Search For the Recipe

Showing posts with label Bagoong Recipe. Show all posts
Showing posts with label Bagoong Recipe. Show all posts

Wednesday, September 7, 2016

Ginisang Talong with Bagoong

Binagoongang Talong or Piniritong talong na ginisa sa bagoong..What ever you may like to call this dish..kase imbento ko lang..usually i create my own recipe kesa sa naka rely sa mga libro , minsan basehan ko lang ang luto ng iba..but syempre we have different taste and preferences in cooking.

Today Simpleng Putahe sa mga nagtitipid o tinatamad...

Talong at Bagoong lang okay ng ulam



INGREDIENTS

4 pieces na TALONG ng Japan
2 tbsp Bagoong Alamang or adjust
some Pork meat if you like ( i used Pork chop sliced meat)
2 to 3 tbsp Atsuete OIL
2 pieces crushed garlic
1 medium size onion cut into square pieces
1 small tomato quartered
chili or siling labuyo
black pepper powder
dried chili if you like or some cayenne pepper
2 tsp brown sugar

PAGHAHANDA AT PAG LULUTO



1..ilaga ang pork ng 1 to 2 minutes,itapon ang pinakuluan at hugasan ang pork meat at set aside
then magprito ng pork chop kung gusto ng may partner or fish ..

2.gumawa ng atsuete oil or use cooking oil..

3..hiwain ang pork na gustong laki at set aside, hiwain ang talong ng pacube or square cut bite size
babad sa tubig na may asin..set aside.

4..Sa isang kawali na may mantika ng atsuete ,iprito ang talong na hiniwa,siguraduhing tuyo ang talong para di manilansik..takpan at lutuin ng medyo pahalf cooked ..about 4 to 5 minutes
then set aside.

5,Sa same na kawali dagdagan ng 1 tbsp na atsuete oil at igisa ang sapat na dami ng hiniwang pork meat ng mga 1 minuto at igisang kasama ng bawang then isunod ang sibuyas at kamatis..haluin ng 2 minutes

6..Then lagyan ng 2 tbsp na dami ng Bagoong na luto na at haluin sa mahinang apoy, ihulog lahat ng talong at budbudan ng 2 tsp na asukal, paminta,siling pulbos or dried chili..haluin at takpan..lutuin ng mga 5 to 7 minutes then ready ng iserve







VIDEO COOKING here..share to your friends so everyone can enjoy this recipe..



Sunday, August 9, 2015

Pork Binagoongan

Another Filipino all time favourite dish,,Pork meat cooked in shrimp paste..iba iba ng diskarte ang mga pinoy lalo na when it comes sa kanilang kinalakihan ...
Pagkaing Pinoy nga naman nakakasira ng dyeta..
noong bata ako isa sa paborito ko ang binagoongan lalo na sa beef..
ngayon syempre hinay hinay na lang...ng ang ating katawan ay hindi mapabayaan..







MGA SANGKAP

you can add gulay in your recipe..or just plain pork meat..
i used Pork belly..

535 grams Pork Belly..cut into size you like
1 medium size onion,kamatis at 1 piece red bell pepper
3 busal na bawang (pinitpit)
3 tbsp Bagoong Alamang.(or add as you like ).I used cooked alamang in bottle
1 1/2 cup water
black pepper
2 to 3 tsp atsuete powder
2 tsp sugar
1 bay leaf
a small cut of star anise



Paghahanda at Pagluluto..
1..i washed and cleaned Pork meat ( boiled in enough water in 1 minutes to remove dirt and remove boil water and wash the pork meat..

2..cut the pork meat according sa sukat na gusto at hiwain ang mga sangkap na pang gisa..

3..in a sauce pan..boil pork meat in 1 1/2 cup water .add laurel leaf and star anise..cook until mawala ang tubig,..





4..then kapag natuyo na ang tubig ,iprito ng bahagya ang pork sa lumabas na mantika at igisang kasama ang bawang,sibuyas at kamatis..haluin bahagya at lagyan ng sapat na dami ng bagoong..
saka ihalo ang siling pula ,timplahan ng paminta at kaunting asukal..lutuin ng ilang minuto 

Then luto na...then serve in a serving plate and enjoy..garnish with siling labuyo or sprinkle with siling pulbos or cayenne pepper for spicy flavor..






watch video cooking here..






