Search For the Recipe

Tuesday, January 7, 2014

Paano Gumawa ng Cassava Espasol

Marahil marami sa atin ang nakakakilala na ang Espasol ay gawa sa malagkit na bigas..
Ngayon ipapakita ko sa inyo ang pinakamasarap na timpla ng Espasol.
Ito ang Cassava Espasol









Mga Sangkap..

Maramihang luto ang sangkap na aking ginawa.
bawasan ang dami kung kaunti lang ang lulutuin..

1 kilo grated cassava
1 1/2 cup wash sugar  ( adjust according to your taste) matabang akong magtimpla.
1 1/2 cup coconut milk
1 1/2 cup water ..adjust if needed

1 1/ 2 cups rice flour( para sa binusang rice flour)..dito pagugulungin ang espasol



you can add minatamis na macapuno ,langka ,latik para mas masarap at espesyal.

FOR QUICK VIEWING of Video cooking ..


First Step....
   in a cooking pan na paglulutuan (non sticky if maari)
Ibuhos ang grated Cassava at ang asukal
then haluin ito..( Wala pa ito sa kalan)


Ibuhos ang tamang dami ng coconut milk at ng tubig..kung fresh cassava ang gamit ,kailangang lagyan ng tubig para maluto ang hilaw na inad ad na kamoteng kahoy..

Pag haluhaluin ito at isalang sa kalan sa tamang lakas ng apoy...


HALUIN NG HALUIN NA PARANG NAGLULUTO NG KALAMAY 


Parang gumagawa kayo ng PASTE.( pandikit sa papel )
Kapag sa palagay nyo ay parang hilaw pa ,maari itong lagyan ng kaunting liquid habang niluluto.


Obserbahan ang niluluto para nalalaman, kung ito ay okay na...Ang namumuting Cassava ay sign na hilaw pa..Kapag medyo nagiging malinaw o parang paste na ,malapit na itong maluto

Kapag ito ay namuo at kumakapit na sa sandok ,ito ay sign ng luto na..iwasan itong masunog..



 Ilipat sa isang lalagyan o hayaang lumamig na lang sa kawali.



 ILATAG ANG BINUSANG RICE FLOUR...At humulma ng cassava kalamay at ipagulong gulong sa pulbos..
Gumamit ng dahon ng saging para madaling makagawa ng stick size espasol..or roll it by hands..


And then repeat the process.....ENJOY YOUR CASSAVA ESPASOL..








Ang nilutong Cassava Kalamay ay maari reng gawing PICHI PICHI..
make a one bite ball size and flat it in then budburan ng fresh grated coconut ..may pichi pichi na kayo..

enjoy./.

VIDEO FOR MAKING of Pichi Pichi








Friday, January 3, 2014

Espasol de Ube

Espasol with purple yam..




Ingredients are simple...and preparation is very easy..
4 to 5 servings recipe..

1 1/2 cup glutinous flour
1/4 cup mashed ube
1/2 cup sugar
1 cup coconut milk




For Quick View of Video Cooking...


     
First step..ibusa sa mainit na kawali ang 1 cup glutinous rice flour..parang polvoron lang ang luto.then set aside.

   At sa isang bukod na lutuan na kawali,ilagay ang 1/4 cup na ubeng durog at lutuin sa 1/2 cup sugar at 1 cup coconut milk..

..


Haluin ito at lutuin ng para maging isang mixture ang lapot then
ibuhos dahan dahan ang half cup or (1 cup) na binusang pulbos na bigas..
haluin hanggang sa maluto( Huwag ibuhos bigla)



Haluin lamang ito hanggang sa maluto,kapag ito ay namumuo na at o parang nagiging halaya ang kunat,
ito ay maaring luto na.


At kapag luto na hanguin at palamigin ng kaunti.
Masahihin ng kamay habang binubudburan ng binusang bigas na pulbos ..
at ready ng maghulma..





Ang mga nahulma ay ipagulong gulong lang sa nabusang pulbos na bigas at mayroon ng ube espasol




Enjoy......




Ensaladang Mangga

Makatulong laway sa kaasiman at sarap ng Green Mango Salad..
Timplang pinoy na hinahanap hanap saan ka man naroroon.


Kahit ganito sarap isawsaw sa bagoong..

Sangkap at Paghahanda ng Ensaladang mangga..
2 large size green mango
2 tbsp cooked alamang /bagoong
minced onion,kaunti
minced garlic,kaunti
sliced cherry tomatoes/or any kamatis
      you can add 1 tbsp vinegar according to taste..dried dilis...fried pork..and so on..




just combine all the ingredients at mayroon ka ng ensaladang mangga..kung di matamis ang bagoong nyo..
you can add 2 tsp sugar sa inyong salad ..and a pinch of black pepper and hot chili powder or chopped siling labuyo for spicy flavor...yummy

VIDEO MAKING for Quick Look..

To Continue Preparation...

Cut manggo in small pieces or tadtarin ng kutsilyo ang mangga ,kung sanay itong gawin ..(Pinoy style)










 Add some veggies for presentation and for more flavor too.



ENJOY............