Search For the Recipe

Tuesday, December 16, 2014

TURMERIC EGG ...Itlog na Dilaw (Salted Egg)

Bagong paraan ng pagkukulay ng itlog na maalat
Sa mga hindi pa nakakakita ng ng itlog na dilaw ,magtanong kayo sa tindahan ng mga itlog at siguradong kilala ito ,bihira pa nga siguro itong makikita at hindi pa gaanong popular..

Mas healthy itong pangkulay kaysa sa itlog na pula na ating nakagisnan..
na alam nating chemical ang ginagamit na pang dye sa itlog ...para sa mga nagnenegosyo maganda itong idea..
at sa mga taong health conscious .







Mga Sangkap ay simple lang
Fresh na Itlog..Duck or chicken egg ..i pickled 2 dozen eggs
600 grams Sea Salt don't use iodized
 3 to 4 tbsp Turmeric Powder..or adjust
8 cups water...no need to make a brine water...
1 huge container para sa lalagyan ng inyong ibuburong itlog.

Paggawa...



Huwag lulutuin ang itlog ..Kailangan ito ay Raw fresh na itlog..

Sa isang Container or Jar..
Ibuhos ang tubig Asin at Turmeric Powder..at isa isang ilagay ng dahan dahan ang mga Hilaw na Itlog..

Cure this for about 18 days to 20 days...or observe and check ..

Then kapag alam yung maalat na ,ilaga sa isang kasirola na may tubig at ihalo ang kalahating tubig ng turmeric water na pinag babaran...

Kapag nailaga na ang itlog...Ibalik ang itlog na nilaga sa  natirang latak ng pinagbabaran .Hayaan itong magkulay dilaw pa ( Isang araw na pag bababad ay maari ng kainin)

Enjoy with Kamatis...

i made GINATAANG ITLOG NA MAALAT na may tuyong Dilis at Langka...
so yummy...promise..


VIDEO COOKING here...





Wednesday, December 10, 2014

.Mustard Bread with Sausage

Let's Bake Bread..

Sa mahilig ng bread tulad ng anak kong babae ,Sinimulan ko ang baking lesson ..a few days ago
nakakagawa naman ako ng bread kaso gusto ko matuto ng mga basic,at mga tamang measurement kung alin ang tama at hindi dapat sa pag bake ng bread..

At narito ang 2nd day na bread na ginawa ko..
Parang bread cracker ang lasa nya,medyo salty na bread ..nagustuhan ng kid ko at 2 pieces ang kinain nya...heheh..








Ingredients...

1..
  75 grams all purpose Flour
      2/3 of tbsp of  instant dry yeast
      1 tbsp sugar
      1/2 tbsp beaten egg
      70 cc of water


2...
 75 grams bread flour
1/2 tbsp salt
10 g. butter


other ingredients
4 pieces wiener sausage
whole grain mustard
  wash egg
2 tbsp Parmesan cheese or 2 tbsp bread crumbs
1 tbsp dried parsley





TOOLS
we need 2 bowl
rolling pin
scissor
scraper
wooded spoon
saran wrap
wet towel

Paghahanda ..
Maghanda ng dalawang Bowl..

1st bowl..
1...Sa unang Bowl Ihulog ang  75 g.na arina, ang yeast .asukal huwag pag sama samahin muna..ilagay lang sa kaliwang parte ng arina...set aside..

2nd Bowl..
2...Ilagay ang 75 grams na arina at asin pati na ang butter..Haluing mabuti hanggang maging creamy
iset aside ..

3...Babalik tayo sa 1st Bowl..Hawiin ang kaliwang arina ng di nagugulo ang nilagay na asukal at yeast
then ihulog ang 1 tbsp na beaten egg ng di hinahalo..
Dumako tayo sa parte ng yeast at asukal ibuhos dito ang 70 cc na tubig dahan dahan ,tunawin ang yeast at asukal bago haluing lahat ang sangkap...
then haluing mabuti ang 1st bowl ( arina.yeast.sugar at egg)


4...Then kung ready ng pareho ang 1st bowl at 2nd bowl .
Ibuhos ang 2nd bowl na batter sa 1st bowl..Haluin itong pareho gamit ang wooden spoon..
haluing mabuti ,alisin ang buo buo o bula sa batter sa pamamagitan ng tyagaang pag hahalo..


