Search For the Recipe

Thursday, May 28, 2015

Ginataang Bataw

Kung may Bicol express,gagawa ako ng gulay express.yung gumuguhit ang sili
My Bataw Express..game na..
Minsan ko ng natikman ang putaheng ito ang Ginataang Bataw.

Year 90's,may friend akong bikolana na malimit akong lutuan ng ginataan recipe,nasaan na kaya sya?",
almost ten years ko ng hindi nakikita sya after naglayas sa bahay nila at iniwan ang asawang hapon at anak,chismosa ko no..hahaha"






Anyway, halos siya ang nagturo sa akin ng pag luluto ng ulam sa gata ,At ang unang natutunan ko ay ang tilapya sa gata,
laing,kalabasa,sitaw at yung bataw na sarap na sarap ako..

Ishare ko lang ang ulam ko last na dinner ko ..bihira kase akong makabili ng BATAW dito sa Japan,so kung may mabibilhan ren lang ,"bilhin na at iluto na,ng bonggang bongga.." heheh"

INGREDIENTS..Lever 3 ang anghang 

2 tali ng sariwang Bataw ( Flat Green Beans)
2 can Coconut Milk
1/4 kilo ng Pork Belly ( boiled for 30 minutes) or use raw
Paminta /optional
Fish sauce (Patis) or use Bagoong
ilang pirasong Luya or Tanlad
Ilang Piraso ng Bawang (pinitpit o hiniwa ng maliliit)
Kaunteng sibuyas
a tsp of vinegar /optional
Mantikang panggisa ( kung gusto ng walang Gisa ,Boil method ang gawing luto)
AT SILING LABUYO 5 o 6 na pirasong fresh green siling labuyo  (hiniwa ng maliliit)
 5 o 6 na pirasong dried sili (hiwain ng pino or ihalo ng buo)




PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

1.hugasan at hiwain ng patagilid ang bataw..tulad ng nasa larawan..(or according na ren sa gustong hiwa at laki)

2.hiwain ng maliliit ang sili,pitpitin o hiwain ng maninipis ang luya ,pati na ang bawang at sibuyas..

3..Sa isang lutuang kawali,Painitin at buhusan ng sapat na dami ng mantika ( 2tbsp )
igisa ang luya at bawang,haluin saglit ..
kapag nangamoy na ang bawang at luya,isunod ang Pork meat
,ang sili .sibuyas..igisa ito ng ilang minuto..at ibuhos ang Coconut Milk

3.. timplahan ng patis at paminta..
Pasubuhan ng bahagya ang Gata bago ihalo ang gulay na Bataw..

4..nilagyan ko nga pala sya ng kaunting vinegar ( optional)
then takpan at lutuin sa tamang lakas ng apoy..



Lutuin ng matagal kung gusto ng nagmamantika ang Gata
o lutuin ng hindi nawawala ang cream ng gata (it's according na den sa inyong panlasa..)

Sabagay kung marami ang niluto nyo at kung iinitin ulit ito lalo syang nagmamantika..yun ang masarap
mentras niluluto ulit ito , ay lalong naglalatik..

Then Serve and Enjoy...Sarap sa mainit na Rice..Busog na busog ako that day.
"Bongga ang anghang sarap nya" hehehh



VIDEO COOKING here..


More photos of ginataang bataw express