Search For the Recipe

Wednesday, August 19, 2015

Dilis Fritters (Anchovy Fritters ala Tempura)

Dilis oh ..my Dilis..Pulutan or Ulam alin ang gusto nyo..





MGA SANGKAP
1/4 kilo Dilis na fresh
1 cup All purpose Flour or Tempura mix
1  egg
1/2 cup ice cold water
pinch salt and pepper to taste
1/4 tsp baking soda
Cooking Oil..

Original dipping sauce (gumawa na lang kayo)

Paghahanda at PAGLULUTO

Ihanda ang nilinis na dilis na tinanggalan ng hasang ..
Punasan ng kitchen paper ng ito ay madaling kumapit ang batter at maiwasan ang paninilansik..
asnan ang dilis kung nasa mainit na lugar upang maiwasan ang pag kailado
at budburan ng kaunting gawgaw or arina..set aside..

Sa isang mixing bowl ,ilagay ang arina ,asin,paminta at baking soda..itabi muna
Batihin ang itlog sa baso ng may malamig na tubig..

Ibuhos ang binating itlog sa arina mixture hanggang makagawa  ng batter..
ilubog dito ang mga dilis...
haluin ng bahagya ..at gumamit ng kutsara .para sa sukat na laki.

ilubog sa mainit na mantika ang 1 tbsp na battered dilis
baligtarin kung luto na ang ilalim..hanguin sa isang cooling rock or kitchen paper..


Gumawa ng sariling sawsawan..like sukang may sili..enjoy..






VIDEO COOKING HERE..


Dilis Paksiw

Kung tawagin ito ay pagkain daw ng mahihirap.bukod sa simple ang rekado ay mura ang maliliit na isda..ngunit hindi ako maniniwala ,na ito ay pagkain lang ng mahihirap..
eh ' kahit Presidente sigurado ako, marunong ren ,kumain nito..right?
para sa akin isa itong masustansyang pagkain ,simple rekado ,patok sa bulsa at patok sa lasa
At mas masarap ..kung ito ay nakabalot sa dahon ng saging ,panigurado kong lalakas pati ang sandok ng inyong rice..

Ewan ko na lang sa mga ibang kababayan naten ang hindi marunong kumain ng ganitong putahe.


MGA SANGKAP
3 lang kase kami sa bahay so kaunting putahe lamang ang aking inihahanda..



1/4 kilo of Fresh Dilis (anchovies)
1/2 cup Vinegar
1 1/2 tbsp Patis (fish sauce)
pamintang durog
2 pirasong siling labuyo or pampaksiw
5 pirasong butil ng bawang
kapirasong luya
talbos ng luya or tanlad
kapirasong ampalaya..(ibabad sa tubig na may asin )
sibuyas or negi ( spring onions)
1 tbsp olive oil
1 cup water




PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

 Linisin ang isda at alisin ang hasang at bituka

Sa isang kasirola isalansan ang mga sangkap ...tangkay ng luya .luya, bawang,sibuyas at ipatong ang dilis...buhusan ng 1 cup na tubig...suka ,patis at paminta..

Isalang sa kalan at lutuin ng may takip..after 1 minute ihalo ang kaunting ampalaya  at ang 2 siling labuyo..iwasan itong haluin upang hindi madurog ang dilis..lutuin sa katamtamang apoy..

After 20 minutes ,buhusan ng 1 tbsp na oil at lutuin ng 1 minute then ready for serving na...

Adjust seasoning according to your taste..enjoy..





want to watch Video?
VIDEO COOKING HERE...


Wednesday, August 12, 2015

Arroz Ala Cubana

Sound Spanish right? but it's Cuban Recipe just a Pinoy version ..title pa lang cubang cuba ka na hehehe. Arroz is rice ..so dapat nasa rice ang focus hehehh..kaso sa giniling ang tutok eh..paki explain President..
Sabagay alam nyo na ang Pinoy mahilig mag imbento ng sariling atin ..
kase the original dish of arroz ala cubana is puno ng tomato sauce at niluluto ang bigas ng may timpla..ang hawig ay ang pritong saging o ang pritong itlog ..sigurado ko ang lasa ay ibang iba..