5..kapag namumuo na ,na parang  dough ang hinahalo ,at maari ng masahihin or i knead ..
isalin sa knead surface at masahihing mabuti hanggang mawala ang lagkit at maging pino..
Hindi kailangan ng extrang pulbos kung malagkit sa kamay...mawawala ang lagkit kung pagtyagaan ang pag mamasa...hihinto kung wala na ang lagkit.
At bilugin ito na parang bola.ilagay sa isang bowl at takpan ng saran wrap ...rest to rise for about 30 minutes...( ilagay sa warm na lugar)

6.Ihanda ang 3 piraso ng Wiener Hotdog or sausage na gagamitin..balutin ng kitchen paper ang sausage
then balutin ng saran wrap at painit sa microwave ng 1 minute
  then palamigin at punasan ang mga lumabas na juice..
  at hiwain sa gitna ang bawat piraso ng sausage..
  so we have 6 pieces of sausage

ihanda ang 4 tbsp ng mustard
at sa isa namang maliit na lalagyan ,pagsamahin ang 2 tbsp na bread crumbs at 1 tbsp na dried parsley
set aside.

7.After 30 minutes ..Balikan naten ang dough..
 finger check ,pulbusan ng arina ang hintuturo bago ito tusukin ng daliri
kapag hindi bumalik ang daliring tinusukan ..means okay na ang dough
at punch it lightly 3 times..(huwag malakas )
then cut into halves gamit ang scraper
then make 4 balls with same grams..
Bilugin ng di gagamit ng lakas...
takpan ng wet towel ang binilog..rest for ten minutes

8..after ten minutes balikan ang binilog na dough.
kumuha ng isa at ihanda ang rolling pin..
idiin ang rolling pin sa bilog na dough ng pa cross..
at i roll ito na ang haba ay isang sukat ng sausage na inyong ilalagay..
ang lapad ay mga 4 inches at ang haba siguro 7 inches..

9..pahiran ng mustard ang flat dough sa may gilid na pag papatungan ng sausage..
then iroll ang dough habang nasa loob ang sausage..ipitin ang huling parte ng dough para di lumabas ang laman..





!0 ilagay sa tray na may wax paper ..dahan dahan itong gawing korteng V ang rolled Dough na may sausage ..then continue the same process,.



11..Kapag nasa tray na ang 4 na Bread roll na may sausage ..
ihanda ang malinis na gunting na gamit sa kusina..ilubog ng kaunti sa tubig bago gamitin.
gupitin ng di sasagarin ang bawat side ng V shape ..sa labas ng V .,
.tigalawang GUPIT sa left ng V at tigalawang gupit sa right ng V



12..let it rest again again for 20 to 30 minutes in a warm place..cover it with saran wrap at damp towel

13..after 20 minutes...pahiran ng egg wash ang bawat bread roll...at budburan ng bread crumbs or parmesan cheese
at budburan ng dried parsley .

14..then bake it for 11 to 15 minutes ..2nd layer ng oven ilagay ang tray
 ....tips=..4 minutes before maluto ang bread..baligtarin ang tray sa loob ng oven para pantay ang luto...then okay na ang bread ..

ilagay sa isang cooling rock at enjoy ...










video tutorial here...

..

enjoy....







Thursday, December 4, 2014

Arroz caldo ( Lugaw ) with carrots and potato

Dahil umuulan sa Japan,Nagluto ako ng lugaw ,bagay na bagay kapag ganitong malamig ang panahon..may partner pang tokwa at manok na nilitson sa oven toaster ,,

Ang lugaw na aking niluto ay hinaluan ko ng carrots at patatas,para naman maenjoy ng mga bata ,dahil malungkot ang kulay ng lugaw...





Mga Sangkap...


1/2 cup glutinous rice
2 cups cooked rice ( kanin)
300 g. chicken with bones.
1 medium size onion..chopped
3 cloves garlic chopped
1 medium size ginger thinly sliced ..mas maraming luya mas masarap
2 tbsp cooking oil
salt and black pepper
patis or fish sauce
1 tbsp vinegar ( my version )
1 medium size potato ..sliced in small size
some carrots cut into small cubes
enough water ..7 to 8 cups

Pandagdag sa lugaw 
Toasted garlic
garlic chives or green onion
lemon or kalamansi
boiled egg

At tokwa't baboy ( i made TOKWA't MANOK )



Pagluluto..
1.Lutuin sa kasirola ang 1/2 cup na bigas sa 2 cups na tubig..kapag kumulo ng isang kulo..ihulog ang manok..takpan at lutuin ang manok ..10 minutes or more..

2.habang niluluto ang bigas. Sa isang kawaling may mantika igisa ang luya
...lutuing mabuti ang luya bago ilagay ang sibuyas at bawang..

3..Balikan ang nilalagang bigas...ihulog ang cooked rice .add 2 cups water ..at ihalo ang ginisang luya bawang at sibuyas...
haluin at takpan...

4.Ihalo ang carrots at patatas timplahan ng patis asin paminta at ihalo ang bulaklak na pangkulay sa lugaw..

