Kinagisnan natin itong tawaging BISTEK na dapat ay Beef Steak.Palibhasa ay lutong tagalog pati pangalan naging tagalog ..lol
Simpleng rekado, simpleng luto..may masarap ng BISTEK ..mainit na kanin lang ang katapat nito. he he he..
Nang matuntong ako ng Japan , dito ko lang napag alaman na ang orihinal na beef steak ay isang maluhong pagkain,( Inosente ang lola ) at syempre , depende sa klase ng karne ,at depende sa restaurant na pupuntahan. wow!...ito pala ay mamahaling pagkain..
At ang bonggang beef steak , di lang maarte ,puno ng gulay sa plato at makulay ( Healthy Siya)
At pati pagluluto maarti ren siya which i like naman.,kaso kailangan na half cook daw,yukk may ganun pala! At mamulamula pa yung loob which ayoko..ha ha ha..takot ako dyan..
Anyway,ano pa ang luto diyan ay kayo naman ang kakain,basta ba nagiingat kayo sa calories eh okay lang yan..ho ho ho..
Dito na muna tayo sa Bistek Pinoy...
SIMPLENG REKADO NG BISTEK..
Pulang Sibuyas 1 large size,sliced
300 grams beef ,yung di palambutin..sliced na.
1/4 cup water adjust if want
1/4 cup lemon juice or kalamansi
3 tbsp soy sauce adjust if want
black pepper and a little salt
cooking oil
a pieces of garlic
Kung Gusto ng QUICK VIEW NG VIDEO COOKING..
Continue cooking...
We don't need to marinate the beef..
And this is the way how i cook bistek..masarap ang ganitong pagluluto kesa yung imarinate..
PAGLULUTO..
Budburan ng paminta at kaunting asin ang Sliced beef
( Kung matigas ang beef na nabili ay hindi maaring gawin ang ginagawa kong luto sapagkat matigas ang kalalabasan ng inyong bistek) maari nyo itong ilaga muna or gumamit ng pressure cooker,( so kung bibili ng beef for bistek make sure na malambot ito)or makakatulong den ,kung pupuk pukin muna ang beef ng parang tapa para maging manipis..
Sa isang mainit na kawali,maglagay ng 2 tbsp of olive oil /or any cooking oil.iprito ang sliced beef kasama ng kaunting bawang/optional.
Iprito ito na parang tapa ,at kung sa palagay nyong naprito na ,hinaan ang apoy .
At isahog ang mga hiniwang sibuyas,magtira ng pang garnish..igisa ang sibuyas kasama ng beef.
Ilang sandali patayin muna ang apoy,( maaring iderecho, ngunit iwasan lang na masunog , dahil papait ang inyong bistek) at isunod ang kalamansi o lemon juice,kasunod ang toyo or soy sauce..haluin itong mabuti ..then isunod ang tubig ..at maari ng buksan ang apoy.
Kapag kumulo na ang tubig na nilagay,ayusen ang timpla at lagyan ng 1 tbsp na olive oil...
at luto na ang BISTEK..yummy
lemon juice |
soy sauce |
water |
olive oil |
garnish |
MATA NE!!!!....
No comments:
Post a Comment