Search For the Recipe

Tuesday, January 7, 2014

Paano Gumawa ng Cassava Espasol

Marahil marami sa atin ang nakakakilala na ang Espasol ay gawa sa malagkit na bigas..
Ngayon ipapakita ko sa inyo ang pinakamasarap na timpla ng Espasol.
Ito ang Cassava Espasol









Mga Sangkap..

Maramihang luto ang sangkap na aking ginawa.
bawasan ang dami kung kaunti lang ang lulutuin..

1 kilo grated cassava
1 1/2 cup wash sugar  ( adjust according to your taste) matabang akong magtimpla.
1 1/2 cup coconut milk
1 1/2 cup water ..adjust if needed

1 1/ 2 cups rice flour( para sa binusang rice flour)..dito pagugulungin ang espasol



you can add minatamis na macapuno ,langka ,latik para mas masarap at espesyal.

FOR QUICK VIEWING of Video cooking ..


First Step....
   in a cooking pan na paglulutuan (non sticky if maari)
Ibuhos ang grated Cassava at ang asukal
then haluin ito..( Wala pa ito sa kalan)


Ibuhos ang tamang dami ng coconut milk at ng tubig..kung fresh cassava ang gamit ,kailangang lagyan ng tubig para maluto ang hilaw na inad ad na kamoteng kahoy..

Pag haluhaluin ito at isalang sa kalan sa tamang lakas ng apoy...


HALUIN NG HALUIN NA PARANG NAGLULUTO NG KALAMAY 


Parang gumagawa kayo ng PASTE.( pandikit sa papel )
Kapag sa palagay nyo ay parang hilaw pa ,maari itong lagyan ng kaunting liquid habang niluluto.


Obserbahan ang niluluto para nalalaman, kung ito ay okay na...Ang namumuting Cassava ay sign na hilaw pa..Kapag medyo nagiging malinaw o parang paste na ,malapit na itong maluto

Kapag ito ay namuo at kumakapit na sa sandok ,ito ay sign ng luto na..iwasan itong masunog..



 Ilipat sa isang lalagyan o hayaang lumamig na lang sa kawali.



 ILATAG ANG BINUSANG RICE FLOUR...At humulma ng cassava kalamay at ipagulong gulong sa pulbos..
Gumamit ng dahon ng saging para madaling makagawa ng stick size espasol..or roll it by hands..


And then repeat the process.....ENJOY YOUR CASSAVA ESPASOL..








Ang nilutong Cassava Kalamay ay maari reng gawing PICHI PICHI..
make a one bite ball size and flat it in then budburan ng fresh grated coconut ..may pichi pichi na kayo..

enjoy./.

VIDEO FOR MAKING of Pichi Pichi