So yung ground pork or beef is according na lang sa gusto nyo,or mix both beef and pork..
ang stock ko ay pork giniling ,so yan ang gagamitin ko..

Anyway,my recipe is iba ren kase sariling version ko ito..i dont add tomato sauce or paste.maasim na yan kase..tomato na fresh is enough na..nilagyan ko ng worcestershire sauce ..

INGREDIENTS
322 grams Pork Giniling
2 tbsp Worcestershire sauce or adjust
1 small size onion.
1 small tomato ..
3 cloves garlic
1 medium size potato
1/4 cup mix vegetables (carrots,corn and green peas)
1 piece red bell pepper
salt and black pepper to taste
1/4 cup raisin
2 tsp sugar
1 cup water
1 bay leaf
1 small cut of star anise
1/2 tbsp olive oil

use patis para more pinoy ang lasa ..

Paghahanda at Pagluluto..

Ilaga ang giniling sa one cup water hanggang matuyo..
lagyan ng 1/2 tbsp na oil at 2 tsp atsuete powder..igisa at haluin
isunod ang bawang sibuyas at kamatis haluin hanggang magisa at maluto ang kamatis
isunod ang patatas ,mixe vegetables,red bell pepper at pasas
Timplahan ng paminta at 2 tbsp of WORCESTERSHIRE sauce..adjust if like lagyan ng patis asin or toyo..

takpan hanggang sa maluto ang gulay...lagyan ng 2 tsp na asukal at lutuin ng ilang saglit
then ready na ang giniling ..

Magprito ng itlog ,saging at gumawa ng fried rice or use plain white rice..
then arrange in a serving plate and enjoy..


Huwag Takpan ang nilulutong itlog para manatili ang dilaw na yolk..

Kapag tinakpan ang pinipritong itlog mamumuti ang yolk 

Pang party presentation


Cooking Video Here..



Sunday, August 9, 2015

Pork Binagoongan

Another Filipino all time favourite dish,,Pork meat cooked in shrimp paste..iba iba ng diskarte ang mga pinoy lalo na when it comes sa kanilang kinalakihan ...
Pagkaing Pinoy nga naman nakakasira ng dyeta..
noong bata ako isa sa paborito ko ang binagoongan lalo na sa beef..
ngayon syempre hinay hinay na lang...ng ang ating katawan ay hindi mapabayaan..







MGA SANGKAP

you can add gulay in your recipe..or just plain pork meat..
i used Pork belly..

535 grams Pork Belly..cut into size you like
1 medium size onion,kamatis at 1 piece red bell pepper
3 busal na bawang (pinitpit)
3 tbsp Bagoong Alamang.(or add as you like ).I used cooked alamang in bottle
1 1/2 cup water
black pepper
2 to 3 tsp atsuete powder
2 tsp sugar
1 bay leaf
a small cut of star anise



Paghahanda at Pagluluto..
1..i washed and cleaned Pork meat ( boiled in enough water in 1 minutes to remove dirt and remove boil water and wash the pork meat..

2..cut the pork meat according sa sukat na gusto at hiwain ang mga sangkap na pang gisa..

3..in a sauce pan..boil pork meat in 1 1/2 cup water .add laurel leaf and star anise..cook until mawala ang tubig,..





4..then kapag natuyo na ang tubig ,iprito ng bahagya ang pork sa lumabas na mantika at igisang kasama ang bawang,sibuyas at kamatis..haluin bahagya at lagyan ng sapat na dami ng bagoong..
saka ihalo ang siling pula ,timplahan ng paminta at kaunting asukal..lutuin ng ilang minuto 

Then luto na...then serve in a serving plate and enjoy..garnish with siling labuyo or sprinkle with siling pulbos or cayenne pepper for spicy flavor..






watch video cooking here..






