Search For the Recipe

Tuesday, March 31, 2015

Pan de Bonete

We called it Pambonete or Pan de Bonete..in short bonete lang ang tawag namin nito.

Dinner Roll style kaso version nateng pinoy,Simple ang mga sangkap
May mainit na tinapay ka na..masarap ito na kainin ng mainit

Laki akong Panaderya at ito ang pinakamalimit kong kainin bukod sa Pandesal.
binebenta ito ng lolo ko sa gabi ,nilalako ng mga batang estudyante ..sideline ba.
ako naman ay dumudunggit lang pag may luto na,kase nga mas mainit mas masarap,
kapag bagong hango sa pugon, kay sarap ng amoy.

Kaso hindi mantikilya ang nakikita kong nilalagay kunde tulog na mantika  ..
noong bata pa ako kung kumain ako nito grabe papalamanan lang namin ng derikrim ok na..ngayon tikim tikim na lang ..




Ingredients..
Preheat oven to 180 degree celsius
baking time 17 to 18 minutes

320 grams Bread flour
2 tsp instant Yeast
2 1/2 to 3 tbsp Sugar
160 cc Lukewarm Water
1 tsp Salt
50 grams Butter

Double the ingredients to make more bonete..
use stand mixer if making a large amount ..
di kakayanin ng mano mano..


 Makakatulong kung gagamit ng wooden spoon or rubber spatula
damp cloth,cling wrap,bread scraper, at Scale (sukatin ang mga sangkap ng di pumalpak)
at dalawang mixing Bowl..



Paghahanda...

 Sa unang bowl ,ilagay ang 100 grams na harina at ilagay ang yeast at asukal
Sa second Bowl na may 120 grams na harina .ilagay ang asin at butter
tulad ng nasa larawan.


Sa 1st bowl na may yeast at asukal,ibuhos ang lukewarm water at haluin ito ng mabilis para mabuhay ang yeast...2 to 3 minutes,obserbahan ang pagbabago ng hinahalo..



Kapag activated na ang yeast ( medyo elastic na ang batter)
 ihalo ang second bowl na sangkap (harina asin at butter)
Haluin ng wooden spoon hanggang sa mawala ang pulbos at ilapag sa hapag
para magsimula ng pag mamasa ng dough..


Imasa ang dough na parang nag lalaba ,alamin ang tamang pagmamasa ng madali kayong makakagawa ng magandang dough ..ang tagal ng pagmamasa is according sa bawat kakayanan ng isang tao..( kung nahihirapan gumamit ng stand mixer)

TIPS-Para sa basic bread baking 
Hindi kayo matututo ng baking techniques kung aasa kayo sa Machine,bago kayo gumamit ng stand mixer ,kailangan munang matuto kayo ng pag mamasa sa pamamagitan ng mga KAMAY..

At kung sanay na kayo sa pagmamasa gamit ang kamay,maari na kayong gumamit ng stand mixer lalo na't marami ang gusto ninyong ibake na tinapay..

Ang pagsisimula ng bread baking ay nagsisimula muna sa kaunting mga sangkap ..
hanggang sa mag level up ang kaalaman nyo sa pag gawa ng tinapay..

After ng pagmamasa...ibilog ito at ilagay sa bowl ,takpan ng cling wrap at damp cloth..
paalsahin ng mga 30 to 40 minutes..( place it in a warm place na may 40 degree ang init) like inside your oven
(kung 40 degree ang temperatura ng bahay nyo mabilis aalsa ang dough .






After Fermentation
Finger check,lagyan ng harina ang kanang hintuturo at tusukin ang umalsang dough
i punch ng mga 4 to 5 times ,dahan dahan



Timbangin at putulin sa 12 o 13 piraso
gumamit ng scraper sa pag puputol ng dough
timbangin ang bawat piraso at bilugin isa isa,,
After mabilog isa isa,Takpan ito ng medyo basang bimpo at ipahinga ng ten minutes..

Then ihanda ang baking tin,at pahiran ng butter .
gumamit ng muffin tin or cup cake baking tin ..




After ng ten minutes na pahinga..kumuha ng isang piraso ng bilog na dough..Pipiin ng dahan dahan
at muling bilugin  ..gawin ito isa isa ..isalansan ito sa BAKING TIN na may pahid na butter..

