Search For the Recipe

Monday, September 8, 2014

Pagluluto ng Sampaloc Candy (Tamarind Sweet candy)

Pinoy Tamarind Candies and my version,
Naaalala ko noong ako nasa elementary pa ,kapag oras ng recess masarap magngatngat ng champoy na sampalok .ginawa nyo ren ba? .kahit anong asim banat,
At sa lugar ko naman sa Cavite ,noong kapanuhan ko pa ,hehehe,
Sa lugar namin kakaunte pa ang mga bahay ..ganun na nga sigurado kong organic pa mga halaman ..at di katulad ngayon na halos ganyang ka polluted .
kahit alitaptap o tutubi di mo na nga makita..noon nga kase maraming pang halaman at puno ,malinis ang mga tubigan ,may mga kuhol pa ..ngayun ? ewan ko na lang..at ang mga palayan ngayun .halos ay naging subdivison na..nakakamis ang mga kabataan ano?
at yang puno ng sampalok ,sinsugod naming sungkitin yan at minsan syempre ,namumulot ng bagsak na sampalok..heheh .libre snack +.+
Ginawa nyo ren di ba?




Anyway.ang pag luluto ng sampalok candies ay may ibat ibang klase,at minsan nasa kinalakihan mo o paano itinuro sa yo ng magulang mo or kung itinuro ba sa school nyo..

Sa akin naman,mismong lola ko na inang ng nanay ko ang nakitaan ko ng pagluluto nito..
na syang sinundan na lang ng nanay ko..ewan ko sa iba..

Mga Sangkap

1/2 kilo Sampalok na Hinog....
2 cups muscovado sugar
2 cups na mashed Kamote..(Sweet Potato) para bawas asim..
1 cup na tubig
asukal na puti para dito igulonggulong ang nalutong sampalok jam
asin.
pambalot na cellophane

Hinog na SAMPALOK made in Thailand

MASHED KAMOTE


Maaring paghaluhaluin lahat ng sangkap ,gamit ang kamay ..syempre yung malinis...yan yung nakita ko noong akong bata pa..na ginagawa sa amin..

Yung proseso ko iniba ko lang ngunit ganun den ang resulta...






At marahil madami ang nalutong kong Sampalok candy, ginawa ko na lang siyang sampaloc Jam...

Watch Video cooking Here...