Search For the Recipe

Showing posts with label Liver Recipe. Show all posts
Showing posts with label Liver Recipe. Show all posts

Thursday, May 12, 2016

IGADO Recipe


IGADO ay Higado sa Spanish , na ibig sabihin ay atay or liver , ngunit hindi ito nagmula sa Spain basta isa lang naman itong lutuing ulam sa Pilipinas.




Ang putaheng IGADO dish ay nagmula sa mga ilocano, na kumalat sa buong Pilipinas at ngayon isa sa pangunahing mga lutuin na pang Karinderya o paboritong ulam sa hapag kainan ..at syempre makikita ito sa mga handaan..medyo hawig sya sa Menudo Dish na akala mo Adobo..

Alam kong ang Pagluluto at Pagtitimpla ay ayun na ren sa nagluluto o sa kinaugalian at sariling panlasa..
dahil nga ,This is my recipe and How i cook my Igado Recipe..subukan nyo para malaman nyo kung ano ang lasa.

Ang timplang ginawa ko ay hindi malansa at siguradong patok at magugustuhan ninyong lahat...

INGREDIENTS..
460 grams Pork meat /lean meat no fat
180 grams Liver /pork
3 tbsp VINEGAR
2 tsp lemon juice or kalamansi
2 thinly sliced of ginger
2 to 3 bay Leaf
5 cloves Garlic
black and pepper to taste
1 small size Onion
1 tbsp of anato oil /atsuete oil or any cooking oil
1 tbsp Fish Sauce/Patis
3 tbsp Soy Sauce
1/2 tbsp Palm Sugar or any sugar
1 cup water
1 small cut of star anise/optional pero masarap ang mayroon
1 tsp of OYSTER SAUCE/ please try masarap kung mayroon nito..
78 grams carrots/small size
120 grams potato/ i medium size
red and yellow paprika 45 grams each or any red bell pepper
1/4 cup green peas /boiled or fresh
1/4 cup garbanzos/optional



PAGHAHANDA at PAGLULUTO

1.Sa isang Kasirola na may kalahating tubig Pakuluan ang pork meat at Liver in high heat ng mga 2 to 3 minutes , para sumuka ang dumi at itapon ang pinakuluan ,hugasan ang meat at liver..
then slice into 2 inches strips cut size..

2.in a bowl ,ilagay ang pork meat at liver..i marinade ito sa mga sangkap na sumusunod..
suka, lemon or kalamansi ,2 dahon ng laurel,bawang,paminta at asin. haluin at ibabad ng 30 minutes or 1 hour..



3..gumawa ng atsuete oil, igisa ang 1 to 2 tbsp na atsuete seeds ng bahagya sa 2 tbsp na sesame oil  hanggang pumula ang mantika..salain at itabi..

4.sa isang kawaling malinis..ilagay ang ginawang atsuete oil at igisa ang bawang at sibuyas hanggang mangamoy , next ihulog ang marinated pork meat at liver , haluin at takpan ,steam or lutuin ng 5 minutes bago timplahan..sa mahinang apoy..

5.after 5 minutes , buhusan ng 1 cup na tubig ,takpan at palambutin ang meat at liver ..

6.on the half way of cooking , tingnan kung lumambot na ang meat at liver then timplahan ng patis,soy sauce,more black pepper ,star anise , asukal at oyster sauce..maaring isama na ang carrots kung siguradong malambot na ang meat at liver..
haluin takpan at lutuin ng 10 minutes



7..after ten minutes ihalo ang patatas at paprika or bell pepper
budburan ng ng green peas at garbanzos .lutuin ng mga 7 minutes or until sa lumambot ang patatas
at ready na to serve na..









Video cooking here...



Tuesday, December 24, 2013

Pork Menudo (With out Tomato Sauce)



INGREDIENTS...
 3 to 4 servings..

400 g. Pork belly ..clean and cut into bite size
100 g.pork liver
1 can soda lemon/2 cups
2 medium size potato
1 medium size carrot
1 medium size onion
some garlic
anato powder/atsuete
bell pepper
raisin
1 tbs oyster sauce
1 tbsp ketsup
1 tbsp sugar
2 tbsp soy sauce
salt and pepper to taste
1 1/2 cup water
1 piece of star anise
1 bay leaf.laurel leaf
1 tbsp olive oil

..Preparation..
Pakuluan ng 2 minuto ang laman at atay,itapon ang pinagkuluan nito..

Lutuin sa kawali ang pork meat at liver ng may 1 tbsp na olive oil.at ..lagyan ng 1 cup na tubig.
lutuin ng 1 oras at takpan..

After 1 hour ,isahog ang mga sumusunod..Sibuyas,bawang,atsuete ...igisa ng kaunti..then isunod ang carrots,siling pula,raisin takpan at
pakuluan ng isang kulo..
at isunod ang patatas,star anise,laurel,toyo.paminta,oyster sauce,kaunting asukal..at 1 tbsp na ketsup
dagdagan ng 1/2 cup water at lutuin ng 30 minutes..adjust time as it needed..

video cooking here...


then patayin ang apoy at budburan ng grated cheese sa ibabaw..then serve..







left over Menudo can use in siopao filling..try it..










enjoy.....