At ang tamang pagluluto ng Teriyaki Chicken..
Teriyaki Chicken is not a marinating process..Teri means glaze or the shine of sugar .
Yaki means to fry or to grill ,oven or by pan.
Usually ang nilulutong teriyaki is manok,yung thigh part na medyo may fats..
At ang TERIYAKI originally ay walang ginger na nilalagay,coz there's another version of this, tawag dito ay SHOGAYAKI..shoga means ginger ..yaki means fry or grilling..usually pork ang ginagamit dito not chicken...
Dahil sa pag-unlad ng mga bansa ,ang mga tao ay nadagdagan ng talino at naging malikhain sa lahat ng bagay..maging sa pagluluto..so ang teriyaki kumalat sa buong bansa,,may kanya kanya ng version at mga style..
marami ang nag mamarinade nito bago lutuin..some are adding more chili powder or garlic powder,at ang karamihan na nakikita ko ay ginger...pero anyhow lahat tayo ay may style and it's our freedom of choice and our taste whatever seasoning pa ilagay diyan...lol
Bagamat alam ko na ang pagluluto ay may kanya kanya o ibat ibang istilo at panlasa..ituturo ko ang una kong natutunan na pagluluto ng teriyaki..but of course,kahit ano pwedeng gawing teriyaki..he he he..
FOR a QUICK VIEWING of the Recipe cooking..
At wala pong Teriyaki Sauce,ang Teriyaki ay ang glaze sauce sa manok habang ito ay niluluto.,dahil ito ay yung mismong asukal toyo at mirin ,ginagawa ang caramel sauce habang niluluto ,na kasabay sa manok at iyan ang tinatawag na Teriyaki ..Mirin (is a kind of rice wine na sweet ang timpla)..may nabibilhan mang Teriyaki sauce ....iyan ay isa na lang business at para sa madaliang pagluluto na ren o di alam ang paggawa ng timpla ng teriyaki..(kaya may nabibiling sauce)
anyway ...ganun na nga lol
Mga sangkap..
depende sa amount ng chicken..
i used 350 g..mahigit na chicken thigh..Huwag gagamit ng walang balat o taba ng manok..
3 tbsp sugar
3 tbsp soy sauce
3 tbsp Mirin
black pepper to taste and adding garlic or ginger powder is according to your taste
Kailangan ng 2 kawali sa pagluluto ng teriyaki..but kung gusto ng isang prituhan is nasa san inyo.i'm just sharing the way i know .
Pagluluto...
Gumamit ng non sticky frying pan.
Linisin ang manok..at magpainit ng kawali
Kapag mainit na ang kawali,iprito ang manok ng walang mantika..unahing iprito ang may balat na parte
Cook the chicken until nice and crispy..mas pritong prito mas okay.
Alisin ang unwanted fat or oil,gumamit ng kitchen paper..
When you think it's look nice and crispy.....sprinkle ,with 3 tbsp of sugar..
then caramelize the sugar...should be low heat to avoid burnt..
Hawakan ang kawali ,pataas at alug alugin ng di masunog..is another way
Kapag nacaramelized na ang sugar,Ibuhos ang
soy sauce and Mirin...Lutuin ito ng mabilisan dahil mabilis itong masunog..
Igalaw galaw ang kawali habang ito ay niluluto..Hindi ito dapat niluluto ng matagal ,Mga ilang segundo lang ito ay maari ng patayin ang apoy..
...Patayin ang apoy at hanguin ang manok para hiwain and then lulutuin ulit sa isang malinis na kawali
ng pacrispy uli..
matrabaho pero yun ang tamang pagluluto.
Hiwain ng pahaba at iprito ulit sa kawali..hindi tayo gagamit ng mantika dito kundi ipriprito ito sa sariling mantika..
ant hayaang maging crispy..
At kung okay na...ready to serve na ,.....Yummy !
You can garnish it with chives,any green leafy things..or sesame seed
i added black pepper,chili powder and garlic powder ..para sa pinoy taste
or just pour the remaining sauce..
Enjoy.,..
..Salamat .....
No comments:
Post a Comment