Monday, August 3, 2015

Pakbet with Sabaw

Pinakbet na medyo may kaunting sabaw at medyo labog na gulay..
i like half cooked veggies pero i just want to reminisce my childhood days kung paano kami lutuan ni nanay ng pakbet na parang sinigang na pakbet .alam nyo ,kapag marami kayo sa pamilya kailangan ,idea sa pag papadami ng ulam...right?



Ingredients is as always..
adding seafoods or meat is depends on you..




i use pork chop (2 pieces) wash and clean or blanch or boil in a minute kung worried kayo sa dirt
1 medium size ampalaya
1/4 kilo of kalabasa
12 pieces okra
1 large size talong
1 medium kamatis and onion
3 cloves crust garlic
some cooking oil
4 cups water or broth you like (pork fish or beef)
some bagoong alamang/cooked or raw..
paminta and patis
i added a bit suka / optional



Paghahanda at Pagluluto
wash and cut the veggies according to size bites you like

TIPS-to lessen the bitter taste of ampalaya,kayurin ang puting parte sa gitna ng spoon ,makakabawas ito sa pait...or sit in salt for 15 minutes and rinse it..

iprito ang pork sa kauntin g mantika
isamang igisa ito or set aside,at ihalo ang meat later..
then igisa ang sibuyas bawang at kamatis...lagyan ng sapat na dami ng bagoong na gusto at lagyan ng 4 na cups na tubig...



ihalo ang mga gulay at lutuin sa mahinang apoy..lutuin ng medyo labog ang gulay..
takpan ng bahagya..
ayusen ang timpla ,patis ,paminta or more bagoong..
then ready to serve na..enjoy..









Sunday, August 2, 2015

Beef Sinigang

Comfortable food ng mga Pinoy..Maasim na sabaw ng sampalok..
pork,beef,chicken shrimps pa or fish ..kahit ani pwedeng isigang..
mayaman o mahirap sinigang is the best..





This time,I used Beef chop sliced ( malambot ang part na ito) and beef ribs ( to make bone broth)
soup for healthy bone,,




Ingredients
1 sliced beef chop usually use for steak
5 beef ribs
45 grams tamarind na hinog
1 bunch of water spinach/kangkong
1 medium size onion
1 large size tomato
1 red bell pepper
labanos /white radish
sitaw or green beans
talong /eggplant
salt .black pepper at patis/fish sauce
2 tsp cooking oil
6 cups water
2 siling labuyo or pampaksiw

add okra,taro root/gabi ,mustasa ,puso ng saging ,sigarilyas,bataw .patane ..anything na bagay sa sinigang is okay..sometime i have to add saging na saba..kaso no stock eh

PAGHAHANDA AT PAGLULUTO..
1.As always,i have to remove pink slime in the beef,kaso alam natin di naman fresh ang beef sa market at hindi na ito mapula,which is coated with something chemicals..and we don't want to put it in our mouth..

2.I boil the beef in enough water to cover it..about 2 minutes para maalis ang dirt ..then itapon ang tubig at hugasan sa malamig na tubig..ready na..

3.and i have to saute garlic and ginger in 2 tsp oil until fragrant..or derecho nyo ng ilaga if you're nagmamadali..matrabaho nga naman mag gisa..
just to give aroma to the soup kase ang bawang and garlic,to make alis lansa den..

4..then sa isang kasirola with 7 cups water ,ihalo ang ginisang bawang at luya.adding the beef ,sibuyas at kamatis
bring them to cook for about 40 minutes to tender or depends sa beef na lulutuin nyo..


5..if beef is tender ,add the veggies and the sampalok ,season it with salt patis at paminta..
cook veggies in 10 minutes or more, kung gusto ng half cooked or depende sa type nyo.then last is
kangkong ,para crispy.cook another.3 minutes then ready na.
add siling maanghang kug gusto ..










