Search For the Recipe

Monday, February 3, 2014

Gawa tayo ng "NILUPAK"

Gusto nyo ba ng Nilupak?
May hindi kaya nakakakilala sa Nilupak? Basta ang alam ko paborito ko ito noong bata pa ako..
Of course until now,masarap itong papakin ..At simple lang itong gawin kung sisipagin ka.

Noon o kahit pa ngayon,Ang tradisyon ng paggawa nito ay binabayo sa isang bayuhan(Lusong ba tawag dun).kaso matrabaho nga lang yan,
At dahil nagiging malikhain na ren ang tao ngayon( high tech na pati utak ) ,kahit anong paraan makakain lang ay ginagawan ng paraan..


Noon, ang kilala kong nilupak ,ay yung nakaumbok na parang bundok , umuuka doon gamit ang kutsilyo ,at ilalagay sa dahon ng saging ,papahiran ng margarine..ganon nga at dun mo hahabhabin..tama po ba ako.? he he he..yummy.

At dahil home made nga ,simpleng paghahanda lang ang gagawin dito at walang bayuhan na gagamitin..
Gagawa tayo ng individual portion na..






Mga Sangkap Syempre...





Cassava ( Nilaga na kamoteng kahoy)..di ako sigurado na masarap ang powder nito lol.
...You can substitute GABI ,yung huge size na ginagamit sa halayang ube..okay siya.

Saging na saba ,Nilaga na at binalatan na..( Huwag masyadong hinog na saging ,medyo matigas pa dapat) kailangan nitong durog na durog or depende sa trip yung pag dudurog ..you can use electric tools like food processor ..ako cup mug lang hahahhh"

Condensed Milk adjust your taste na lang
Fresh Grated Niyog or kung gagamit ng desiccated niyog,iisteam ito para lumambot.or kahit wag na ren ,,

A little sugar if needed lang
margarine or butter.

Paghahanda...

Pagtyagaang durugin ang nilagang cassava at saging gamit ang kamay,natural malinis na kamay at maaring gumamit ng matigas na cup mug para sa pagpitpit ng saging..tulad ng nasa larawan.

Hindi naman ito kailangang pinuhin, kailangan lang na madurog .mas okay kung papaste at smooth kaso nga di naman ito inenegosyo basta makakain lang ng nilupak..kahit paanong ad ad o pag dudurog nasa sa inyo..



Kapag nadurog na ang cassava at saging..
Paghaluin ang dalawang sangkap.Ibuhos ang 1 cup condensed milk, 1/4 cup melted butter at 1 cup na fresh niyog..at paghaluhaluin ito.


Ang sukat o dami ng cassava sa saging ay mas marami dapat ang cassava
Halimbawa 3 cups ng mashed cassava at 2 cups na saging..or more cassava .adjust na lang according sa trip nyo..he he he..
Bawal makulit +.+ ako lang yung makulit hahahhh charr"

FOR QUICK VIDEO MAKING NG NILUPAK...






  Ayusin ang timpla kung gusto ng matamis , mabutter o maniyog..ang timpla ay nasa inyong palad,lol

Then imbitahan ang mga kasambahay,maghugas ng kamay at magkanya kanya ng gawa ng nilupak,tulad ng nakikita sa larawan..at pahiran ng butter o mantikilya..

ANG DALI LANG DIBA!...

LET's NILUPAK PARTY...yeii..!






.....


ENJOY.....
MATA NE!!!......

No comments:

Post a Comment