Search For the Recipe

Friday, January 31, 2014

Sotanghon Soup with Patatas

Yummy with patatas pa..





Recipe is katulad ng alam nyo,may dinagdag lang na sangkap..ang patatas

Ingredients.3 to 4 servings

Rice noodles or Sotanghon..Mga isang dakot ang dami..blanch para maalis ang plastic wax na coated sa noodles
Chicken meat..200 grams okay na siguro.
Gulay,you can use any green veggies you like..i used pechay baguio..(like Bitsuelas,Cilantro or kinchay,etc)
Minced Garlic ..1/4 cup..or isang buong ulo ng bawang..
Minced onion.
kaunting hiniwang luya/optional
kaunting hiniwang carrots
2 large Potato , sliced into cubes pieces
Soy sauce
Salt and pepper to taste
Atsuete powder /pangkulay
Cooking oil

Pagluluto..



Hiwain ang mga sangkap


Ang hilaw na sotanghon ay ibabad sa tubid ng ilang minuto at kapag malambot na buhusan ng mainit ng tubig,hugasan at salain para maalis ang plastic wax na nakabalot sa noodles..not healthy po kase iyon..itabi muna ito..


Pakuluan ang manok sa 2 cups na tubig,if possible ang unang kulo ay itapon dahil marumi po ren ang manok,ang pangalawang tubig ay gagamiting sabaw sa sotanghon soup..3 cups or more according sa dami ng manok..pakuluan at palambutin,

Kapag luto na ang manok,hanguin ,palamigin at himayin/or hiwain.at itabi muna ang chicken broth.


Gumawa ng atsuete oil at igisa ang bawang dito ,then itabi or maari ng iderecho rito ang pagigisa ..magtabi ng toasted garlic for garnish toppings.


Igisa ang mga sangkap sa kaunting mantika..
Luya,bawang .sibuyas...carrots, manok,sotanghon ,gulay at patatas..
or according sa style ng inyong paggigisa..



 Timplahan ng kaunting toyo,patis at paminta..maaring lagyan ng pangpaanghang..At ibuhos ang chicken broth ..takpan hanggang sa maluto..



Para medyo madilaw o makulay ang sabaw ng sotanghon.huwag kalimutang lagyan ng atsuete oil


Then ready for plating ang mainit na sotanghon soup na may patatas...
ENJOY..