Search For the Recipe

Wednesday, September 7, 2016

Ginisang Talong with Bagoong

Binagoongang Talong or Piniritong talong na ginisa sa bagoong..What ever you may like to call this dish..kase imbento ko lang..usually i create my own recipe kesa sa naka rely sa mga libro , minsan basehan ko lang ang luto ng iba..but syempre we have different taste and preferences in cooking.

Today Simpleng Putahe sa mga nagtitipid o tinatamad...

Talong at Bagoong lang okay ng ulam



INGREDIENTS

4 pieces na TALONG ng Japan
2 tbsp Bagoong Alamang or adjust
some Pork meat if you like ( i used Pork chop sliced meat)
2 to 3 tbsp Atsuete OIL
2 pieces crushed garlic
1 medium size onion cut into square pieces
1 small tomato quartered
chili or siling labuyo
black pepper powder
dried chili if you like or some cayenne pepper
2 tsp brown sugar

PAGHAHANDA AT PAG LULUTO



1..ilaga ang pork ng 1 to 2 minutes,itapon ang pinakuluan at hugasan ang pork meat at set aside
then magprito ng pork chop kung gusto ng may partner or fish ..

2.gumawa ng atsuete oil or use cooking oil..

3..hiwain ang pork na gustong laki at set aside, hiwain ang talong ng pacube or square cut bite size
babad sa tubig na may asin..set aside.

4..Sa isang kawali na may mantika ng atsuete ,iprito ang talong na hiniwa,siguraduhing tuyo ang talong para di manilansik..takpan at lutuin ng medyo pahalf cooked ..about 4 to 5 minutes
then set aside.

5,Sa same na kawali dagdagan ng 1 tbsp na atsuete oil at igisa ang sapat na dami ng hiniwang pork meat ng mga 1 minuto at igisang kasama ng bawang then isunod ang sibuyas at kamatis..haluin ng 2 minutes

6..Then lagyan ng 2 tbsp na dami ng Bagoong na luto na at haluin sa mahinang apoy, ihulog lahat ng talong at budbudan ng 2 tsp na asukal, paminta,siling pulbos or dried chili..haluin at takpan..lutuin ng mga 5 to 7 minutes then ready ng iserve







VIDEO COOKING here..share to your friends so everyone can enjoy this recipe..