Tips - (habang binibilog ang dough isa isa,wag hayaang matuyot ang mga dough ,so, habang ginagawa ito ,panatiliing nakatakip ng medyo basang bimpo ang mga bilog na dough)






Kapag nabilog at naisalansan na sa baking tin...
irest ulit ito ng 30 to 40 minutes para umalsa na sinlaki ng butas ng
baking tin....takpan ng cling wrap then sa ibabaw ipatong ang damp cloth

Huwag kalimutan na paiinitan ang oven 180 degree celsius
bake it for about 15 to 18 minutes..or observe to avoid burnt






Bago kalasin sa baking tin,pahiran muna ito ng Butter then enjoy
serve while it hot..
i like it with kasilyo kaso wala,kaya cream cheese or cottage cheese na lang...








VIDEO TUTORIAL here..










Sunday, March 29, 2015

Tocino Barbecue ( Sweet Pork meat Skewers)

Pinoy Style appetizers
Marinated and Grilled



Ingredients..

Thin sliced of Pork meat 230 grams ( hiwain na gustong laki )
Atsuete powder 1 to 2 tsp
salt and pepper to taste
sugar 1 tbsp
pineapple juice 1/2 cup
ketchup 2 tbsp
paprika powder 1/2 tsp
garlic powder or fresh garlic
soy sauce 1 tbsp



Paghahanda at Pagluluto

Sa isang container na maaring pag babaran ng meat
Pagsama samahin ang mga sangkap at ibabad ng ilang oras..
mas matagal ay mas malasa..iadjust ang timpla according na ren sa inyong panlasa..






Then saka tuhugin ng barbecue stick
at ihawin sa kawali ,parilya or pa oven
Then maari ng ihain
Gumawa ng sawsawan ,tulad ng sukang may sili
or iserve ito kasama ng rice or sinangag..at may atsara na side dish
Syempre maaring pulutanin para sa mga manginginom..
Enjoy..







Tuesday, March 17, 2015

Ampalaya con Carne

Easy Quick healthy and Yummy
Stir frying dish




Ingredients..

150 grams Beef thinly sliced (strips cut)
1 medium size ampalaya ( slice according you like)
1 tbsp Rice Wine
1 tbsp Cornstarch
1 1/2 tbsp Sesame Oil
1/4 cup water and another 1/4 to 1/2 cup water
some ginger,garlic and spring onions
1 tbsp oyster sauce
1/2 tbsp Ketchup
1 tbsp sugar or honey
3 tsp soy sauce/adjust
2 tsp patis /adjust
salt and pepper
cayenne pepper



Paghahanda at Pagluluto
1.linisin at hiwain ang karne ng pa strips cut na medyo manipis .
budburan ng kaunting asin at paminta

2. hiwain ang ampalaya tulad ng nasa larawan or depende sa gustong hiwa..
lamasin sa asin or ibabad sa tubig na may asin ,kung gustong mabawasan ang pait


3..sa isang lutuan,iluto ang karne sa 1/4 cup na tubig  kasama ng laurel leaf at star anise ,hanggang sa matuyo ang tubig..then hanguin
at budburan ng gawgaw ang nalutong beef..

4.At iprito ang karne sa Sesame oil, kapag nawala na ang kulay ng gawgaw,igisang kasama ang bawang luya at sibuyas ( i used spring onion or NEGI)
then add ampalaya

5. Timplahan ng oyster sauce,ketchup.toyo ,paminta ,haluin at buhusan ng sapat na tubig takpan at lutuin.


6.Para sa huling timpla.lagyan ng asukal,suka at patis ...adjust according sa gustong tamis o alat at pati ng anghang..

Serve and Enjoy..






Tuesday, March 10, 2015

Ginataang Ampalaya at Kalabasa

 Para sa Mahilig sa Gata or ayaw ng Ampalaya .
Ang pait ng ampalaya ay mawawala dahil sa gata,subukan ng malaman..



