Search For the Recipe

Showing posts with label Anchovies. Show all posts
Showing posts with label Anchovies. Show all posts

Wednesday, August 19, 2015

Dilis Paksiw

Kung tawagin ito ay pagkain daw ng mahihirap.bukod sa simple ang rekado ay mura ang maliliit na isda..ngunit hindi ako maniniwala ,na ito ay pagkain lang ng mahihirap..
eh ' kahit Presidente sigurado ako, marunong ren ,kumain nito..right?
para sa akin isa itong masustansyang pagkain ,simple rekado ,patok sa bulsa at patok sa lasa
At mas masarap ..kung ito ay nakabalot sa dahon ng saging ,panigurado kong lalakas pati ang sandok ng inyong rice..

Ewan ko na lang sa mga ibang kababayan naten ang hindi marunong kumain ng ganitong putahe.


MGA SANGKAP
3 lang kase kami sa bahay so kaunting putahe lamang ang aking inihahanda..



1/4 kilo of Fresh Dilis (anchovies)
1/2 cup Vinegar
1 1/2 tbsp Patis (fish sauce)
pamintang durog
2 pirasong siling labuyo or pampaksiw
5 pirasong butil ng bawang
kapirasong luya
talbos ng luya or tanlad
kapirasong ampalaya..(ibabad sa tubig na may asin )
sibuyas or negi ( spring onions)
1 tbsp olive oil
1 cup water




PAGHAHANDA AT PAGLULUTO

 Linisin ang isda at alisin ang hasang at bituka

Sa isang kasirola isalansan ang mga sangkap ...tangkay ng luya .luya, bawang,sibuyas at ipatong ang dilis...buhusan ng 1 cup na tubig...suka ,patis at paminta..

Isalang sa kalan at lutuin ng may takip..after 1 minute ihalo ang kaunting ampalaya  at ang 2 siling labuyo..iwasan itong haluin upang hindi madurog ang dilis..lutuin sa katamtamang apoy..

After 20 minutes ,buhusan ng 1 tbsp na oil at lutuin ng 1 minute then ready for serving na...

Adjust seasoning according to your taste..enjoy..





want to watch Video?
VIDEO COOKING HERE...


Saturday, February 1, 2014

Spicy Sweet Binusang Dilis

Masarap itong pangkutkot,pampulutan at maari ren itong iulam..o isahog sa Gulay na ensalada..side dish sa fried rice ,oh ,nice di ba!




Ito ay sarili kong style at wala ito sa timpla ng iba...malimit ko itong gawin dahil ang mga hapon mahilig sa ganitong luto..

Mga Sangkap sa pagluluto ng spicy dilis.

FIRST STEP..na ingredients
i used 300 g dried Anchovies or tuyong dilis..small size na dilis
1/2 tbsp cooking oil
1 to 2 tbsp washed sugar
black pepper ,cayenne pepper or siling pulbos,garlic powder..

Ingredients for the glazed( Combining all this ingredients)
2 tbsp sugar
1/2  tsp atsuete powder or add more for nice coloring the dilis
1 tsp vinegar 
1 tsp ketsup
1 tbsp soy sauce





For Quick View of the Video....



To continue cooking........



 Ibusa sa mainit na kawai ang dried dilis in 3 minutes..haluin lang ito and then lagyan ng 1/2 tbsp of oil..ibusa ulit ito kahit mga 2 minutes..continue lang sa paghahalo..
After 2 minutes patayin na muna ang apoy, ihulog ang 2 tbsp sugar,tunawin dito ang asukal..
at ihulog ang mga seasoning powder..haluin ulit..


 At sa huling timpla..sindihan ang apoy sa mahinang level..ibuhos ang tinimplang sauce na magiging glaze ng dilis..haluin ng mabilis para di masunog..at hagisan uli ng 2 tbsp asukal..
patayin na ang apoy at haluin lang ang dilis..at luto na...tikman syempre..lol


Kapag luto na..hanguin at ready na itong papakin.."yum yum"


Then sprinkle it with sesame seed or more chili powder..
At masarap itong isawsaw sa suka..yummy..



Mata Ne!...........