5..lutuin sa mahinang apoy,lagyan ng tubig kung kinakailangan...

6.Kapag luto na.haluan ng 1 tbsp na vinegar at patis para sa huling timpla..
Ihulog ang nilagang itlog kung gustong lagyan..at ihain sa isang bowl at ready na ang mainit na lugaw..

enjoy ....




Video is under construction...
bye bye muna...

Tokwa't Manok

Kung may Tokwa at baboy ,dapat mayroon deng manok..Para sa hindi palakain ng pork..try nyo ang chicken,at kung di ka kumakain ng chicken.eh di tokwa na lang ..hehehe...
maari naman ang fish na tuna or ibang isda ...like galunggong.bangus at iba pa..

Ang chicken ay niluto ko sa oven toaster ,parang lechon na manok ..







Mga Sangkap

isang piraso ng Chicken thigh yung may balat ( 340 g.)
4 na piraso ng Tokwa kung sa Pilipinas ang Tokwa na gagamitin..
kaunting sibuyas na puti hiniwa hiwa ng malilit
kaunting sibuyas na pula hiniwa hiwa ng manipis
5 busal ng bawang hiniwa ng maliliit
siling labuyo..
1/4 cup na suka
1tbsp na asukal
1/4 cup na tubig
paminta at asin
1 tbsp na patis
3 tbsp na toyo or adjust
kaunting mantika ..i used sesame oil

Maaring gumamit ng iba pang spice or seasoning according na ren sa inyong panlasa ..

Pagluluto...

Bago gumawa ng sauce..
iprito ang tokwa..at itabi muna..
then lutuin sa kawali ang manok,paprito or paihaw ..maaring lutuin ng buo or hiwain ng gustong laki..
niluto ko ito ng mga ten minutes , pasteam sa kawali...takpan para lumabas ang juice at lumabas ang mantika..
at naprito siya sa sariling mantika..at medyo matrabaho nga lang ito
dahil ,niluto ko ulit ito sa oven toaster ng 15 minutes..(so inihaw o paprito is according sa inyong gusto..)


hiwain ang inihaw na manok..



Sa isang mainit na kawali ,maglagay ng mga 2 tbsp na sesame oil..igisa ang bawang ,sili na labuyo at sibuyas na puti,
isunod ang tubig,suka,patis,toyo,paminta asukal at asin...lutuin sa mahinang apoy..
dagdagan ng sili kung gusto ng maanghang na timpla..
    maaring palamigin o iserve na mainit ang ginawang sauce...
then ihalo ang fresh na hiniwang sibuyas na pula...at budburan pa ng ibang green vegetable,like chives ,basil leaf at iba pa..

maaring kainin ng bukod ang tokwa at manok habang bukod ang sauce..
or ihalo ang hiniwang manok at tokwa sa ginawang sauce.....enjoy.





 





Then enjoy.....Masarap may LUGAW ang TOKWA't Manok...






Sunday, November 30, 2014

ENSALADANG OKRA

Kumakain ka ba ng okra? o ayaw na ayaw mo ang okra dahil ito ay madulas at malapot kapag kinakain..
Kung ako ang tatanungin naman,kahit isang kilo na okra kaya kong ubusin..ilaga,iprito,isapaw sa sinaing,isahog sa pinakbet ,ihalo sa sinigang at higit sa lahat blanched okra salad ang the best na gustong gusto ko.

Alam nyo ba..Sikat sa Japan ang okra salad...Tinimplahan ng suka kaunting asukal,paminta at japanese dashii tsuyu....at hinahaluan nila ng iba pang gulay na babagay sa okra,..
"ay grabe sobrang sarap"..

kapag nga nagmamadali ako..inilalagay ko lang sa isang bowl ang okra at bubuhusan ko ito ng mainit na tubig,
then ibabad ng ilang minuto at ready to eat na..kinakain ko ito ng may toyo or patis na may suka at bawang...
At mas masarap lalo na kung isawsaw nyo ito sa Bagoong na alamang or hipon...Lagot ang rice  heheheh..
pero ang totoo ...pinapapak ko lang ang okra kahit walang timpla...weird ba?





Ang recipe na nasa larawan ay ginawa ko pa noong ako ay nasa Pilipinas pa..
maybe next time ipakita ko naman ang timpla ng okra salad ,na ginagawa ko dito sa Tokyo..


