nilagay sa gitna..
.
11..Kapag binaligtad nyo ang crepe ,huwag nyo itong aayusen ,kahit alam nyong magulo or di ayos ang pagkabaligtad
Masisira at mabubutas ang crepe..hayaang maluto ito kahit magulo..
then isalin sa cooling plate na may wax paper ..derecho ang kawali sa cooling plate with out using sandok or tools.
(Palamigin ng kaunte at maaring ayusen ng kamay ang magulong korte ng crepe)
Kapag nailuto na ang lahat ng crepes,12 pieces or 13 pieces ang magagawa sa sangkap na aking pinakita..
At kung nasalansan nyo na ng maayos ang mga Crepes ..isantabi muna ito at takpan ... Maghahanda naman para sa Frosting...
Sa isang malalim na mixing bowl or bowl na maaring gamitan ng electric blender...
1..ilagay sa bowl ang lahat ng Cream Cheese.Durugin ito using electric mixer (number one power)
2.isunod ang sugar ,haluin ng electric blender hanggang maging isa ang cream cheese at sugar..
3..then ihalo ang 30 grams na halayang ubi...haluing mabuti
4..Kapag namix ng mabuti ,ihalo ang 1 tsp na RUM essence ..
haluing mabuti...
5..At isunod ang 2 tbsp na lemon...haluing mabuti
6...Kapag pantay na ang hinahalo...isunod ang HEAVY CREAM..idivide sa tatlo ang pagbubuhos nito sa mixture...at hayaang maging Fluffy ang frosting ..(.Obserbahan ang Texture ng Frosting)
7...kailangan ang lapot nito ay di bumabagsak ..
Then...ready na nating pahiran isa isa ang mga pan crepe cake ...
8.Maghanda ng Round Sliver Cake Board...Yung umiikot na round board..
at isang paper hard board para sa patungan ng Cakes...
9..Para sa nag nenegosyo ng cake or gustong iregalo..
Ginagamitan ng Toasted Cake Crust ang Bottom ng crepe cake para maganda at makapal ang ilalalim ng cake...but kung lutong pang pamilya kahit wala ng crust ay okay lang...
10..Or just kapalan nyo na lang ang isang piraso ng pancake na lulutuin nyo..
Ilatag ang crepe at pahiran ng sapat na dami ng frosting at ikalat gamit ang
icing spatulas...continue the process,,
11..sa ika apat na layer ng crepe ,budburan ng hinimay na pira piraso ng ube halaya ang ibabaw..
12..takpan ng crepe at dahan dahang diinan para pumantay ang lapat ng cake...then continue lang,
.at sa ikaapat ulit ..budburan ulit ng halayang ube...at ipagpatuloy lang hanggang maubos ang crepes..
13.Ang wax paper na pinagpatungan ng crepes...isaklob sa ginawang cake at ihulma ng dahan dahan gamit ang dalawang kamay para pumantay ng ayos ang korte ng cake...huwag itong didiinan ...
aayusen lamang ito ,kung hindi ayos ang pagkabilog..
14...Bago nyo ito iserve .ilagay muna ito sa fridge ng ilang oras bago ito hiwain..
then budburan ng white powder chocolate o di kaya ay sugar...
or make your original butter frosting ...
mine is ..i covered them with pure ube halaya ,gumamit ako ng pipe para idesign...
Then...Enjoy ...
Narito ang Ube Halaya on Top of my Mille Crepe Cake.....So yummy
siguraduhin na pinalamig nyo ito sa ref ng kahit isang oras ...
bago kainin...