Mga Sangkap

Ampalaya 196 grams..Hiniwa ng malilit (nilamas sa kaunting asin ) maaring banlawan or hindi na
Kalabasa   132 grams..Hiniwa ng Maliliit ( malaki ng kaunti sa ampalaya ) or Menudo potato cut
1 can tuna 52 grams ( inalis ang sabaw )
Sibuyas hiniwa hiwa ng maliliit 40 grams
kamatis hiniwa ng maliliit 63 grams
3 ulo ng bawang ..Pinitpit
2 hiwa ng Luya
Dried Baby Shrimps 10 grams/optional
Bagoong Alamang 2 tbsp
Coconut Milk or Cream 400 ml..
Asin at Paminta
Siling maanghang o siling pulbos
3 to 4 tbsp na cooking Oil







Pagluluto...
Sa isang mainit na kawali lagyan ng Mantika at Igisa ang mga sumusunod Luya Bawang Sibuyas
Kamatis ,Alimasag .Bagoong. Tuna ,Coconut Milk ,Lutuin ng ilang minuto
at ihalo ang Kalabasa at Ampalaya.
Timplahan ng naaayon sa inyong panlasa asin ,paminta at sili..Hayaang Maluto.
at maari ng ihain ...enjoy




Quick Video Cooking here...





Tuesday, March 3, 2015

Chicken Asado ala Peking Duck

Nakatikim na ba kayo ng tunay na Peking Duck?
Crackling ang skin ,at juicy ang fats ng skin..
Dito ko na natikman ang Peking Duck sa Japan,maraming Chinese Restaurant dito at sa China Town magsasawa ka ,yun nga lang"..Mahal syempre."

Kapag sinisipag ,mag imbento na lang tayo..Narito ang Asadong Manok ginawa kong Peking duck .





At hindi ito basta maluluto sa inyong kusina sapagkat ang proseso ay kinakailangan ng espesyal na lutuan..na kung titingnan mo malalim na banga or isang bodega na pugon..he he ..parang smoking ang ginagawang pagluluto at matagal na oras itong niluluto,nakabitin ang mga ito ,parang hamon na pinauusukan sa init..

Date nasubukan ko ng iluto ng buo ang chicken ( deep Frying) para lumutong ang skin,pwede ren ..kesa sa wala..Lahat Susubukan matikman nga lang naman..
So ang Asadong manok ay gagawen kong Peking duck kahit imagination na lang ang totoong Peking Duck..



Mga Sangkap ..
2 pieces Chicken Thigh mga 750 grams
2 tbsp oyster sauce
2 tbsp soy sauce
1 tbsp sesame oil
2 to 3 tbsp brown sugar or Muscovado
salt and pepper to Taste
1 bay leaf
1 star anise
some chopped onion
some chopped garlic
1 cup water or chicken stock

Peking duck Gravy
1 cup Asado Sauce ( left over sauce)
1 tbsp Cornstarch diluted in 2 tbsp water
1 tbsp Sweet Red bean paste ( TENMENJAN)

TENMENJAN ..sweet red bean paste



For the wrap
Lettuce
radish sprout
cucumber
white bread or soft rice wrapper


(making wrapper )Gumamit ng rolling Pin to flat the bread


PAGHAHANDA at PAGLULUTO..

1.Linisin ang chicken at tusukin ng tinidor ang skin part..

2. Sa isang Bowl ilagay ang manok at ilagay ang mga sangkap
soy sauce, oyster sauce, sesame oil, salt and pepper, garlic .onion,sugar
Marinade the chicken at least 30 minutes



3.Sa isang lutuan na kawali maglagay ng isang cup na tubig
lutuin sa mahinang apoy ang binabad na chicken ,20 to 30 minutes..
Ingatan ang skin ng chicken..



4.Hanguin ang manok ( hindi kasama ang sauce)
Maghanda ng isang Tray na pag lalagyan ng Chicken para lutuin ulit sa Oven Toaster
Pahiran ng Honey Glazed ang manok.
takpan ng Aluminum foil ang manok for 5 minutes roasting ..





5.After 5 minutes alisin ang Alum Foil ,pahiran ulit ng Glazed
lutuin ulit ng 7 or more minutes sa oven toaster..depende sa gusto nyong luto


6.Hiwain at Ihain..
Ibalot sa wrapper at samahan ng fresh na gulay at lagyan ng Peking Duck Gravy
ENJOY...









FOR QUICK VIDEO COOKING