Search For the Recipe

Showing posts with label Rice Cake. Show all posts
Showing posts with label Rice Cake. Show all posts

Wednesday, May 27, 2015

BIBINGKANG PINIPIG Recipe

Filipino Delicacy (Pinoy Kakanin)
Pinipig ay isang uri ng bigas ,murang bunga ng palay ,pinitpit para maging flakes or flat na butil
Ginagamit ito sa ibat ibang klase ng kakanin,drinks ,desserts at ano pa nga ba? lol



Sabi ng nagtitinda ng bigas,ang kulay berde na pinipig ay food coloring na,"akala ko may totoong berdeng pinipig"..hindi daw lahat ng butil ng pinipig ay magiging berde.
 minsan daw may naliligaw na maberde berde ngunit hindi sobrang berde ,na tulad ng nakikita nyo sa mga pamilihan ..(pekeng kulay pala )

Today nagluto ako ng kakaning pinipig..hinaluan ko sya ng Glutinous rice flour sa dahilang ayaw ko ng purong Pinipig.,parang nagagaspangan ako or sobrang lata ang panlasa ko nito,
So ang pagtitimpla is according na ren sa hilig ng inyong bibig at diskarte ng pagluluto..



Kung tig isang sliced ang kakainin,may 12 pieces ang magagawa..
so..marami na ren ,tikim tikim lang naman ang kain ng di bumigat sa tyan..

INGREDIENTS

2 cups PINIPIG
1 cup Glutinous rice flour
2 can Coconut Milk (4 cups )
2 pinch salt
1 dahon ng Pandan
1 1/2 cup of Muscovado Sugar ( i used 2 cups ,nasobrahan ako ng tamis ) so adjust your sugar
ilang maliit na piraso ng star anise
1/2 cup of Toasted Pinipig for toppings





PAGHAHANDA AT PAGLULUTO..(in my own style)

1..Sa isang bowl na may Pinipig,buhusan ito ng 1 cup na coconut Milk ,haluin at ibabad ng mga 10 to 15 minutes..( di kailangang ang ubod tagal na oras dahil lalata masyado)



2..Sa isang Kawali ,sa mahinang apoy,Ibuhos ang natirang coconut milk sa unang lata muna,
ihalo ang star anise na piraso...( alisin agad kung ayaw ng masyadong malasa ang Anise)
then haluin ng bahagya ,at isunod ang asukal ..haluin at lutuin hanggang maging caramel..




3..Kumuha ng kaunting coco jam syrup para sa toppings ng bibingka,then iset aside muna
ang natirang syrup ay hayaan sa kawali,at dito ihalo ang binabad na PINIPIG
haluing mabuti ,at buhusan ng COCONUT MILK ng ilang batch at di bigla
habang inoobserbahan ang lata o lapot ng pinipig ,ay unti unting ihalo ang GATA ..



ISAMA ANG DAHON NG PANDAN ,bago malimutan..(late ko na itong nailagay)
so ihalo agad ng lumabas agad ang aroma..
(Ang pagbuhos ng Gata ay dahan dahan lang, Kapag binuhos bigla lalapot masyado ang pinipig)
ang diskarte at paraan ay nasa sa inyong kamay,.this is my own techniques.


4..kapag napunang nadudurog na ang pinipig ,ihalo ang GLUTINOUS RICE FLOUR na tinunaw sa kaunting COCONUT MILK..
Haluin hanggang sa mawala ang lagkit at paninikit sa kawali...






5..Kapag nagmukha na syang Kalamay,hanguin at ilatag sa isang paglulutuan na may sapin na dahon ng saging.at ibuhos sa ibabaw ang ginawang jam syrup at ibake sa oven or lutuin sa oven toaster ng mga 15 to 20 minutes,,
or adjust baking time as you observe..

Palamigin bago hiwain ...

At budburan ng TOASTED PINIPIG
"ENJOY


VIDEO COOKING HERE..



More Photos of BIBINGKANG PINIPIG..





jane...