MGA SAHOG sa Okra Salad
Fresh raw OKRA..
1 small size red or white onion
5 small size cherry tomatoes (use fruit tomatoes for better taste)
pamintang durog
1/2 to 1 tbsp sugar
2 tbsp Vinegar
1 tbsp Soy sauce
kaunting chopped Basil Leaf
cayenne pepper/optional
lemon or kalamansi..pangdisplay ( bawasan ang suka kung gagamit ng lemon or kalamansi

can add patis or a little water
can also add wine vinegar,mirin or else anong meron kayo na gustong ihalo..be creative in making dressings..
add ng Kaunting siling pulbos or siling labuyo.for spicy flavor


Paghahanda..

Just give a hot water blanch to your okra .if gusto ng halos hilaw pa ang okra.(more crispy here)

Give a one time boil kung gusto ng pati loob ng okra maluto ng kaunti..

or ibabad sa kumulong tubig ng isang minuto..

Then banlawan ng malamig ng tubig at patuyuin..

Hiwain ang okra or iserve ng buo..putulin nyo lang ng kaunti ang both side part..

Then ihain sa isang plato..Make your own style of design para sa magandang presentasyon..


Madali lang diba?
Paghaluhaluin lang ang lahat ng sangkap at iadjust ang lasa according sa inyong panlasa
Ibabad nyo lang ng ilang oras ..at ilagay sa ref..then maari nyo na itong iserve..






Video Making ...


ENJOY.....
@Luweeh

Wednesday, November 26, 2014

Sweet Spicy Tuyot na Pusit Adobo

Pang Pulutan o Pang Ulam bagay na bagay...medyo malakas ito sa rice so alalay lang...
Minsan masarap deng papakin ..

Kung may time ibilad sa araw ang pusit mas okay,kung tinatamad na o wala ng tyaga ,maari naman itong iluto sa oven para maging tuyot at medyo chewy ...or lutuin na lang sa kawali .











Ingredients...

1/2 kilo of Small size fresh squid  washed and cleaned
1/4 cup Vinegar or adjust
3 tbsp Soy sauce or adjust
some patis (fish sauce) or use salt instead
Black pepper
5 to 6 cloves of Chopped Garlic
2 to 3 tbsp Sugar
Cayenne Pepper or siling pulbos..add as spicy as you like
Kaunteng Tubig
Garlic powder/optional
2 to 3 tbsp cooking oil

Igisa lang ang bawang kasama ng siling pulbos,( mas masili mas maanghang syempre)
sa kaunting mantika
at isunod ang PUSIT ..toyo suka patis paminta patis ..
lagyan ng 2 to 3 tbsp na sugar at mga 1/2 cup na tubig..
lagyan ng 2 dahon ng laurel..
pakuluan sa katamtamang apoy hanggang sa matuyot
haluin lang ito ng haluin para maiwasan ang pagkasunog..

Maaring lutuin ito sa oven toaster ng 20 minutes..
.kung gusto ng medyo tuyot pa at pa barbecue
ang lasa...
Ilagay sa dahon ng saging ,kung mayroon at saka ito iluto sa oven toaster..






For Quick Video Cooking...



Enjoy your Pusit adobo...PULUTAN na ..





Tuesday, November 25, 2014

Bibingkang Malagkit with Macapuno

Kase nga" medyo maiba naman ang rice biko,namiss ko lang ang cassava cake..dinaya ko na lang sa glutinous rice..lagyan lang ng eggs,cheese at condensed milk siguro lasang cassava cake na siya talaga..








Mga Sangkap ...For small family ang ingredients..

1 cup glutinous rice flour
1 can coconut milk or 3 cups coconut milk
1/4 cup wash sugar
2 tbsp wash sugar
1/4 cup muscovado sugar
pinch of salt
2 cups macapuno






First is to make a caramel glaze of muscovado and coconut milk with macapuno
lutuin sa isang kawali 1/2 cup macapuno ...1/4 cup na coconut milk at 1/4 cup na muscovado sugar
at iset aside..

hugasan ang bigas at buhusan ng 1 cup na coconut milk at 1/4 cup na asukal..kaunting asin..
lutuin ito ng medyo painin.( i cooked in rice cooker)..yung di lutong luto..

At hanguin ..

Maghanda ng non sticky fry pan..Ibuhos ang natirang coconut milk (1 cup ) at ihalo ang 2 tbsp na asukal at macapuno..Ihulog dito ang Sinaing na Malagkit..
haluin ng haluin hanggang maging makunat ang malagkit sa kawali..

then ,ihulma sa isang lalagyan,latagan ng dahong ng saging kung mayroon,pahiran ng oil or butter..







Ipatong sa ibabaw ng rice bibingka ang macapuno jam or bukayo na ginawa..

Mag painit ng 5 minutes sa oven toaster..
Lutuin ulit ito ng 20 minutes sa oven toaster..

then ready na ang bibingkang malagkit na may macapuno....
enjoy...with hot green tea ..









VIDEO COOKING HERE....