Ang katsudon ay kilala na ren sa ating lugar,bagamat, hindi ko pa ito natitikman ,kung ano ang timpla.
Ngunit ang lasa nito sa Japan ay manamis namis na medyo masoy sauce , kahit sino maaring magustuhan ito.
Kaya nga lang,bago makagawa ng Katsudon,kailangan nating gumawa ng Tonkatsu..
kaya ang paggawa ng katsudon ay medyo mabusisi,sa ibang gusto ng short cut recipe nito,may bumibili ng luto ng tonkatsu at pati sauce may ready na reng nabibili,instant na lahat lol,at saka gagawa ng katsudon..
Yung mga tinatamad naman ,bumibili na lang ng luto ,dahil nagkalat nga dito ang mga ready to eat food..o kaya ay kumakain na lang sa restaurant...yaii..+.=..mas easy he he he..
Para masaya gawa na lang tayo ng homemade Katsudon..
just follow me..
For Quick Video of this Recipe
Mga Sangkap..for making TONKATSU
Sliced Pork Belly 2 piraso
1 egg for tonkatsu
Bread crumbs
Plain Flour
salt and black pepper
Cooking oil for dip frying
tusukin ng tinidor ang meat at gilitan ng kaunti , budburan ng asin at paminta..iwasan na basa ang pork meat..
igulong sa arina at sa binating itlog,make it 2 times..
then tabunan bread crumbs ang meat..at lutuin sa mainit na mantika..
KATSUDON ingredients...
1/4 cup soy sauce /kikoman...
1/4 cup mirin/sweet rice wine
1/4 cup water
1 tbsp dashi /fish stock
1 tbsp brown sugar
sliced white onion..medium size
green peas/garnish
Let's arrange in Pinoy version..
1/4 cup ordinary soy sauce.
2 tbsp light vinegar
1 cubes of chicken broth
2 tbsp brown sugar
sliced onion ,don't use red onion
green peas,,for garnish/optional
1/4 cup kikoman soy sauce,1/4 cup mirin.1 tbsp fish stock.1 tbsp sugar,1/4 cup water |
Pakuluan sa mahinang apoy ang sauce at ihulog ang hiniwang sibuyas..
Ipatong ang hiniwang TONKATSU...
Ibuhos ang 2 binating itlog sa ibabaw ng niluluto..at lagyan ng ilang grean peas..
takpan at lutuin sa pinakamahinang apoy,hayaang medyo mabuo ang itlog,ingatang di masunog ang ilalim..
then ENJOY !!!..yummy.