Search For the Recipe

Monday, February 9, 2015

Pan de Coco


Pinoy Style Bread with Bukayo filling ( Bread with Sweet Grated Coconut )
Tinapay na may minatamis na niyog sa loob..








Pagkaing hindi ko malilimutan , naging meryenda ko after ng school,may tubig ka lang busog ka na.

Baka namis nyo lang ..

Ingredients..
6 pieces bread buns

160 grams all purpose flour
3/4 tsp of instant yeast( kulang kulang 1 tsp)
1 tbsp sugar
26 grams egg beaten and for wash egg
75 cc water
15 grams butter
pinch salt

Tools na makakatulong sa pagluluto ng bread.
SCRAPER
WOODEN SPOON
DAMP CLOTH

Baking time..10 minutes.
Preheat Oven in 210 degree celsius


Para sa 12 pirasong Pandecoco ..Double the ingredients .

Paghahanda...
Paghatiin ang arina sa 2 portion.
Sa dalawang mixing bowl ilagay ang hinating arina .


Sa unang Bowl na may 1/2 portion ng arina..
Ilagay ang yeast at asukal sa itaas ng arina ( magkatabi ang yeast at arina)
sa ibaba ng arina ,ilagay ang itlog

Sa ikalawang Bowl na may 1/2 na arina
ilagay ang butter at asin...set aside

Back to the 1st Bowl
ibuhos ang tubig , mismo sa yeast at haluin para matunaw kasama ng asukal
At saka haluing lahat kasama ang itlog (gumamit ng wooden spoon )
Haluin ito hanggang mabuhay ang yeast...(continue stirring ) obserbahan ang hinahalo.

Then ihalo ang second bowl na arina..at haluin itong mabuti..
Kapag wala ng ang arina..ilipat sa hapag para ito masahihin (Dough Kneading )
Makakatulong ang SCRAPER sa pag mamasa ..


Masahihin nyo ang dough na parang NAGKUKUSKOS ng Damit..
Taas baba..Paulit ulit Hanggang Mawala ang Lagkit..
(NO DUSTING ...Wag mag lalagay ng extra Flour..)


Ang Left hand ang taga Hold ng Dough Habang ang Kanang Palad ang KUMUKUSKOS SA DOUGH..




Kapag Namumuo na ang dough at hindi na malagkit..
Imassage ito ng Dalawang Kamay ( GAMIT ang PALAD )  V massage..Left and Right
( maybe 30 times)


Left and Right ..Igulong gulong sa dalawang Palad ..Paulit ulit..Hanggang Maging Smooth ang Dough


Kapag Elastic na ..Bilugin ito at ilagay sa bowl


Isara ang ilalim ng dough 

Takpan ng plastic wrap..
Rest the Dough for about 30 to 40 minutes hanggang umalsa ito..


Place the dough in a Warm Place..If possible mga 40 degree ang init..


After a minutes...Finger Check kung umalsa na...Yung hintuturo lagyan ng arina at itusok sa gilid ng dough..
Kapag Hindi bumalik ang tinusok ,means okay na ang Alsa..


Cut the dough into 6 pieces ..using a dough Scraper
then roll it in a ball
takpan ng damp cloth para di tumigas.

Then rest another ten minutes Takip ang damp towel


After ten minutes..Ilabas isa isa ang mga binilog ..Pipiin ang bilog na dough
para ipalaman ang ginawang matamis na Niyog..


Pipiin ng medyo makapal na umbok sa gitna at manipis sa gilid..

Ilagay sa Baking Tray na may sapin na parchment baking sheets..
pahiran ng oil para di manikit..
Gilitan ang buns kung gusto ng design o hayaang bilog lang..


Then rest again for about 25 to 30 minutes...cover it with damp clothes..place it in a warm place..
at saka pahiran ng itlog at ready to bake..

Pahiran ng egg wash


At budburan ng Poppy seeds..

Then Bake for 10 Minutes..

210 Degree Celsius..
Kapag nag 3 minutes na..Baligtarin ang Tray position..para pumantay ang Luto ng bread..

Then Enjoy the PAN DE COCO..






FOR VIDEO TUTORIAL...



Bye bye...