Tuesday, January 27, 2015

Kimchi Rice with Bagoong

Kimchi ay popular na pagkain sa Korea ( Fermented Korean Dish made of Vegetables with spicy seasoning)

Sa mahilig kumain ng Kimchi ,narito ang simpleng putahe para sa inyong hapagkainan..
Nagluto ako ng "Sinangag na may kimchi at bagoong.."




Mga Sangkap 
4 servings..



Lamig na Kanin (3 Cups ) 
Bagoong Alamang na Luto na 1 to 2 tbsp..
Hiniwa hiwang Kimchi ( Napa Cabbage or pechay baguio) 35 grams..
kaunting bawang na pinitpit 
mantikang panggisa 2 tbsp 
paminta 

Pagluluto..
Igisa ang bawang sa kaunting mantika hanggang maging golden brown...at isunod ang
1 to 2 tbsp na Bagoong alamang at Kimchi..Haluing mabuti ..At isunod ang Lamig na kanin...
Haluin hanggang sa maluto..timplahan ng paminta at ready to serve,,

Samahan nyo ng ibang side dish at may masarap na kayong Kimchi Rice with Bagoong..
i added fried egg and fried dilis with sawsawang suka na maanghang.

enjoy...


.....Cooking Video here...



Tuesday, April 22, 2014

PINAKBET with fried Breast Chicken partner








         INGREDIENTS ..
squash
eggplant
okra
green beans
tomato.onion.garlic.ginger
shrimp paste
olive oil
water
black pepper
bell pepper
  and BREAST CHICKEN MEAT..




You can add meat,pork,shrimps ,depende sa type nyong ihalo..i added breast chicken para maprotina..tinimplahan ko ng salt at garlic powder saka ko pinirito..

 Then sa pagluluto ng pinakbet..most of Filipino siguro alam na ang style ng pagluluto nito.
may kanya kanyang style nga lang ito sa pagluluto..at iyan ay karapatan ng lahat .
  Then,Igisa ang mga sangkap alinsunod sa paraan ng pag-gigisa.
mantika ,bawang .sibuyas,kamatis at luya.
Igisa ang alamang ayon sa inyong style ng pagluluto..inuna ko ang mga gulay bago ko tinimpla ang bagoong..nilagyan ko ng sapat na tubig bago ko inihalo ang kaunting bagoong .
    May time na ginigisa ko ang bagoong,ngunit ngayon ayoko ng masyadong mabagoong ang gulay ng ang aking mga kasamang Japanese ay makakain man lang..
    Maari itong timplahan ng bagoong habang kinakain ..
at may partner na fried breast chicken meat na sagana sa protina ..


for quick video cooking..


..................










enjoy.................






Friday, January 3, 2014

Ensaladang Mangga

Makatulong laway sa kaasiman at sarap ng Green Mango Salad..
Timplang pinoy na hinahanap hanap saan ka man naroroon.


Kahit ganito sarap isawsaw sa bagoong..

Sangkap at Paghahanda ng Ensaladang mangga..
2 large size green mango
2 tbsp cooked alamang /bagoong
minced onion,kaunti
minced garlic,kaunti
sliced cherry tomatoes/or any kamatis
      you can add 1 tbsp vinegar according to taste..dried dilis...fried pork..and so on..




just combine all the ingredients at mayroon ka ng ensaladang mangga..kung di matamis ang bagoong nyo..
you can add 2 tsp sugar sa inyong salad ..and a pinch of black pepper and hot chili powder or chopped siling labuyo for spicy flavor...yummy

VIDEO MAKING for Quick Look..

To Continue Preparation...

Cut manggo in small pieces or tadtarin ng kutsilyo ang mangga ,kung sanay itong gawin ..(Pinoy style)










 Add some veggies for presentation and for more flavor too.



ENJOY............