Sa mga hindi pa nakakakita ng ng itlog na dilaw ,magtanong kayo sa tindahan ng mga itlog at siguradong kilala ito ,bihira pa nga siguro itong makikita at hindi pa gaanong popular..
Mas healthy itong pangkulay kaysa sa itlog na pula na ating nakagisnan..
na alam nating chemical ang ginagamit na pang dye sa itlog ...para sa mga nagnenegosyo maganda itong idea..
at sa mga taong health conscious .
Mga Sangkap ay simple lang
Fresh na Itlog..Duck or chicken egg ..i pickled 2 dozen eggs
600 grams Sea Salt don't use iodized
3 to 4 tbsp Turmeric Powder..or adjust
8 cups water...no need to make a brine water...
1 huge container para sa lalagyan ng inyong ibuburong itlog.
Paggawa...
Huwag lulutuin ang itlog ..Kailangan ito ay Raw fresh na itlog..
Sa isang Container or Jar..
Ibuhos ang tubig Asin at Turmeric Powder..at isa isang ilagay ng dahan dahan ang mga Hilaw na Itlog..
Cure this for about 18 days to 20 days...or observe and check ..
Then kapag alam yung maalat na ,ilaga sa isang kasirola na may tubig at ihalo ang kalahating tubig ng turmeric water na pinag babaran...
Kapag nailaga na ang itlog...Ibalik ang itlog na nilaga sa natirang latak ng pinagbabaran .Hayaan itong magkulay dilaw pa ( Isang araw na pag bababad ay maari ng kainin)
Enjoy with Kamatis...
i made GINATAANG ITLOG NA MAALAT na may tuyong Dilis at Langka...
so yummy...promise..