Tuesday, November 25, 2014

Bibingkang Malagkit with Macapuno

Kase nga" medyo maiba naman ang rice biko,namiss ko lang ang cassava cake..dinaya ko na lang sa glutinous rice..lagyan lang ng eggs,cheese at condensed milk siguro lasang cassava cake na siya talaga..








Mga Sangkap ...For small family ang ingredients..

1 cup glutinous rice flour
1 can coconut milk or 3 cups coconut milk
1/4 cup wash sugar
2 tbsp wash sugar
1/4 cup muscovado sugar
pinch of salt
2 cups macapuno






First is to make a caramel glaze of muscovado and coconut milk with macapuno
lutuin sa isang kawali 1/2 cup macapuno ...1/4 cup na coconut milk at 1/4 cup na muscovado sugar
at iset aside..

hugasan ang bigas at buhusan ng 1 cup na coconut milk at 1/4 cup na asukal..kaunting asin..
lutuin ito ng medyo painin.( i cooked in rice cooker)..yung di lutong luto..

At hanguin ..

Maghanda ng non sticky fry pan..Ibuhos ang natirang coconut milk (1 cup ) at ihalo ang 2 tbsp na asukal at macapuno..Ihulog dito ang Sinaing na Malagkit..
haluin ng haluin hanggang maging makunat ang malagkit sa kawali..

then ,ihulma sa isang lalagyan,latagan ng dahong ng saging kung mayroon,pahiran ng oil or butter..







Ipatong sa ibabaw ng rice bibingka ang macapuno jam or bukayo na ginawa..

Mag painit ng 5 minutes sa oven toaster..
Lutuin ulit ito ng 20 minutes sa oven toaster..

then ready na ang bibingkang malagkit na may macapuno....
enjoy...with hot green tea ..









VIDEO COOKING HERE....







Friday, March 14, 2014

UBE PALITAW..new recipe

Bagong timpla ng lutong Palitaw o Palutang..






Simpleng Mga Sangkap..
1 cup Glutinous Rice Flour/adjust depende sa dami na lulutuin
kaunting Tubig /3 tbsp or...
1/4 Mashed Fresh Ube/mixed in blender or durugin at salain
 Gumawa lang ng dough at bumilog ng isang bite size at diinan ng thumb ang bola bola para maging flat ng kaunte..
 At para sa masarap na budbod..
Fresh niyog,sesame seed at asukal..(muscovado at peanut powder is masarap den.)

















Enjoy..
Recipe of LUWEEH..


Tuesday, February 25, 2014

Puto Kutsinta Recipe

Puto at Kutsinta in one Recipe...








Ingredients..
   it serves 16 to 18 small size cup cakes

1 cup Rice Flour( Galapong) soak this for1 hour, para malambot ang puto..if no time na,i'ts okay den naman..
1/2 cup hot cake flour (if using plain flour add a 1 tsp of baking powder..)
 1/2 cup tapioca starch..( it helps puto para maging chewy ang texture,parang sago ba..)
1 tsp powdered atsuete /diluted in 1 tbsp water
1 tbsp melted butter
1 egg 
1 cup coconut milk
1/2 cup muscovado sugar or can use brown sugar/then adjust your sugar according to each taste.

add cheddar cheese for toppings..if possible yung di natutunaw agad na keso..
and can eat with grated niyog..

Preparation ..Just continue to scroll down..
and FOR QUICK VIEW OF VIDEO COOKING...




1st Step ,Sa isang mixing bowl...
Combine the following ingredients...

1 cup coconut milk
1/2 cup sugar
rice flour,tapioca starch and hot cake flour
mix them well together





then add egg..and 1 tbsp melted butter






Mix them well together,or use an electric beater para mabilis at smooth ang batter.
and ready for steaming...
brush molds with oil..and pour the batter

steam for 20 minutes or until its done..
check with sharp tools or toothpick,



kapag medyo matigas na yung puto add sliced cheese on top ,and steam 1 minute..then okay na.


then serve with grated coconut and enjoy.....................






ja ne...