Search For the Recipe

Tuesday, June 16, 2015

Adobo Gyudon

Do you like to eat Japanese Food ?
how about Gyudon? kilala nyo ba ang totoong lasa nito..? Manamis-namis na katamtaman  lang ang alat sa timpla ng toyo..kala mo teriyaki pero hindi naman..


Adobo Gyudon Jaraannn...'





Ang Gyudon ay isang Beef meat ,sliced thinly usually mga reject na beef meat ,maninipis 
at kung sosyal ka gagamitin mong beef is yung first class which is kalimitang ginagamit sa Sukiyaki or Shabu Shabu..of courrse pati presyo ay sosyal.

Anyway,Gyudon is made of beef ( Gyu means Meat ng Beef ) at DON means bowl ,in short when you heard the word DON in a meal..yun po ay RICE BOWL.like TEN DON..Ten is short ng TEMPURA ..hindi si ding don..hahahh joke..

Anyway again.Gyudon is lasang manamis-namis na nilaga sa toyo ng hapon (kikoman soysauce)
Tinimplahan ng Fish Broth or Dashi ,sabaw ng isdang tuyo (tulingan ,mackerel or dilis)
nilalagyan ng Kombu ( dried sea weed po ito) at may ASUKAL NA HALO kaya tumatamis..
At dahil may instant na nga,.nabibili na ito sa pake pakete , FISH BROTH ( dashi kung Tawagin)

Kalimitang halo nito ay KONYAKU noodles,parang sotanghon ang image but rubbery chewy ang texture,its a kind of root craft naka formed sa noodles style..healthy po ito ..

May naglalagay ren ng Tofu dagdag sa gyudon,dekorasyon na ren ,itlog na hilaw or boiled,Pickled Ginger ...

Kalimitan sa mga murang Restaurant lunod lang ito sa SIBUYAS at babad na babad sa Soy sauce na tinimplahan ng dashi at asukal..ewan kung nagamit sila ng betsin (msg)

Anyway ulit...Yung GYUDOn ginawa kong ADOBO ang timpla na may kaunting sugar..
in short SWEET ADOBO po ang gyudon na niluto ko for my unica hija..haveyyy hehehh

INGREDIENTS...

300 grams Sliced beef thinly..any part basta hindi palambutin...
1 large white Onion..sliced lang parang sa bistek but not circle
ilang piraso ng pinitpit na bawang...more bawang is mas adobong adobo..
1/4 cup Vinegar
1/4 cup Soy sauce
2 tbsp sugar .lessen or add more is up to you 
1 cup water 
2 tsp olive oil or sesame oil
Pamintang durog (madaming taktak ) 
1 small piece of star anise /optional 
1 bay leaf if mayroon( wala kong laurel so i used all spiced seasoning ,a dash only )

PAGLULUTO

Sa isang kawali or kasirola
Pagsamasamahin ang sangkap..at Pakuluan lang hanggang maabsorb ang sauce sa beef..
haluin minsan.   lutuing mabute ang onion para mas masarap..
.check  nyo ang lasa..adjust then thats all..



ADOBO na,,at ipatong lang sa ibabaw ng RICE..
may Gyudon na adobo na.
bagay ito sa kimchi if mayroon...promise..'
bibimbap na ang dateng hehehhh

garnished with toasted sesame seeds...red pickled ginger .and green chives 

daughter's lunch before going to school..gyudon,with tomato salad,coffee jelly ,sweet beans ..





ENJOY...
no video now ..picture lang..next time na lang heheheh