Search For the Recipe

Thursday, December 4, 2014

Arroz caldo ( Lugaw ) with carrots and potato

Dahil umuulan sa Japan,Nagluto ako ng lugaw ,bagay na bagay kapag ganitong malamig ang panahon..may partner pang tokwa at manok na nilitson sa oven toaster ,,

Ang lugaw na aking niluto ay hinaluan ko ng carrots at patatas,para naman maenjoy ng mga bata ,dahil malungkot ang kulay ng lugaw...





Mga Sangkap...


1/2 cup glutinous rice
2 cups cooked rice ( kanin)
300 g. chicken with bones.
1 medium size onion..chopped
3 cloves garlic chopped
1 medium size ginger thinly sliced ..mas maraming luya mas masarap
2 tbsp cooking oil
salt and black pepper
patis or fish sauce
1 tbsp vinegar ( my version )
1 medium size potato ..sliced in small size
some carrots cut into small cubes
enough water ..7 to 8 cups

Pandagdag sa lugaw 
Toasted garlic
garlic chives or green onion
lemon or kalamansi
boiled egg

At tokwa't baboy ( i made TOKWA't MANOK )



Pagluluto..
1.Lutuin sa kasirola ang 1/2 cup na bigas sa 2 cups na tubig..kapag kumulo ng isang kulo..ihulog ang manok..takpan at lutuin ang manok ..10 minutes or more..

2.habang niluluto ang bigas. Sa isang kawaling may mantika igisa ang luya
...lutuing mabuti ang luya bago ilagay ang sibuyas at bawang..

3..Balikan ang nilalagang bigas...ihulog ang cooked rice .add 2 cups water ..at ihalo ang ginisang luya bawang at sibuyas...
haluin at takpan...

4.Ihalo ang carrots at patatas timplahan ng patis asin paminta at ihalo ang bulaklak na pangkulay sa lugaw..

5..lutuin sa mahinang apoy,lagyan ng tubig kung kinakailangan...

6.Kapag luto na.haluan ng 1 tbsp na vinegar at patis para sa huling timpla..
Ihulog ang nilagang itlog kung gustong lagyan..at ihain sa isang bowl at ready na ang mainit na lugaw..

enjoy ....




Video is under construction...
bye bye muna...

No comments:

Post a Comment