Search For the Recipe

Showing posts with label Rice Recipes. Show all posts
Showing posts with label Rice Recipes. Show all posts

Tuesday, June 30, 2015

Kamote Rice

Try this Healthy Rice for your lunch or dinner Rice with Sweet Potato

Ang sinaing na kanin ay may halong gulay at kamote,healthy di ba? extender den sa rice
at sa katulad ng anak ko na ayaw kumain ng nilagang kamote ,at kapag hinalo ko naman sa rice kumakain..aba ,pinahihirapan ako hehehe'
Anyway ,ang lutong ito ay ordinaryong rice recipe sa Japan ,na tugma para sa panlasa ng mga Filipino..subukan nyo para sa nag papaka health conscious minsan..




Mga Sangkap
Simpleng Sangkap kung anong mayroon sa inyong kusina.

3 cups Rice ( Bigas )i used Japanese Rice of  ,or you can use 2 cups ordinary rice and add one cup glutinous rice ( Kung gusto ng more FIBER ang inyong rice ,use BROWN RICE instead )

3 cups water /adjust
1 cup KAMOTE sliced into cubes ( bite size)
1 tbsp rice wine or use light vinegar 
1/2  tbsp soy sauce 
some tiny sliced of carrots ( dagdag kulay at gulay)
1/2 tbsp mirin ( optional)
Flax seed or Sesame seed ( white or black is okay)

1 added some burdock root cut into tiny pieces para di makita ng daughter ko ..( ayaw nya to .
eh healthy kaya..)
1 tsp salt 

you can add mushroom shiitake ,green peas,bamboo shoot ,chicken meat , chestnut,red beans, green beans,any kind of beans or seeds, maraming pwedeng ilagay..

check your water level..kung saan kayo sanay sumukat sa cups or sa daliri heheheh ..kase ako i'm still doing  the daliri measurement, yan yung nakasanayan ko eh',sa awa naman ,di naman pumapalpak.

Pagluluto 

Hugasan ng tatlong beses ang bigas hanggang sa mawala ang puti sa tubig.,
at saka lagyan ng sapat na tubig at  ihalo ang lahat ng sangkap..haluin ng sandok bahagya para pumantay ang lasa ..
ibabad muna ng mga 1 to 2 minutes bago ito iluto ng pasaing..( i used RICE COOKER para madali )

Habang ito ay niluluto mga tatlong beses itong sisilipin , hahaluin ito para di masunog ang ilalim at para na ren pumantay ang lasa at hindi mahilaw o malata ang nilulutong rice.

Kailan ito hahaluin 
Ang  unang halo ay kapag kumulo ,ang pangalawa ay kapag wala ng tubig at ang pangatlo ay titikman ang sinaing kung luto na at haluin ito ng ilang halo at pay-payan kung maari..) kumikintab ang sinaing kapag ito ay pinaypayan ng bahagya..saka ito isasalin sa isang malaking lalagyan..or individual serving ..

Enjoy with your favorite na ulam ,soup at salad..
Before eaten,usually Japanese style sprinkle the rice with little salt and black sesame seed,sawa na ko sa black sesame seed so i used Flax seed ..



..



no video cooking here for now..quick meal kase..





Tuesday, December 31, 2013

Pinoy Paella or Arroz Vallenciana

Bringhe kung tawagin ng iba...Paella is originally comes from the Spain na ating minana , na tinimpla at inayos para sa panlasang Pilipino..at ito yung gata(Coconut Milk)




Sa pagpasok ng bagong taon,gumawa ako ng Pinoy Paella...

 Maaring Lagyan ng Fried Chicken sa ibabaw ..





Ingredients..


 Timplahan ang Chicken meat ng asin at paminta...Iprito ito sa Kawali na may olive oil..
Maari ren itong adobohin or Pa afritada.kung sinisipag..
Kung madalian paprito lang okay na,at igisa ang mga sangkap kasama ng manok..



Igisa ang bawang sibuyas kaunting bell pepper ,itira ang kalahati for the garnish,
isama ang sweet ham or choriso kung mayroon.

 Habang ginigisa lagyan ng anato powder at turmeric powder.. para magkakulay..then ibuhos ang 1/4 cup na tomato puree..timplahan ng salt and pepper to taste..at kaunting paprika powder
at haluin,

lagyan ng raisin at ng patatas kung gusto ..

And then ibuhos ang 3 cups na bigas,i used japanese rice..



 Haluing mabuti ang mga sangkap kasama ng bigas bago ihulog ang gata at tubig..



 Kapag nahalo na,Ibuhos ang 2 cups na coconut milk at 3 1/2 cups na tubig..haluin then takpan para maluto..lutuin sa pinakamahinang apoy...
Pagmamasdan ang niluluto baka ito ay masunog..


Sa kalagitnaan ,kung ito ay kumukulo na..haluin ng sandok para pumantay ang luto ng bigas.


 At kung malapit ng maluto ,maari itong lagyan ng mga sangkap sa ibabaw..
like green peas .bell pepper..sea food..at kung ano pang gustong ilagay..




Mga 1 oras siguro ang pagluluto nito or adjust time as it needed..then garnish on top of paella rice..
olive fruit,boiled egg,lemon.sea food and i used chicken drumstick..


Pinoy Paella..




Enjoy..and HAPPY NEW YEAR 2014.............