...in Cavite or sa bahay na kinalakihan ko lang..we usually added red bell pepper in sinigang..tatay ko kase malimit mag luto ng sinigang ,ewan ko kung bakit pero bagay at masarap naman ,masustansya pa..



Monday, July 27, 2015

Paksiw na Pork Feet

Collagen Recipe , food for your bones at sa may mga mahihinang tuhod pangdagdag collagen sa inyong mga joints..






SANGKAP
1 pork feet cut into halves..cooked in pressure cooker or slow cooker
6 cloves crusted garlic
some bulaklak ng saging
some black pepper corn
dash of pamintang durog
6 cups water (add as it needed)
1/2 cup vinegar
1/4 cup soy sauce
1/4 cup sugar or honey
salt or patis

adding laurel leaf or star anise is good den ..

Paghahanda at Pagluluto..

1.boil pork feet in 2 cups water in 2 minutes ..then itapon ang tubig at hugasang mabute sa malinis na tubig,,

2.maglagay ng 6 na cups na tubig sa kasirola at pakuluan sa mahinang apoy ang pork feet..
(at least 2 to 3 hours)or depende sa kasirola at kalan nyo ,or dami ng lulutuin

3.kapag naubusan ng tubig dagdagan..at timplahan ng suka paminta bawang suka at bulaklak ng saging..lutuin ulit sa mahinang apoy ng mga 1 to 2 hours

4.lagyan ng honey or asukal..lutuin ng ilang minuto,tikman at adjust the seasoning ,like patis.
then ready to serve na..

enjoy your collagen recipe..mentras lumalamig makikita nyong nabubuo ang jelly ng paksiw ..yun po ang collagen na need para sa healthy bone .




Enjoy..

Chili Cream Cheese Stick

Chili Cheese Stick
Yes..parang dynamite stick kaso i added giniling and cream cheese
and i chopped the chilis at hinalo sa giniling ,at saka binalot .
kung gustong maanghang use jalapeno or yung sili na pangpaksiw,i used sweet green chilis so hindi maanghang..ang sustansya na lang ang habol ko ang makakain pati bulinggit sa bahay..





Ingredients




246 grams pork giniling
9 green chilis
cream cheese sliced
1 small size onion
1 piece of red bell pepper
some kinchay or celery
salt and pepper to taste
soy sauce (adding what seasoning you like is okay )
..like mirin,oyster sauce and so on )
1 tbsp flour
2 eggs
lumpia wrapper

For the crumbs
Bread crumbs
1 egg
cooking oil



Paghahanda At Pagluluto

Paghaluin ang lahat ng sangkap bukod sa cheese , mantika..at lumpia wrapper
inilagay ko sa freezer ng ten minutes bago ito ibalot sa wrapper..

 Then ibalot sa lumpia wrapper...maglagay ng sapat na dami ng ginling at ipatong ang cream cheese tulad ng nasa larawan..isama ang pinutol na ulo ng sili or alisin na lang.

 ilagay muna sa freezer ng ten minutes ,para tumigas ng kaunti ang wrapper at para madali itong iroll sa crumbs ,

Then ilubog sa itlog at igulong sa bread crumbs

At iprito sa mainit na mantika..baligtarin kapag luto na ang ilalim..
ilagay sa isang kitchen paper..palamigin ng bahagya then slice and serve


Slice to see the inside
make your own dipping sauce..ketchup version ,mayonnaise,vinegar or japanese tonkatsu sauce..

I made my own Sweet Sesame Mayonnaise dipping sauce..
2 tsp ground sesame seed
2 tsp sesame oil
3 tbsp mayonnaise
1 tsp ketchup
1 tbsp sugar
black pepper
garlic powder
onion powder
1 tsp soy sauce
1 tbsp Tonkatsu sauce

Paghaluin lang ito at adjust kung anong gustong idagdag







VIDEO COOKING here..